Chapter 31

2.4K 52 27
                                    

Sebastian's Pov

Tinanong ko sila Jack at Max kung siya ba talaga yun at tumango sila sakin. So confirm she's my fiance. Bakit sa dinarami raming babae siya pa. I can't believe kahit maganda siya hindi ko siya type. Shit anong gagawin ko pagnalaman niya na ako yung fiance niya tsk.

"Hey Miss Montemayor im Sebastian Thompson your fiance." sabay abot yung kamay ko sa kanya.

Hindi niya inabot yung kamay ko kundi naka tingin lang sakin na gulong gulo yung isip. Kaya sinabi ko na joke lang kaya ayun okay na muntik pa kong masapak.

"Akala ko pre siya talaga yun." sabi ni max na huminga ng malalim. Hindi niya muna pwedeng malaman ngayon dahil andami niya pang iniisip tungkol sa mga pamilya niya..

"Pre una muna ako ahh marami pa kong gagawin." nauna na akong umalis para hindi makadagdag pa kaya tumango nalang sila.

Hays bakit siya pa? Ang hirap naman nito. Ibang iba siya sa mga type kong babae. Andami naming punagkaiba. Shit pati ako napapaisip eh. Kakausapin ko nga muna si Dad.

Third narrator

Ilang beses niyang tinatawagan yung daddy niya pero hindi pa din ito sinasagot kaya pinuntahan na niya ito sa bahay.

Nang makarating siya nakita niyang maraming bantay sa labas ng bahay nila kaya nagsimula na siyang kabahan.

Pagkababa ng pagkababa niya sa kotse niya ay nilapitan na siya ng isa sa body guard ng daddy niya.

"Sir."

"Ano nangyari dito?bakit andito yung iba?"

"Sir may mga hindi kilalang tao ang pumasok sa loob ng bahay."

"Shit."

Kaya naglakad na siya papasok ng bahay at nakita niya ang mga lalaking pumasok sa bahay nila. Hinanap niya kaagad yung daddy niya at nakita naman niya ito kaagad na nakaupo sa master's bedroom na katatapos lang gamutin.

"Dad ano nangyari dito?okay ka lang ba?" pag aalala niyang tanong.

"May pumasok dito. Hindi ko mga kilala. Naririnig ko si manang na sumisigaw na kaya bumaba na ako agad at nung nakita ko sila nilabas na nila kaagad yung mga dala nilang baril kaya tumakbo kaagad ako."

"Si manang kamusta?"

"Pasensya na anak hindi siya nakatakbo kaya nabaril siya ng mga taong yun." malungkot na sabi ng kanya ama.

Kaya nagalit siya dahil sa nangyari sa ama niya at sa kanyang manang.

"Asan na si manang ngayon?"

"Siguro nasa kanila naka burol. Pero anak mag iingat ka."

"Oo dad kayo din. Ahm anong oras to nangyari?"

"Kanina lang anak ng mga 7pm."

"7pm?" nagtataka siya dahil magkasunod lang yung nangyari sa mga kaibigan ni court. Bigla niyang naalala na konektado ang dad niya kay courtney kaya ganun nangyari sa kanya.

Tinawagan niya ang kanyang kaibigan na si Max.

Ring....ring...ring...

(Oh pre napatawag ka?)

"Pre anong oras nangyari sa mga kaibigan niyo?"

(Ang pagkaka alam ko pre mga 6pm something eh bakit?)

"Wala pre salamat. Basta mag iingat kayo palagi."

(Sige pre ikaw din.)

Tama nga. Ang lahat ng konektado kay courtney ganun mangyayari kaya kailangan mag iingat ng mga nasa paligid niya.

---

Courtney's Pov

Kailangan ko munang lumayo sa kanila dahil kilala ko yun yung mga mahal ko sa buhay yung tinatarget niya.

After kong masigurado na okay na silang lahat. Umalis na ko at hindi na nagpaalam sa kanila. Para wala ng madamay pang iba.

Dumiretso na ko sa bahay at kinuha ang mga gamit ko na pwedeng magamit ko sa pupuntahan ko at nag iwan ng isang letter para sa lahat. Pero may nag iwan din ako ng isang letter sa kapatid ko.

Nang tignan ko ang mga gamit ko mukhang okay na. Kaya pinakuha ko na kay kuyang guard yung mga gamit ko at isakay sa kotse ko ng maisakay na lahat nagpaalam ako sa lahat ng tao dun.

"Make sure bago kayo umalis lahat ng bintana at pintuan naka sirado na okay? Yung susi ibigay niyo kay Van. Hindi kayo nawalan ng trabaho gusto ko lang maging safe kayo. Nasa atm niyo na yung pang gastos niyo for 5months. Alam ni manang yung laman kung magkano."

"And after that susunduin kayo ni manang mamaya pagkahatid niya sakin okay? Pack your all clothes. Take care guys. Bye."

"Ang bait talaga ni ma'am." narinig ko yung sinabi ng isang kasamahan ni manang kaya tumalikod ako at niyakap sila at isa isa ko silang niyakap at nagpasalamat sa lahat.

After magpaalam sa kanila kay manang naman ako.

"Manang pasensya na ahh kailangan ko tong gawin. Mag iingat kayo ahh mamaya iimpake niyo na gamit niyo at pumunta sa sinasabi ko sayo. Pupunta ako dun."

"Mag iingat ka din dun anak ha. Sige hihintayin ka namin dun."

"Sige po manang." sumakay na ko ng kotse ko at nagdrive na papunta sa pupuntahan ko.

To be continued...

-----

Pasensya na ngayon lang nakapag UD..bawi ako hahaha busy sa work eh. Add niyo ko sa fb ko search niyo ko Arlene Orcullo dp ko yung kami ng hubby ko..message niyo ko kung kayo yun para maaccept ko hehehe. Salamat pala sa mga nagbabasa ng story ko.. Loveyouall

Arrange Marriage With A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon