Chapter 26: Graduation

2.7K 78 0
                                    

Zyna's POV

- School -

"Zyna!" napalingon naman ako.

"Kyra? Ang aga natin ah?"

"Sinusulit ko lang yung natitirang araw noh! Alam mo namang malapit na tayong grumaduate eh. Tapos.. Aalis ka na. Pupunta ka ng Paris.. At magiging isaaaang sikat na modelo."

"Baliw ka na talaga!"

"Pano naman ako naging baliw?"

"Wala."

"Tch. Pinupuri ka na nga eh."

"Alam mo namang may mamimiss ako di ba?"

"Alam ko naman yun."

"Parang ayaw ko tuloy tumuloy.."

"Kapag hindi mo yun tinuloy.. Magagalit ako!" napatingin naman ako sa umakbay sakin.

"Zylex naman! Ayaw mo ata akong makasama eh."

"Ikaw? Ayaw kong makasama? Nagpapatawa ka ba?"

"Tch." naglakad naman na ako papunta sa room. Pero habang naglalakad ako, nakaakbay pa din sakin si Zylex.

"Joke lang Zy. Alam mo kasi.. Para sayo naman yun. Tyaka di ba? Napag-usapan na natin yun?"

"Kaya nga. Pero ayaw kasi kitang iwan dito eh."

"Bakit naman?"

"Baka mambabae ka lang dito." pabulong kong sabi.

"Ano yun?"

"Wala."

"Baka daw mambabae ka lang dito." - Kyra

"Alam mo namang ikaw lang mahal ko eh." - Zylex

"Alam ko."

"Kaya magtiwala ka na lang sakin."

"Ang aga-aga NAPAKAsweet!" - Tiffany

"Magiging sweet din naman kayo nun oh!" sabay turo ko sa likod niya.

"Josh." - Tiffany

"Good Morning Baby." - Josh

"Sabi sayo eh! Magiging sweet din kayo eh. Baby pa nga yung tawag sayo ng boyfriend mo eh."

"Ako pa tuloy yung nabara! Dumating ka kasi kaagad eh!"

"Okay lang yan!" sabay yakap ni Josh kay Tiffany.

"Ayun yun eh!" at nagtawanan kami.

"Pasok na tayo sa room."

"Oh? Ang aga din ng prof natin. Josh, kita na lang tayo mamaya ha. Babye." at kiniss ni Tiffany si Josh sa cheeks.

-----

"Class dismissed." sabi nung Prof namin. Uwian na. Pero tanghali ang uwi namin ngayon kaya nilibot-libot namin yung buong school.

"Mamimiss ko talaga 'tong university na 'to!" - Kyra

"Punta tayo ng music room." yaya ko sa kanila.

Playboy meets BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon