Chapter 25: New year

2.4K 74 0
                                    

Zyna's POV

"*yaaawn* Good morning ate Zyna.." bati sakin ni Aimee.

"Good morning din Aimee. Ang aga mong magising ah? At mukhang inaantok ka pa. Matulog ka kaya muna?"

"Di na. Baka tanghaliin pa ko ng gising. At kapag tinanghali ako ng gising, sigurado akong bubulabugin ako ni Kuya. Kaya mas okay na 'to. Kasi, ako ang mambubulabog sa kanya."

 

"Hinding-hindi mo sakin magagawa yan." napatingin naman ako sa likod ni Aimee. Si Zylex pala.

"Tch. Sayang! Makababa na nga lang. Para makakain na ko." - Aimee

"Zyna!" tawag sakin ni Zylex.

"Bakit?"

 

"Wala lang." at lumapit siya sakin.

"Tara na. Kumain na tayo." yaya ko sa kanya at pumunta na kami sa dining room.

"Buti naman at bumaba na kayo. Kayo na lang ang kulang dito eh." sabi ni Mommy Alice samin. Umupo naman na kami at kumain.

"Hoy Zyna!" - Kyra

"Bakit?"

 

"Wala. Kumain ka na. Masyado kang natutulala diyan eh."

 

"Natutulala ba ko?" at tumango naman silang lahat.

"May problema ka ba?" - Kyra

"W-Wala ah."

 

-----

Pagkatapos namin kumain, lumabas ako. Pumunta ko sa likod ng resthouse namin kung saan may malaking puno at umupo sa ilalim ng nun. Tinakpan ko naman ng panyo yung mga mata ko at pumikit.

"May problema ka ba?" tinanggal ko naman agad yung panyo sa mata ko at tiningnan kung sino yung nagsalita.

"Josh.." umupo nadin siya sa tabi ko.

"May problema ka ba?" tanong niya ulit sakin.

"W-Wala." at yumuko na lang ako.

"May problema ka eh."

 

"......"

Hinawakan naman niya yung mukha ko at inangat yun. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin.

Playboy meets BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon