Chapter 13

592 9 1
                                    

A/N: Sorry sa mga makikita niyong wrong spelling and grammars. =)

Destiny's POV


Habang patagal ng patagal ang laro, umiinit ang laban. Mas malala pa ata to sa laban ng UST vs LaSalle eh! Sa ngayon, pasalit-salit ang score. Kaninang 3rd quarter nangunguna ang Wild Lions ngayon ang Gold Dogs naman. Ngayong 4th quarter, nalalamangan ng Gold Dogs ng 2 points ang Wild Lions. 110-112 ang score. 

"Hey! THAT'S A FOUL!" iritang sigaw ni Ace. Siniko kasi ng isang player ng Gold Dogs si Tristan. 

"Ohhh..." 

"Kawawa naman si Papa Tristan! Ang yummy pa naman ng sumiko sa kanya!" 

"Ano ba yan, Raffy? Kaninong kampo ka ba?" tanong ni Ida.

Ng dahil sa foul nagkaroon ng free throw si Tristan.

"I-SHOOT MO NA YAN, ALCANTARA! TAPUSIN MO NA ANG LABAN!" 

"BOOHH!! WALA YAN! PANALO NA GOLD DOGS!" sigaw naman ng ibang tao na kampi sa Gold Dogs. Pwede ba kuya manahimik ka! Kainis ah! 

"Aaayy.. sayang.." - Mayumi

Hindi na-i-shoot ni Tristan ang una niyang tira. God, please! Let them win this game. Lighten them up and give them more strength, please. They deserve to win this game. Sobra-sobra ang inilaan nilang oras sa practice nila. 

Then, all of a sudden, people stood up in surprise when Tristan shoot the ball into the ring on his second free throw. Very nice and smooth. The score became 111-112 now. Nag-chi-cheer na ang lahat para sa Wild Lions at para sa Gold Dogs. 

Nakita kong sobrang pagod na pagod na ang dalawa, si Gab at si Tristan. At the same time, ang mga ibang players mukhang pagod na din. Parang suko na. Pero... NO!!! They need to win this game para makapasok sila sa next game. 

"47! 47 seconds remaining! Medyo mainit-init ang laban na 'to! Dito sa larong 'to, malalaman natin kung sino ang bida sa court! Both teams are strong!" sabik na sabik na sabi ng host sa larong ito. 

"Oo nga, pare! Whoever team that end this game will finally go through the next game. Abangan ang laban vs. the Blue Birds of Debora University! For now, let's see who will win this game. Sobrang intense ng laban ngayon! All of us here are eager to know who's gonna win this game!" sabi naman ng isa pang host. 

Nakita ko ang coach nila. Seating in his chair in front with full of worry in his face. Pati ako kinakabahan na. Nung nag 37 seconds nanghingi ng time out ang coach nila. Nag pause ang laban at pinagusapan nanaman nila ulit ang bagong strategy. This is my chance.

"Pupunta lang ako sa harap." Tumayo ako sa inuupuan ko at dali-daling pumunta sa harap. Kila Gab. May gusto akong sabihin sa kanya. I'm his lucky charm. May gusto akong gawin para maipanalo nila ang larong 'to.

Hinintay kong matapos ang usapan nila ng mga ka team mate niya together with their coach. Pagkatapos nun, lalapit na sana ako sa kanya pero bigla siyang lumingon sa direksyon ko at nakita ako.

"Des." 

Kinuha ko ang bimpo na nakasabit sa batok niya at pinunanasan ko ang pawis na nasa mukha niya. 

"I'm your lucky charm, right?" tanong ko. We're still looking at each other's eyes. Nararamdaman kong bumibilis ang kabog ng puso ko. "Go, end this game, alright?" sabi ko. He smiled at me and nodded. Nag buzz na ang beater serves that the game will resume. "Ikaw nga talaga ang lucky charm ko." he said at bumalik na ito sa court.

MVP of my Heart (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon