Chapter 18: Can you be my Girl?

3.1K 90 0
                                    

Zyna's POV

Habang naglalakad ako. Biglang lumitaw si Ace at binigyan ako ng isang letter.

"Ano 'to Ace?" nagkibit-balikat lang naman si Ace at nginitian ako.

"Wag mo munang buksan yan. Diretso ka na lang Ate Zyna."

Gaya ng sinabi ni Ace, dumiretso na ko. Mayamaya, ang nakita ko naman ay si Kyra?

"Kyra? Bakit ka nandito? Tyaka bakit may ganito? Anong meron?" sabay-sabay kong tanong kay Kyra.

Nagkibit-balikat lang din siya at nagsalita. "I have nothing to say. Goodluck." sabay tapik niya sa balikat ko.

"Oo nga pala. Para sayo." at inilagay niya yung letter sa ilalim ng letter na binigay ni Ace kanina. "Wag mo munang bubuksan ha!" dagdag niya at umalis na.

Ano bang meron? -_______-

Naglakad ulit ako hanggang sa mamalayan ko na lang na nasa harap na pala ako ng room namin sa 3rd floor at biglang lumabas si Xander sa room namin.

"Andito ka rin?" tanong ko kay Xander.

"Oh! Para sayo. May nagpapabigay." sabay abot niya sakin ng letter.

"Sinong nagpapabigay?"

"Kibit-balikat na naman?" -_______-

Nginitian niya lang ako at umalis. "Sigurado akong matutuwa ka!" sigaw ni Xander.

Tumuloy na lang ulit ako sa paglalakad ko. Andito na ko sa harap ng hagdan papunta sa rooftop ng makita ko si Aimee.

"Andito ka rin?"

"Kailangan pa bang tanungin yan ate Zyna?"

Pinisil ko naman yung pisngi niya. "Ikaw talaga pilosopo ka."

"Aray ko naman ate Zyna eh!" pagrereklamo niya. "Oh!" at inabot niya sakin yung letter.

"Para saan ba 'to?"

"Uhm? Di ko alam eh."

"Haaay. Ano ba kasing pakulo 'to."

"Hahaha. Lakad ka na. Isa-isahin mong buksan. Simula sa unang letter na binigay sayo. Babye!" at umalis na rin siya.

"Ano kaya yung mga nakasulat dito? Mabuksan na nga." binuksan ko yung galing kay Ace.

"Can?" sunod ko namang binuksan yung kay Kyra.

"You?" binuksan ko naman yung kay Xander.

"Be?" last but not the least, kay Aimee naman.

"My?"

"Can You Be My?" tumakbo naman agad ako paakyat sa rooftop.

Pagkaakyat ko, may nakita akong malaking lettering.

"Girlfriend?"

"Can you be my Girlfriend?" napalingon naman ako sa may likod ko.

"Zylex!?" bigla naman akong napangisi at lumapit sa kanya.

"Andami mong pakulo na nalalaman ah? Iniwanan mo pa ko sa kotse mo! Pano kung may kumidnap sakin?"

Playboy meets BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon