Third narrator
After 2 hours lumabas na ang doktor at sa hindi inaasahan ng mga kasama ni courtney ang masamang balita tungkol sa kanilang boss.
"Im sorry pero ginawa na namin ang lahat para mabuhay siya kaso sumuko na yong katawan niya dahil andami ng nawalang dugo sa kanya,kaya im sorry tignan niyo nalang siya sa Morgue." pagkasabi ng doktor ay umalis na siya at ang mga kasama ni courtney biglang natahimik lahat at nagsimula ng magsiiyakan.
"God dammit!!" murang sabi ni Charles at pinagsusuntok yong pader kaya inawat siya nila troy at corvette at si elle naman ay umiiyak na.
Yong apat naman na sila ken,jarred,jacob at max ay napatahimik nalang sa isang tabi.Lahat sila hindi alam ang gagawin dahil sa biglaang nangyari.
Nakalipas na ilang minuto ay wala paring kumikilos ganun pa din sila si elle iyak ng iyak yong mga lalaki tahimik lang na umiiyak hindi sila nag iimikan hanggat nag salita na si Van.
"Tara na kailangan nating puntahan si court." seryusong sabi ni van kaya nagtaka na sila third kung bakit ganun itsura niya na hindi siya umiyak pero iba ang aura niya kaya ng nagsimula ng maglakad si van ay sumunod na din sila at ng makarating na sila sa morgue ay huminto si van sa tapat ng pinto at naghahanap ng lakas ng loob para pumasok sa loob.At ng makahanap na ay pumasok na siya sa loob at sumunod na din ang iba.May nakita silang bangkay na nakatalukbong ng puting tela kaya lumapit si van dun.
Van's Pov
Ano bang nangyayari lahat nalang kinukuha sakin hindi ba ko pwedeng sumaya?Damn!Nang sinabi ng doktor na wala na siya ay hindi ako naniwala dahil ramdam ko na hindi pa siya patay.Tsaka hindi pwedeng mamatay siya ng ganun ganun nalang na hindi niya nalalaman ang katotohanan.Kaya ng simula sabihin ng doktor ay iyak na ng iyak sila elle at si charles ay nagwawala dahil sa nalaman niya na wala na yong taong minahal niya almost a year.
"Tara na kailangan nating puntahan si court." sabi ko dahil alam ko na ayaw na ayaw niyang pinaghihintay.
Kaya kapag malaman ko lang na isang palabas lang to kukunyatan ko talaga siya.Nang nagsimula na akong maglakad ay ramdam ko na sumunod na sila at ng makarating kami sa tapat ng morgue ay bigla akong kinilabutan dahil hindi sa takot ako sa multo ay dahil nasa loob si courtney.Binuksan ko na yong pinto at pumasok na ko sa loob at lumapit sa isang stainless na parang table at may puting tela na nakatakip.Dahan dahan kong hinawakan ang tela at dahan dahan ko ding tinanggal yong tela sa mukha at sa hindi ko inaasahan na si courtney ang taong yon kaya bigla nalang ako napaupo sa sahig at iyak ng iyak.
"Damn! hindi ko man lang nasabi sa kanya na kapatid niya ko." sabi ko sa sarili ko habang iyak na iyak ako.
"Shit." iyak na sabi ni charles ng makita niya si courtney na nakahiga at yong iba hindi na nila nagawang tignan dahil hindi nila kayang tignan ng ganon si court.
Nang tignan ko si Charles ay para akong mas lalong umiyak dahil yakap yakap niya si court at kinakausap.
"Hey..gumising kana dyan,wag ka naman magbiro ng ganyan oh please court." sabi niya habang hinahawakan yong mukha ni courtney at ang iba umiyak na talaga pati si elle na nag iisang babae samin ay hindi napigilan na lumapit.
"Hoy courtney!!*huk*gumising kana dyan!!*huk*sige ka kapag hindi ka gumising dyan ibibigay ko tong si kuya kay marietta!!*huk* kaya gumising kana dyan please. huhu." iyak na sabi ni elle at mas lalo siyang umiyak ng yakapin siya ng kapatid niya.
"Papatayin ko ang lahat ng angkan ng lalaking yon." galit na sabi ni troy.
Nakaupo lang ako sa isang tabi at pinagmamasdan ko lang si courtney na nakahiga at pinagyayakap ni charles.Nang mapansin ko na niyakap siya ni elle ay napangiti siya kaya lumapit ako.
"Charles titigan mo nga si courtney." sabi ko kay charles at tumingin naman siya sakin na nagtataka.
"Gawin mo nalang." sabi ko sa kanya at ginawa niya.
After 5 mins.walang nagbago ganun pa din itsura ni courtney,pinasubukan ko naman kay elle na yakapin niya si court at ganun pa din naman,sinubukan ko na din na yakapin siya pero ganun pa din.
"Ano ba ginagawa mo Van?minamanyak mo si boss ah kahit patay na." gagong sabi ni third.
"Gago!bakit ko mamanyakin yong sarili kong kambal?!baliw ka rin mag isip nuh?" sabi ko sa kanya gago talaga tong taong to.
"Ano?!" sabi nila ay shit nadulas ako sa sinabi ko tsk lagot na pero hayaan na nga.
"Tsaka ko na sasabihin sa inyo pero ang totoo kakambal ko siya hindi lang kami yong totally na magkamukha." sabi ko sa kanila.
"Ah kaya pala dati unang kita ko sa inyong dalawa akala ko magkambal kayo..so totoo pala." manghang sabi ni third.
"Hindi oras ngayon para mamangha." sabi ni ken.
"Charles halikan mo nga yang babaeng yan para magising na." sabi ko kay charles dahil badtrip na badtrip ako sa kanya.
"Huh?seryuso kaba Van?patay na yong tao tas hahalikan ko pa?" hindi makapaniwalang tanong ni charles sakin.
"Oo kaya pinapayagan kita,bakit ayaw mo ba?" sabi ko sa kanya..a ang iba takang taka kung ano nangyayari.
"Just do it." sabi ni ken na siguro ay alam na niya kung anong iniisip ko
Nang hahalikan na ni charles si court as in malapit na malapit na yong mukha niya sa mukha ni court ay bigla nalang dumilat si courtney.
"Waaah!!/Waaahh!!" sabay nilang sigaw at bangon agad si courtney.
"Pfft." pigil kong tawa sabi na eh palabas lang lahat.
"WHAT THE?!" sigaw na sabi ni troy dahil sa pangyayari.
"Makasigaw troy ah?" sabi ni courtney.
"Palabas lang pala lahat?dapat sinabi mo para humagulgol ako." sabi ni third.
"Gago!!" sigaw ko sa kanya baliw talaga to.
Charles Pov
What the.Ano nanaman ang pakulo ni Van?una umamin siya na kambal niya si courtney at hindi naman kami nagulat dahil matagal na namin yon naiisip at ngayon naman ay yong halikan si courtney.Alam naman niya patay na si court tas ipapagawa niya pa sakin pero ginawa ko pa din at ng mailapit ko na yong mukha ko sa kanya ay nagulat ako ng biglang dumilat yong mata niya kaya pareho kaming napasigaw.
"Waaah!!/Waaahh!!" sabay na sigaw namin at natawa si van,badtrip yong taong yon.
"WHAT THE?!." sigaw na sabi ni troy dahil sa pangyayari.
"Makasigaw troy ah?" sabi ni court kay troy.
"Palabas lang pala lahat?dapat sinabi mo para humagulgol ako." sabi ni third,kahit kailan talaga tong lokong to kaya napamura si van.
"Salamat at buhay ka." sabi ko sabay yakap sa kanya dahil sobrang natakot talaga ako na wala na siya.
"Ehem ehem." kunyaring ubo ni corvette at napatingin din sa kanya si troy.
"Tabi nga!" inis na sabi sakin ni troy at yumakap kay courtney.
"Loko ka talaga..wag mo na ulitin yon ahh nag alala ako sobra." sabi ni troy kay courtney kaya bigla akong sumingit.
"Ahem..excuse me?" sabi ko kay troy.
"Ano dadaan ka?" tanong niya sakin at nagsitawanan ang iba mga loko.
"Ah ewan makaalis na nga." sabi ko sa kanya at naglakad na palabas.
"Mendoza." sabi ni courtney kaya napalingon ako.
"Oh?" sabi ko sa kanya bahala siya sa halip na magsalita ay tumayo siya na nanghihina,bahala siya may sasalo naman sa kanya.
to be continued.
----
sa wakas natapos ko na din tong chap n to..naiba pa peo i hope na magustuhan nio;)
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With A Mafia Boss
Novela JuvenilHi Im Courtney Wick Im the Daughter of Alexander Wick and Elizabeth Montemayor.. Papayag ba ang isang lalaki na maikasal sa isang tulad ko?kung ang katotohanan ay isa akong Mafia Boss? Let see..