Zyna's POV
- School –
"Zyna!!" sabay akbay sakin ni Zylex.
"Ikaw talaga! Pumayag lang ako na ligawan mo ko.. Napapadalas na yang pag-akbay mo sakin ah!"
"Ito naman! Masanay ka na.. Magiging tayo rin naman eh." sabay kindat niya sakin.
"Tch." Halos one week na pala simula nung pumayag ako na manligaw siya sakin. Araw-araw niya pa nga akong nililibre kapag break time o lunch time eh. Hahaha.
"ZYLEEEX!!" napalingon naman kami sa likod.
"Oh? Tiffany?" - Zylex
"Samahan mo naman ako sa canteen. Nagugutom ako eh." - Tiffany
Dito na rin pala nag-aaral si Tiffany sa school namin. Tapos, lagi siyang dikit ng dikit kay Zylex. Eh bestfriend lang naman ang tingin sa kanya ni Zylex. -______-
"Pasensya na. Nagpapasama si Zyna sakin eh." - Zylex
Nagpapasama ba ako sa kanya?
"Pwede naman siguro akong sumama di ba?" - Tiffany
"Ah.. Eh.." - Zylex.
"Sige. Sa room lang naman kami eh."
- Classroom –
"Hoy! Zyna!" pabulong na tawag sakin ni Kyra.
"Bakit?"
"Hahayaan mo lang ba talaga yang pinsan mo na umali-aligid siya kay Zylex? Tingnan mo oh? Nakakapit na naman. Ang landi rin niyang pinsan mo ha."
"Ssshh. Wag kang maingay."
Magkaklase din pala kami ni Tiffany. At magkatabi sila ni Zylex.
"Wag maingay? Mas okay nga yung marinig niya eh."
"Zyna.. Sabay tayo maglunch mamaya ah?" - Zylex
"Zylex! Tayo na lang magsabay!" - Tiffany
"Zyna!!" napalingon naman kaming lahat sa may pinto ng room namin.
"Tinatawag mo ba ko?" tanong ko dun sa guy.
"Malamang! Tinawag nga niya yung pangalan mo eh!" biglang sabat ni Kyra. Kaya nasiko ko tuloy siya.
Lumapit naman yung guy sakin at hinawakan yung kamay ko.
"Hoy! Bat mo siya hinahawakan?" - Zylex
"Hindi naman kayo di ba?" - Guy
"Hoy Joshua! Ano bang kailangan mo kay Zyna?" - Kyra
Joshua? Tama! Siya yung guy na biglang bumulong sakin, ata? Ano kayang kailangan nito sakin?
"Di mo ba alam na Fiancee ko siya?" - Joshua
"F-Fiancee!?" - Ako/Kyra/Zylex/Xander/Tiffany.
"T-Teka? Teka? P-Pano naman kita naging Fiancee!?"
"Di pa ba sayo nasasabi ng parents mo?" - Joshua
"Nang parents ko?"
"Oo. Di mo ba alam na inarrange marriage tayo?" - Joshua
"Teka lang ha? Wag kang makampante na papayag na lang ako basta-basta. Isa pa, ayoko ng arrange marriage. Okay?"
BINABASA MO ANG
Playboy meets Badgirl
أدب المراهقينAno kayang mangyayari kung ang Isang Playboy ay mainlove sa isang Badgirl na dati ng nasaktan sa pag-ibig? Magagawa na kaya ni badgirl na magmahal muli kung ito naman ang dahilan ng pagiging badgirl nya? O sadya nya na lang kakalimutan ang salitang...