Zyna's POV
"What!? Si Niel andito?" hindi pwede 'to. Ayaw ko pa siyang makita. Yung masayang araw ko ngayon.. Wala na T___T
"Pano mo nalaman na nandito ulit siya?" tanong ko kay Shane.
"Kahapon.. Nakasalubong ko yung manager niya. Tapos nagkamustahan kami.. Hanggang sa mapunta yung usapan kay Niel. Sinabi niya sakin na andito na si Niel. Tapos kukunin ka pa daw nung manager ni Niel na maging kapartner niya para sa ipa-publish nila na magazine." Partner? Sa magazine? Ayoko! Di ako papayag.
"Tapos?"
"Di na ko kumibo nun.. Nagpaalam na lang ako sa manager niya. Tyaka kanina, nung nasa mall tayo. Nakita ko si Niel. Kaya hinila agad kita papunta sa cashier para di mo na sya makita. Tapos ngayon, andito siya. Pumunta pa nga dito eh. Hinahanap ka. Kaya lang umalis kayo ni Zylex. Kaya umalis na lang siya."
"Ibig sabihin, siya talaga yung nakita ko kanina nung papunta kami ni Zylex dito sa Studio?" Hindi talaga 'to pwede. Kung kailan umo-okay na ko, tyaka naman siya susulpot ulit?
Lumabas ako ng dressing room. Nakita ko si Niel tyaka si Zylex, nag-uusap.
"Magkakilala ba kayo?"
"Oo. Pinsan ko siya." sagot ni Niel sakin.
"P-Pinsan?" tumingin ako kay Zylex. "Zylex? Sabi mo, di mo siya kilala? Ano yung sinasabi niya na magpinsan kayo?"
"Zyna.. Totoong magpinsan kami. Pero di ko masabi sayo.. Kasi-" bago pa matapos magsalita si Zylex, nagsalita na ulit ako.
"Akala ko.. Mapagkakatiwalaan kita? Tapos, nagsisinungaling ka lang pala sakin? Anong klaseeng kaibigan ka?" nang tumulo ang mga luha ko.. Lumabas na ko ng studio at umalis.
"Zyna! Saan ka pupunra? Hintayin mo ko."sigaw sakin ni Zylex. Pero di ko siya nililingon. Ayoko syang makausap ngayon. Gusto kong mapag-isa. Hanggang sa mapagpasyahan ko na umuwi na lang.
"Good Afternoo-" bati sakin nung katulong namin. Pero di ko sya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa kwarto.
Dumapa ako sa kama ko. Di ko alam kung anong gagawin ko. Naiinis talaga ako.
Sa sobrang inis ko.. Pinagtatatapon ko yung mga gamit na nasa lamesa ko. Kahit anong mahawakan kong bagay. Binabato ko. Halos basag-basag na yung mga gamit ko dito sa kwarto. Sobrang gulo na.
Maid's POV
Pagkabukas ko ng pinto. Si ma'am Zyna ang nakita ko.
"Good afternoo-" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil nakita ko syang umiiyak. Tumakbo lang sya paakyat. Mayamaya pa'y may naririnig na lang akong mga nababasag sa kwarto ni Ma'am Zyna. Umakyat ako at kinatok siya.
*knock knock*
"Ma'am Zyna?"
"LEAVE ME ALONE!!!!!" Sigaw ni Ma'am Zyna. Mukhang galit na galit sya. Kaya napagpasyahan ko na lang na tawagan si Ma'am Kyra. Alam kong bestfriend siya ni Ma'am Zyna. At alam kong matutulungan nya si Ma'am Zyna.
Kyra's POV
*phone rings*
"Hello?"
"Ma'am Kyra?" mukhang yaya 'to ni Zyna ah.
"Bakit po?"
BINABASA MO ANG
Playboy meets Badgirl
Teen FictionAno kayang mangyayari kung ang Isang Playboy ay mainlove sa isang Badgirl na dati ng nasaktan sa pag-ibig? Magagawa na kaya ni badgirl na magmahal muli kung ito naman ang dahilan ng pagiging badgirl nya? O sadya nya na lang kakalimutan ang salitang...