Zyna's POV
- Sunday –
Nakauwi na kami galing sa resort nila Ace. Back to school na naman kami bukas -____- Pupunta pala ako kila Shane, yung pinsan ko na photographer. Magsa-shopping kasi kami. At the same time, pictorial ulit. Tyaka may gusto daw syang ikwento sakin eh. Ewan ko lang kung ano yun? Walang clue eh.
- Mall -
"Shane? Anong mga bibilhin mo?" tanong ko sa kanya.
"Kung anong makita kong magaganda. ^____^" sagot naman niya.
Pumunta kami sa ladies wear at namili ng mga damit. Pero parang tinatamad ako ngayon eh.
"Couz? Maganda ba 'to?" tanong ni Shane sakin.
"Oo. Bagay sayo yan ^____^" sagot ko naman. "Pero mas okay kung isukat mo na yan sa fitting room. Para makapag-umpisa na tayo sa pictorial." dagdag ko pa.
"Ito na nga eh! Papunta na nga sa may fitting room oh!" at pumunta naman na siya sa fitting room. Tumitingin-tingin lang ako ng mga damit dun nang hilahin ako ni Shane. "Tara na Couz! Magbabayad na ko."
"Teka! Wag kang tumakbo." sakto namang andun na kami sa cashier at walang pila kaya tumigil na siya. Nang matapos na kaming magbayad, umalis na kami sa mall at pumunta na sa studio namin.
"Dalian mo.." sabi naman ni Shane sakin.
"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko.
"Wala lang. Para matapos na agad yung pictorial natin." andito na kami sa may studio. And guess what? Andito si Zylex!
"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Zylex.
"Tinawagan ako ni Shane eh. Gagawin daw akong partner mo." Eee? Partner na naman?
"Bakit di mo sinabi sakin kanina? Kaya ka ba nagmamadali?" tanong ko naman kay Shane.
"Ah.. Eh.. Oo? Hahaha." sagot naman ni Shane.
"At wala kang balak sabihin sakin na siya ang partner ko?"
"Suprise sana eh?" surprise daw?
"Bakit? Ayaw mo kong makapartner? Eh di ba friends naman na tayo? ^____^" sabi ni Zylex at inakbayan ako.
"Oo friends na tayo.. Pero wala akong sinabi na pwede ka ng umakbay-akbay sakin noh!"
"Tama na yan. Mag-start na tayo." Nang magstart kami.. Wala kaming masyadong kibuan ni Zylex Hanggang sa matapos. Ewan ko lang kung bakit?
"Zyna? Maglunch na tayo." Sigaw sakin ni Shane.
"Oo. Andyan na! Wait lang!" papunta na sana k okay Shane nang makita kong nakaupo pa rin si Zylex. "Ikaw Zy? Di ka pa kakain?"
"Busog pa ko. Mauna na lang kayo." Pero parang ang tamlay ng aura niya eh. Ano kayang nangyari dun?
"Shane? Tara na." sabay kalabit ko kay Shane.
"Si Zylex? Di pa sasabay?" tanong naman niya sakin.
"Busog pa raw eh." Pagkasagot ko sa tanong ni Shane, pumunta na kami sa isang resto malapit sa building nung studio namin.
"Zyna? Anong oorderin mo?" tanong sakin ni Shane.
"Rice tyaka chicken na lang." paalis na si Shane ng magsalita ulit ako. "Dalawahing order mo yung sakin ah."
BINABASA MO ANG
Playboy meets Badgirl
Teen FictionAno kayang mangyayari kung ang Isang Playboy ay mainlove sa isang Badgirl na dati ng nasaktan sa pag-ibig? Magagawa na kaya ni badgirl na magmahal muli kung ito naman ang dahilan ng pagiging badgirl nya? O sadya nya na lang kakalimutan ang salitang...