Chapter 2: You're my Worst Enemy
ZYLEX YOON's POV
Biyernes ng umaga nang gisingin ako ng kapatid kong si Aimee. "Kuya wake up! Gising na!"
"Ano ba 'yon, Aimee?" iritado kong tanong sa kanya.
"5:30 am na kaya!" bulyaw niya sakin.
"ANO? Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Duh? Kanina pa kaya kita ginigising! Ikaw lang 'tong di magising-gising eh."
"Tss, lumabas ka na." utos ko sa kanya.
"Why?" pagtataka niyang tanong.
"Syempre maliligo na ko! Kaya Labas na!"
"Sorry. Bilisan mo ah!"
"Oo na. Oo na." Lumabas naman na sya at naligo na ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na ko at kumain.
"Kuya? Pwede mo bang tanungin sa kanya kung pwede akong pumunta sa bahay nila bukas?" tanong sakin ni Aimee pero hindi ako umimik. "Please kuya?" pamimilit niya sakin.
"Tsk. Sige, tatanungin ko siya para sayo." Sabi ko at uminom ng tubig.
"Thanks, kuya. Kaya mahal na mahal kita eh!"
"Tara na nga! Masyado kang cheesy diyan eh!" sabi ko at inakbayan siya atsaka umalis. Hinatid ko siya sa room nila at pumunta naman na ko sa room namin.
"Ang aga aga ang sweet agad!" pamungad kong sabi kila Xander at Kyra.
"Pakelam mo ba?" pambabara sakin ni Kyra.
"Wala naman. Masamang magsabi n'on?" sagot ko.
"Baka naman naiinggit lang 'yan si Zylex kaya ganyan!" sabat ni Xander.
"Ako? Inggit? Asa. Dami ko kayang chicks diyan."
"Ang hangin naman!" biglang sabi ni Zyna.
"Manahimik ka nga diyan!" bulyaw ko sa kanya.
"Eh kung ikaw kaya yung manahimik? Ang ingay-ingay mo kaya!"
"Eh sino kaya yung sumisigaw diyan?"
"Ano ba 'yan! Ang ingay niyong dalawa! Kayo na lang kaya ang magsama, noh?" iritadong sabi ni Kyra.
"Tss. Ang kadiri mo naman, Ky!" agad na sagot ni Zyna. ABA!
"Anong akala mo? Papatol ako sa tulad mo!"
"Para namang papatol din ako sa tulad mo! Never 'yung mangyayari!"
"Ang kulit naman nitong dalawang 'to eh! Ang iingay!" reklamo ni Kyra.
"Sisihin mo 'yan oh!" sabay naming sabi ni Zyna at sabay na tinuro ang isa't isa. Napabuntong hininga na lang si Kyra.
"Kamusta na nga pala si Aimee?" tanong ni Kyra.
"Okay lang 'yon. Oo nga pala, Zyna, pinapatanong ni Aimee kung pwede daw ba siyang pumunta sa bahay niyo bukas." Sabi ko kay Zyna.
"Pupuntahan ko na lang siya bukas." Sagot niya. Tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi niya. Tumingin naman siya sa bintana at hindi na ulit nagsalita.
"Zylex? Bakit di mo pa patulan 'yan si Zyna?" tanong ni Xander sakin.
Napangisi naman ako sa kanya. "Hindi naman ako interesado sa kanya."
BINABASA MO ANG
Playboy meets Badgirl
Teen FictionAno kayang mangyayari kung ang Isang Playboy ay mainlove sa isang Badgirl na dati ng nasaktan sa pag-ibig? Magagawa na kaya ni badgirl na magmahal muli kung ito naman ang dahilan ng pagiging badgirl nya? O sadya nya na lang kakalimutan ang salitang...