Zyna's POV
*yaaaaawn* Ano ba yan!? Inaantok na ko -_____- Pero napapapikit na rin ako. Haaaay~.
"Hoy Halimaw!! Bawal pang matulog." - Zylex
"He!! Dapat natutulog na rin ako e. Bakit kasi ikaw pa yung pinasama sakin na gumawa nito ngayon e."
"Gumawa ka na lang dyan kesa daldal ka ng daldal. Mas lalong hindi tayo matatapos niyan."
"Ayos ah! Nanenermon ka na pala ngayon? Kailan pa nag-umpisa?"
"Manahimik ka na at gumawa diyan ng report."
Gumawa na lang ako ng report namin at nanahimik. Inaantok na naman ako -____- Pero gusto ko na talagang matulog. Kaya pinikit ko muna yung mga mata ko.
Zylex's POV
Ano ba yan! Di pa kami makatulog ni Zyna. Letse kasi yung mag-boyfriend na yun e. Kami talaga yung pinagpupuyat palagi. Oo palagi. Lagi kaming magkaka-groupmates. Kaya ganito lagi ang nagiging sitwasyon namin ni Zyna, NAGPUPUYAT =________=
Tiningnan ko naman si Zyna. Antok na antok na kaya pinikit niya muna yung mga mata niya. Pero mayamaya napasandal na siya sakin. Kaya hinayaan ko na lang muna siyang makatulog kahit 30 minutes lang. Pwede na siguro yun. At least nakapagpahinga yung mata niya kahit papano.
Ano ba 'tong report na 'to?! Sasabog na ata utak ko dahil dito e.
20 minutes na ang nakalipas kaya inaantok na rin ako. Kaya pinatong ko yung ulo ko sa ulo ni Zyna at umidlip na lang rin muna ko.
*After One hour (3:45 am)
Nagising ako nang may magbukas na pinto. Pagtinggin ko, Sila Aimee at Ace lang pala.
Pero teka?
Aimee at Ace..
Aimee at ACE!!?
"Aimee!!" sigaw ko kaya nagising tuloy sila Kyra. Pero si Zyna tulog pa rin. May pagka tulog mantika rin pala 'tong Halimaw na 'to.
"Ano ba yan Zy? Gabi na sumisigaw ka pa." - Kyra
"Panong hindi ako sisigaw? E anong oras na tapos nasa labas pa yang pinsan mo at Aimee."
"What!? 3:45 na ng madaling araw tapos ngayon palang kayo papasok dito sa loob. Matulog na nga kayo." – Kyra
"Opo." Aimee/Ace
At sabay silang umalis paakyat ng kwarto.
"Gisingin mo na nga yang si Zyna. Para matapos na 'tong report natin." - Xander
Ginising ko naman ng patapik tapik sa pisngi.
"Hoy Halimaw gising na." sabi ko kay Zyna.
"Mukhang ayaw pang gumising ah? Sigawan mo." - Kyra
"Hoy Zynang Halimaw!! GISING NAA!!"
Nagising naman na siya at nagsalita na. "Masakit sa tenga yu-"
Pagkatingin niya sakin.. BOOM!!
"Ayun Lang!! If I'm not mistaken.. First Kiss nyo ang isa't isa ngayon di ba? *teasing smile* Hahaha." – Kyra
"Yuck! Kadiri!! Wag ka ngang tumawa dyan Kyra! Walang nakakatuwa." - Ako/Zyna
BINABASA MO ANG
Playboy meets Badgirl
Novela JuvenilAno kayang mangyayari kung ang Isang Playboy ay mainlove sa isang Badgirl na dati ng nasaktan sa pag-ibig? Magagawa na kaya ni badgirl na magmahal muli kung ito naman ang dahilan ng pagiging badgirl nya? O sadya nya na lang kakalimutan ang salitang...