Zyna's POV
- After 5 years -
"Good job, Zyna!" sabi sakin nung photographer namin.
"Goodbye Guys! I need to go!" sabi ko sa mga katrabaho ko.
"Keep safe Zy!" sabi ni Erise sakin. Nginitian ko na lang sila at pumunta na ng airport.
-----
Pagdating ko dun, dumiretso na ko sa bahay. Di pa pala nila alam na uuwi ako ngayon. Gusto ko kasi silang isurprise eh.
Pagdating ko sa bahay, binuksan ko yung pinto. Pero walang tao. Asan kaya sila?
Umakyat naman muna ko sa kwarto ko at inalagay dun yung mga gamit ko sa loob.
"Nakakamiss rin pala talaga yung lugar na to." sabi ko sa sarili ko.
Bumaba naman ako papunta sa kusina. At kinausap yung isa sa maids namin.
"Ya? Asan po sila Mom?" tanong ko.
"May business trip po eh."
"Ah? Ganun ba? Osige. Salamat po." at umalis na ko.
Kinuha ko naman yung phone ko at tinawagan si Kyra.
calling Kyra Go...
"Hello?"
"Kyra?"
"Zyna? Is that you?"
"Yes."
"Asan ka ngayon?"
"Andito sa bahay."
"Osige. Pupu-"
"Teka! Ako na yung pupunta diyan."
"Osige. Bilisan mo ah!"
"Oo. Sige na. Bye!"
- Kyra's House -
"Zynaa!!!" sigaw sakin ni Kyra.
"Nagkataon lang ba na nasa labas ka? O hinihintay mo ko?"
"Syempre, hinihintay kita. Tagal kaya kitang namiss. ^_____^"
"Energetic mo pa rin. Walang pinagbago."
"Syempre naman! Pero.. Pasok kaya muna tayo?" nginitian ko naman siya at pumasok na kami sa loob ng bahay nila.
"Oo nga pala? Nasabi mo na ba kay Zylex na nandito ka?" tanong ni Kyra sakin.
"Hindi pa."
"Bakit di mo pa sinsabi? Alam mo bang lagi kang namimiss nun?"
"Hahaha. Wag ka munang maingay. Gusto ko siyang isurprise eh."
"Surprise? Baka magalit lang yun!"
"Hindi yan. Oo nga pala? Saan siya nagtatrabaho ngayon?"
"Di mo ba alam na isa na siyang dance teacher?"
"Talaga? Natupad niya na rin pala yung pangarap niya." at napangiti naman ako.
"Alam mo? Mas mabuti pang puntahan mo siya. Dapat nga, siya pa ang inuna mong puntahan kaysa sakin eh."
"Reklamador pa 'to! Buti nga, ikaw yung una kong pinutahan eh!"
BINABASA MO ANG
Playboy meets Badgirl
Roman pour AdolescentsAno kayang mangyayari kung ang Isang Playboy ay mainlove sa isang Badgirl na dati ng nasaktan sa pag-ibig? Magagawa na kaya ni badgirl na magmahal muli kung ito naman ang dahilan ng pagiging badgirl nya? O sadya nya na lang kakalimutan ang salitang...