Chapter 33

432 10 3
                                    

Narrator's Pov

Naisip na ni Courtney kung kanino siya hihingi ng pabor ay kundi sa babaeng pinaka malapit kay Van ay yun si Cindy. Simula bata palang magkasama na sila kaya ganun nalang din kalapit silang dalawa ng kapatid niya. Kaya agad niya itong tinawagan at kinausap tungkol sa hihingin niyang pabor.

Nang dumating na si Cindy ay nag usap sila ng sila lang at umagree naman ang dalaga dahil hindi niya rin ito matanggihan. Kaya pagkatapos nilang mag usap ay nagkasundo sila na pumuntang Ospital kung nasaan ang mga kaibigan nila ng may humarang sa kanila.

Sinubukan nilang umiwas pero napakarami ang nakaharang sa daan kahit na si Courtney ay nahirapan din na mismong natakot na din sa kalagayan nila. Pinakuha ni Courtney kay Cindy ang isang baril para naman protektahan ang sarili. Dahil sa hindi na makontrol ni Courtney ay sitwasyon ay lumabas na ito at pinagbabaril may mga nakahandusay na sa sahig ngunit lalo lang ito dumami kaya hindi napansin ni Courtney na may tao sa likod niya kaya nagmadaling binaril ni Cindy ang taong yun at bumagsak nalang kaso ng lingunin ni Courtney ang dalaga ay may naramdaman siyang may tumama sa kanya..sa bandang dibdib na ikinagulat ng dalaga kaya agad niya itong pinaputukan at nagmadaling pumunta sa kinalalagyan ni Courtney kasabay ng pagbagsak ni Courtney ay mabilis na umalis ang mga humarang sa kanila at nagsi paglabasan ang tao sa loob ng Ospital. Prinotektahan siya ng babaeng mahalaga para kay Van pero ang sarili niya hindi niya na protektahan.

Sila Van,Troy,Ken,Max, at Jacob ay nagmadaling pumunta sa dalawa dahil sa malayo palang ay nakita na nila kung kaninong kotse at ng tinignan nila kung sino ang nasa sahig ay bigla nalang tumulo ang luha ng kapatid ng dalaga. Nang makita nila ay dali daling binuhat ni Van ang kanyang kapatid papasok sa loob at sila Ken ay inalalayan si Cindy at ang iba ay sinubukang habulin ang mga tumakas.

Kaso ng pagpasok nila Ken at Cindy ay nakita nalang nila si Van na nasa nakatayo halos hindi gumalaw nag taka nalang sila ng ito ay tumakbo sa loob kung nasaan ang kapatid niya.

Kaya ay nagtanong sila sa Doctor na nakita nila at sinabi ay "Pasensya na ho pero w-wala na si Miss." Nakatungong pagkadismayang sinabi sa harap nila. Kaya sumunod sila sa loob kung saan tumakbo ito at ng makita nila ito ay yakap yakap ang kanyang kapatid na umiiyak na parang bata na inagawan ng candy. Kaya hindi na nila kayang iwasan ang pag iyak dahil kusa ng tumulo ang mga luha sa mga mata nila.

Dumating na din ang iba pa nilang kaibigan at nakita nila kung ano na nangyayari maski sila ay hindi makapaniwala nasa nangyari. Iniisip nila kung ano na mangyayari sa kanila dahil nawala ang kaisa isang babaeng tinuring nilang kapatid.

May isang babaeng pumasok sa loob at tinignan ang walang buhay na dalaga at ng makita niya ito kung sino ay umiyak nalang siya bigla.

"Anak bakit?! Anong nangyari sayo?! Akala ko ba lalaban ka pero nangyari sinong gumawa sayo nito?!" Paghihinagpis ng ina ni Corvette dahil tinuring na niya itong anak.

Ang lahat ay hindi makapaniwala na wala na siya. Ang nag iisang babaeng para sa kanila ay kapatid. Labis na nasasaktan ang lahat dahil dito. Maski ang babaeng kasama niya sa kotse ay hindi maiwasang sisihin ang sarili niya kaya niyakap nalang siya ni Van. Pero nagsalita siya na..

"Humingi siya ng pabor sakin. Kung mamamatay man siya ay ipacremate niyo nalang daw ito kaagad." Naiiyak na sinambit niya ang huling pabor sa kanya.

At mas lalong naiyak silang lahat dahil sa ganung kadali lang ay nawala siya. Kaya sinunod nila ang huling habilin ni courtney kay cindy. At ilang araw lang din nila ito pinagluksa dahil nung nabubuhay pa siya ay yun ang palagi niyang sinasabi sa mga kaibigan niya.

Hindi nila alam kung paano sila mag uumpisa at hindi pa din alam ng apat dahil hindi pa sila nagigising kaya sobrang masakit pa din sa mga naiwan nila.

Sobrang hirap ng nangyayari dahil ang una ay si Corvette sunod ay sila Charles,Elle at Third at ang huli ay si Courtney. Ngayon palang nahihirapan na sila kung paano sasabihin sa apat pa nilang kasama ang nangyari kay Courtney.

----
Sa wakas may UD na whahahahaha
new character is in haha

Arrange Marriage With A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon