Zyna's POV
"Bye po tito and tita! Uuwi na po kami. Salamat po sa masayang araw ngayon ah! ^_____^" sabay kaway kila Mom at umalis na.
"Ikaw Zyna? Di ka pa uuwi?" - Mom
"Mom?"- Zylex
"Ano yun?"
"May sasabihin pala kami ni Zyna sa inyo."
"Osige. Pero pumasok na muna tayo sa loob." pagpasok namin sa loob, umupo agad kami sa may upuan sa living room.
"Ano na yung sasabihin niyo?" - Mom
"Ano yang pag-uusapan niyo? Sali kami diyan ni Dad!" sigaw ni Aimee at umupo na rin sa sofa at ganun din si Dad.
"Mom? Dad? Dito po muna titira si Zyna." - Zylex
"Bakit? May nangyari ba?" - Mom
"Naglayas po kasi ako samin eh."
"Bakit naman?" - Mom
"Inarrange marriage po kasi ako.." sabay yuko ko.
"H-Ha!? Arrange marriage?" mautal-utal na tanong ni Mom.
"Opo."
"Kanino naman?"
"Kay Joshua Reyes po."
"Joshua Reyes? Sila ba yung may-ari ng Reyes Corporation?"
"Opo."
"Hulaan ko, nagtalo kayo ng parents mo kaya ka umalis noh?"
"Opo."
"Okay lang yan. At isa pa.. Kaya naman naming gawin na si Zylex ang maging fiancee mo eh."
"Pano niyo naman po gagawin yun?"
"Isa kami sa investors ng company nyo. At isa pa kami ang pangalawa na may pinakamalaking shares dun. Kaya, don't worry.. Maaayos rin natin yan. Okay? Ngiti ka na ulit. At matulog na tayo. Masyado ng late. May pasok pa kayo bukas."
"Sige po."
- Monday -
"Good Morning mom! Tulungan ko na kayo dyan." masaya kong bati sa Mom ni Zylex na Mom ko na rin daw. Hahaha. ^______^
"Good morning rin! Osige. Ang aga mo atang magising?" tanong niya sakin habang naghihiwa ng apple.
"Ganito po talaga ko nagigising kapag may pasok eh." sagot ko at naghiwa na rin ng apple.
"Aray!" sigaw ko. Nasugatan kasi ako ng kutsilyo eh. Di pala ko marunong maghiwa -______-
"Tanga talaga ng kutsilyo! Hindi nag-iingat. Sandali. Hugasan mo na yang sugat mo at pumunta ka sa sala.Kukuha lang ako ng gamot."
"Sige po." pagkahugas ko ng sugat ko. Pumunta na agad ako sa sala. Dumating naman si Mom at ginamot yung sugat ko. Nang lalagyan na niya ng band-aid, biglang may humablot ng kamay ko may Mom.
"Anong nangyari dito!? Bakit ka may sugat!?" tanong sakin ni Zylex na hawak pa rin yung kamay ko.
"Ang OA mo naman Zy! Nahiwa lang ako ng kutsilyo. Tyaka malayo 'to sa bituka noh!"
BINABASA MO ANG
Playboy meets Badgirl
JugendliteraturAno kayang mangyayari kung ang Isang Playboy ay mainlove sa isang Badgirl na dati ng nasaktan sa pag-ibig? Magagawa na kaya ni badgirl na magmahal muli kung ito naman ang dahilan ng pagiging badgirl nya? O sadya nya na lang kakalimutan ang salitang...