Chapter 12: The Reason

3.4K 105 1
                                    

Zylex's POV

-School-

"Zyna.. Pansinin mo naman na ko.." sabi ko kay Zyna habang kinakalabit ko siya.

"Hayaan mo na muna siya Zy." sabi sakin ni Kyra.

"Hayaan? E isang linggo niya na nga akong di pinapansin eh." pagrereklamo ko naman ay Kyra.

"Kasalanan mo rin naman yun eh. Kung di ka nagsinungaling sa kanya, eh di sana. Pinapansin ka pa niya hanggang ngayon."

"Hindi ko naman ginusto na magsinungaling sa kanya-" di ko natapos yung sinasabi ko ng bigla tumayo si Zyna at umalis.

"Sundan mo na. Sigurado naman akong sa rooftop yan pupunta. Sige na! Tayo na diyan." sabi sakin ni Kyra. At tumayo naman ako para sundan si Zyna.

"Salamat, Kyra." nginitian ko siya at tuluyan ng umalis.

Pagdating ko sa rooftop, nakita ko si Zyna. Nakaupo sa may sahig.

"Zyna.." lumapit ako sa kanya. Pero di pa rin siya kumikibo.

"Zyna.. Please.. Pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang." pakiusap ko sa kanya.

"Para saan pa? Nagsinungaling ka na eh. Di mo na mababago yun." sagot niya.

"Kaya ko lang naman nagawa yun, dahil sa sinabi ni Niel."

"Ni Niel? Ano yan? Isa pang kasinungalingan?"

"Hindi 'to kasinungalingan."

"....."

"Nung araw na sinaktan ka niya. Kwinento niya sakin yun. Pero di pa ko naniniwala sa kanya nun. Hanggang sa ikaw na mismo ang nagsabi sakin na siya ang ex mo. Na siya yung taong nanakit sayo."

"Asan ang dahilan mo dun para pagsinungali-"

"Patapusin mo muna ko."

"......"

"Nung sinundo ko siya sa airport nung sabado. Tinanong niya sakin kung kamusta ka na. Ang tanging sinagot ko lang naman ay okay ka na. Tinanong niya sakin kung nagawa ko na daw ba yung pinangako ko sa kanya."

"Pangako?" pagtataka niyang tanong.

"Nung araw na sinaktan ka niya. May dahilan siya nun. Inarrange marriage sya sa kababata naming babae. Sa totoo lang, di niya talaga mahal yun. Pero nung nagtagal, nahulog na siya ng tuluyan dun. Higit pa sa pagmamahal niya sayo. Pero mahal ka pa rin nya nun. Sabihin na lang nating.. Mas sinunod niya yung puso niya. At hindi ang isip niya. Hindi ko nga alam kung bakit niya sinabi ang lahat nang yun sakin."

"....." tumutulo na naman ang mga luha niya.

"Nung tinanong ko siya kung bakit niya sinasabi lahat ng yun sakin. Ang tanging sagot lang niya pinapaubaya ka na raw niya sakin. Alagaan daw kita. Wag na wag daw kitang papabayaan."

"Bakit niya naman sinabi sayo yun?"

"Dahil alam niya na.."

"Na ano?" napatingin na siya sakin.

"Dahil alam niya na.." pano ko ba 'to sasabihin?

"Sabihin mo na!" sigaw sakin ni Zyna.

Playboy meets BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon