Chapter 17: A Day with Him

3.2K 89 4
                                    

Zyna's POV

Pagdating ko kila Zylex, nakita ko kaagad siya sa harap ng gate nila.

"Zylex!!" sabay lapit ko sa kanya.

"Andyan ka na pala.. Pasok na muna tayo sa loob."

Pagpasok namin sa bahay nila, dumiretso agad kami sa guest room.

"Dito ka na lang matulog." - Zylex

"Sige. Salamat Zylex ha.."

"Okay lang yun. Basta ba ikaw eh." at nginitian niya ko. "Bakit ka nga pala umalis sa inyo?" dagdag niya.

"Mahabang kwento Zylex eh.."

"Okay lang. Makikinig ako."

"Kasi Zy..*sob*" at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

"Ssshh. Kung di mo pa kayang sabihin, okay lang.." sabay punas niya sa mga luha ko.

"Ngayon ko na lang sasabihin.."

"Sigurado ka bang kaya mo ng ikwento?"

"Oo naman."

*silence*

"Dahil sa arrange marriage.. Kaya ako umalis.."

"Bakit?"

"Ayoko kasing pumayag.. Tyaka, puro business lang ang nasa isip ng parents ko.. Nasigawan ko pa nga sila dahil sa business nila eh.. Pero ayoko ng ganito. Ayoko ng puro problema.."

"Ganun ba? Wag kang mag-alala.. Simula bukas, wala kang problema na maririnig. Okay?"

"Salamat talaga ng marami ah.." at niyakap ko naman siya.

"Tara.. Baba muna tayo.. Nakapaghanin naman na siguro sila dun eh.."

"Tara. Nagugutom na rin naman ako eh.. Haha."

Pagpunta namin sa dining room..

"Ate Zyna!!" sabay takbo ni Aimee sakin at niyakap ako.

"Aimee.. Nasasakal ako.." kaya tinaggal niya na yung pagkakayakap niya sakin.

"Sorry ate Zyna."

"Wag mo nga siyang niyayakap diyan! Ako lang pwede!" - Zylex

"Hmp! Kung makareact ka dyan kuya. Akala mo naman kayo na!" - Aimee

"Magiging kami rin niyan noh!" - Zylex

"Hahaha. Tama na nga yan! Kumain na tayo! Nag-aantay na yung pagkain oh!" at umupo na kami para kumain.

-----

"Zyna.. Alis tayo bukas.." - Zylex

"Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Maggagala. Total, wala namang pasok bukas eh."

"Maggagala? Saan?"

"Kahit saan mo gusto."

"Kahit saan ko gusto?"

"Oo."

"Sigurado ka ba dyan?"

"Oo nga."

"Sa rooftop ng school. Dun ko gustong pumunta bukas."

Playboy meets BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon