That girl is a Ghost

3.6K 107 5
                                    

Chapter 1: Adrian

Adrian’s POV

Ako lang mag isa sa bahay ngayon. Bahay ng tito ko. P*tcha! Kung alam ko lang na uulan ng sobrang lakas hindi ako magpapaiwan dito sa bahay na to. Kahit sinong basagulero ang maiwan dito siguradong hindi magtatagal dito.

E ilang dekada na ba tong bahay na to. Ang alam ko mga kanunu-nunu-an at madami pang kanunuan ang tumira dito. Kung tutuusin dapat sa bahay na to nire-renovate na. Itsura pa lang eh wala ng magtatangkang pumasok at magnakaw dito. Nakailang 'bahay na to' na ba ako? -_-

Lumang kahoy ang mga bintana, pinto ,sahig, hagdan at kisame. Mga built in na aparador ang pader na naghihiwalay sa madaming kwarto. Sa labas ng bahay nakapalupot sa bahay ang mga gumagapang na halaman. Kahit sinong tumingin dito sa bahay na to, matatakot.

Pero bakit ba ko nandito. T*ng nang Felix pinahamak ako! Tarantadong yun pag ako nakauwi ng Maynila magtago na siya. -____-

Inabot ko yung remote sa lamesang nasa harapan ko. Inuubos ko lang oras ko sa panonood hanggang sa dumating na sila. Bad move talaga Adrian. Bakit ka kasi pumayag. Bobo talaga oh!

Ano pa bang magagawa ko. Para makauwi agad ako sa Maynila kailangan kong ipakitang responsable na ko. Syempre kailangan kong ipakita kay Tito Raul na pwede nila akong pagkatiwalaan para ibalita niya kay Dad na responsable naman ako at mapaaga ang uwi ko.

Biglang nagvibrate yung cellphone sa bulsa. Agad kong kinuha para tingnan kung sinong nagtext baka sila Tito Raul. Pero nadismaya ako ng makita ko pangalan ng tarantadong Felix.

 Wassup bro? musta bkasyon?

Napahigpit hawak ko sa cellphone. Tarantadong to may gana pa kong kamustahin eh siya may dahilan kung bakit ako nandito sa probinsya at haunted na bahay na to.

G*go. Kung ako syo bro. Uuwi na din ako ng probinsya at hndi na babalik ng Maynila khit kelan.

Sagot ko sabay hagis ko ng cellphone ko sa lamesang nasa harap ko. Ilang saglit lang at umilaw ulit. Talagang may gana pang sumagot ang tarantado.

Hahahaha. Bro. Chill. Baka mapahaba ang bakasyon natin dyan pag pnakita ko to kanila Tita.

F*ck u.

Napatigil ako sa pagpindot sa send button. Mapapahamak ako nito. Binura ko yung dapat irereply ko sabay palit ng...

Godbless Bro.

 -----------------------------

“ Kamusta ang bahay Adrian? “ tanong ni Tito Raul sa kabilang linya.

Ilang minuto lang pagkatapos ko isend ang reply ko sa t*rantadong Felix, tumawag si Tito Raul.

“ Ayos lang ‘to. Buo pa. “ Bakit hindi niyo tanungin ang mismong bahay niyo kung kamusta siya. Tama bang kamustahin ang bahay? -_-

Narinig kong napatawa si Tito Raul. “ Mabuti naman. Nag aalala lang ako na baka nasunog na yan. “ kahit alam kong pangloloko lang ni Tito Raul ang sinabi niya hindi pa din mawawala sakin na magulat sa binitiwan niyang salita.

Siguradong nakwento sa kanya ni Dad ang totoong dahilan kung bakit ako pinatapon dito sa kanila. P*tcha kung alam lang nila ang totoo.

“ Wala HO akong gas na makita kaya safe na safe tong bahay niyo -_-“

“ Adrian. “ biglang pagseseryoso ng tono niya. “Nagbibiro lang ako sa sinabi ko kanina. Alam kong hindi mo magagawa ang ganung bagay. May tiwala ako sayo. “

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon