Chapter 17

578 8 3
                                    

A/N: So masyadong napahaba ang break ko at ngayon lang nakapagupdate. Sorry... Hope you like it, guys! =)

Destiny's POV

"Destiny..."

Inaantok pa ko... I don't want to wake up.. Puyat ako kagabi.. Don't disturb my sleep...

"Hey... Wake up, sleepyhead..." Bakit parang iba ang boses ni kuya? baka may sore throat lang. psh. Ito talaga si kuya, ano nanaman ba problema niya? Ginigising ako ng ganito kaaga eh alam naman niyang puyat ako kagabi dahil sa plate ko.

Unti-unti kong binukas ang mga mata ko and I turned around to my retarded brother to asked him what he's problem.

"Ano nanaman ba----" Biglang lumaki ang mga mata ko sa nakita ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko and I-I almost feel his breathing!

T-Tristan??? B-bakit nandito siya? A-ano bang ginagawa niya dito?

"Ahhhhh!!! What are you doing inside my room?!" sigaw ko sa kanya at biglang napaupo sa kama ko ng dahil sa gulat.

Napatulala naman ito sa akin at parang nakakita ng multo. Tumalikod naman ito agad sa akin at hindi ko alam kung bakit. Ano bang nangyayari?

"What?!" galit kong tanong sa kanya.

"Cover yourself..." mahina niyang sabi sa akin habang nakatalikod siya.

Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya.. Oh my gosh! Tinakpan ko naman bigla ang dibdib ko ng kumot ko. Nakakahiyaa!! Naka spaghetti shirt lang kasi ako and I-I'm not wearing my brassiere.. Nakita nya! May nakita siya! Ergh!

"Ahhh!! GET OUT!!!!!" 

Lumakad siya palabas.. pero pagdating niya sa pintuan ko huminto siya sa paglalakad at may sinabi siya sa akin..

"You don't know how to follow an agreement..." and then he walked off..

I looked at my wall clock and it's already 9 am in the morning. Ito nga palang oras na 'to ang agreement ni Tristan sa akin na susundun niya ko dito. Muntik ko ng makalimutan.. Ergh! Bangag naman kasi ako!

Pumasok ako sa banyo at sinimulan ng maligo. Pagkatapos ko naman maligo, nagdamit na ako. I just wore a jeans and a white t-shirt. I just want to be simple today. I took my little shoulder bag that contains my wallet, phone and other girly stuffs. Bumaba na ako pagkatapos kong ayusin ang sarili ko.

I saw him sitting in our couch talking with my brother tapos bigla silang nagtawanan. Natahimik sila ng makita nila ako pababa mula sa hagdan.

"Ito na ang laging late na prinsesa." pang-asar sa akin ni kuya.

"Saan ba ang lakad niyong dalawa?" biglang tanong ni kuya kay Tristan. Inunahan ko naman ito sa pagsagot. Gumawa ako ng dahilan na may project kaming by partner at sakto kami ang nakabunot sa isa't isa. Ayoko kasing malaman ni kuya yung nangyari.

Palabas na kaming dalawa ni Tristan nang magsalita si kuya. "Teka, hindi ka na mag be-breakfast, Des?"

Umiling ako sa kanya. Kahit na nagugutom ako, 'wag na. Ma-le late na kasi kami tsaka baka lalo pang tumagal ang paghihintay sa amin ng dalawang bata.

Tuluyan na nga kaming lumabas. Nakita ko naman ang kotse ni Tristan na nakaparada sa tapat ng gate namin. Pinagbuksan niya ko ng pinto at pinaunang isakay sa front seat tsaka siya sumakay. Medyo may pagka gentleman ata siya ngayon. Ano nanaman kaya ang nakain niya? Kailangan ko talagang malaman yun para ipapakain ko sa kanya yun araw-araw, para naman bumait.

"What do you want for breakfast? Masama ang hindi kumakain ng almusal.. Tingnan mo nga, hindi-hindi ka pa kanina nung tinanong ka ng kuya mo eh namumutla ka diyan." sabi niya habang nagmamaneho siya.

MVP of my Heart (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon