Chapter 5: Adrian
Adrian’s POV
Tama. Yang blue polo shirt. Alam kong yan ang suot ko ng gabing yun. Ang gabing naging dahilan kung bakit ako napatapon dito sa bahay nila Tito Raul.
“ Adrian? Anong gabing yun? “ curious na tanong niya. Teka. Bakit alam niya ang pangalan ko pero ako hindi ko alam ang pangalan niya.
May pangalan naman ang mga multo diba?
“ Anong pangalan mo? “ pag-iiba ko sa topic na pinag-uusapan namen.
“ Huh? “ kumunot na naman yung nasa ibabaw ng noseline niya. Kung tutuusin hindi siya nakakatakot na multo. Ibang iba sa mga multong napapalabas sa t.v pati sa pelikula. Wala siyang sugat o dugo sa katawan, ni hindi din madumi ang damit niya. Para lang siyang normal na babae. Babaeng sobrang puti.
“ Pangalan mo. Yung nasa birthcertificate mo. Yung tawag sayo. Siguro naman may pangalan ka? “ sarkastiko kong sagot. Natural na lang sakin ang pagsagot ng ganito. Pabalang o pilosopo. Alam ko ding dahil sa pagsagot ko madaming napre-preskuhan sakin kaya mabenta ako sa away.
Kung buhay lang siguro siya namumula na ang mga bilugan niyang pisngi. Napayuko lang siya tska pinaglaruan na naman ang mga daliri niya. mmm. Cute ng mannerism niya. Nalalaman ko kapag may tinatago o nahihiya siya.
“ Allison. “ halos pabulong na sabi niya.
“ Ano?” kahit narinig ko gusto kong lakasan niya ang pagbanggit ng pangalan niya.
Tinaas niya ang ulo niya at tumingin sakin. “Allison ang pangalan ko. “
“ ah. . Ako nga pala si Adri—“
“ Alam ko Adrian. Ngayon. Sabihin mo na sakin kung ano yung tinutukoy mong gabing yun? “ buong tapang niyang sabi sakin.
Woah. Masyadong straightforward tong multong to.
“ May lakad ka? “ hindi ko mapigilan ang nabubuong smirk sa labi ko. Ngayon lang ako nakita ng multong napakademanding. Eh ngayon lang naman talaga ako nakakita ng multo sa buong buhay ko. Hindi ko nga alam kung totoo ba talaga to. Siguro nananaginip pa din ako. Siguro nasa Maynila pa din ako at pag gising ko ang lahat ng to ay gawa lang ng imahinasyon ko. Kaya makikisakay na lang ako sa kung ano ang binubuo ng isipan ko.
Sumama ang tingin niya sakin pero nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ng kama ko. “ Araw-araw akong may lakad Adrian. Naghahanap ng rason kung bakit nandito pa din ako sa mundong to kung naging multo naman ako. Patay na ba ko? Hindi ko alam. Pano ba ko namatay? Hindi ko din alam. Wala akong maalala Adrian. Ni isa wala. Nagising na lang ako na ganito na ko. Parang hangin na lumilibot sa paligid. Hangin na hindi nakikita. Buti pa nga ang hangin nararamdaman ng lahat ng buhay. Pero ako.. ikaw lang ang tanging buhay na nakakita at nakakarinig sakin. Kaya kung itatanong mo kung may lakad ba ako? Oo ang sagot ko. Araw-araw akong may lakad hanggang sa makita ko na ang rason kung bakit pa ko nandito sa mundong to. “ nanatili lang siyang nakatingin sakin. Naramdaman ko ang biglang paglamig ng paligid. Ganun ba ang nararamdaman niya?
Hindi siya sumisigaw habang nagsasalita. Sa boses niyang kalmado lang hindi mo aakalain na galit na siya.
“ W-wala kang maalala? “ gulat na tanong ko sa kanya. Sa lahat ng narinig ko sa sinabi niya, nalaman kong hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat ng to. Totoo siya, at tanging ako lang ang nakakakita at nakakarinig sa kanya.
Iniling iling niya ang ulo niya at napabuntong hininga. Hindi siya umiyak. Malungkot? Oo. Kitang kita sa brown na mga mata niya.
“ Pero pano? “ parang bigla kong gusto malaman lahat ng tungkol sa kanya.
Lumakad siya papunta sa bakanteng upuan sa gilid ng kwarto at umupo. Hawak hawak niya pa din ang bracelet na pinag-uusapan namin kanina.
“ Hindi ko alam. Gaya ng sabi ko sayo. Nagising na lang akong ganito na ko. “ tinuro niya ang sarili niya. “ multo. Isang kaluluwang ligaw. “
“ Hindi ko maintindihan. “
“ ako din Adrian. Hindi ko din maintindihan. Wala akong maintindihan. Kung patay na ko, diba dapat tatawid na ko sa kabilang buhay? Eto na ba ung kabilang buhay? Asaan yung sinasabi nilang purgatoryo kung saan hahatulan ang mga kaluluwa. Bakit ako nanatiling gumagala dito? Bakit ikaw lang ang tanging nakakakita sakin? bakit... bakit.. ewan ko Adrian. Hindi ko alam. “
“ Sabi mo. . may hinahanap kang rason? “
Tumango tango siya habang nakayuko. Hindi na siya tumingin sakin.
“ Sabi nila. May rason para sa mga kaluluwang katulad ko na nananatili pa din dito sa mundo. Kailangan naming hanapin ang rason na yun bago kami mahatulan. “
“ Sabi nila? “
“ Ng ibang multo. “
“ May iba pa? “ gulat na tanong ko sa kanya. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang mga bali-balita tungkol sa mga multo. Pero yung marinig ko mismo sa isang multo na may iba pang gaya niya, ay nakakataas ng balahibo.
Tumango tango lang siya. “ Madami kami Adrian. Halos kapantay lang din kami ng mga buhay gaya mo. Pero ako lang ang tanging nakikita mo. “
“ Bakit? “
“ Hindi ko alam. “ umiling iling siya. “ang sabi nila. Ang tanging nakakakita lang ang makakatulong. “
“ Ako? “
“ Oo. Adrian. Pero kung ayaw mo. Ok lang. “
“ P-pero. “ tumayo na siya para lumakad palabas. “ Teka! Allison, paano? “
“ Wala kong ideya. “ at sa pagsabi niya ay sabay din nawala ang imahe niya sa loob ng kwartong to.
Hindi na ko nakabalik sa pagtulog matapos kong marinig ang mga sinabi ni Allison. Madaming bagay ang naglaro sa isip ko. Buhay. Patay. Hatol. Kaluluwa. Rason. Mga salitang nabanggit niya kanina.
Wala akong ideya sa mga pinagsasabi niya.
Ako, Makakatulong sa kanya?
Ako, Na hindi man lang matulungan ang sarili ko?
Ako, Na... sira ulo?
HA-HA. Isang malaking joke ang sinasabi ng multong yun. Siguro isang malaking joke lang din siya.
Pero.
Hindi.
Parang totoo siya.
Totoo talaga siya at ako..
Ang tanging makakatulong sa kanya.
Pero.. paano?
“ Wala akong ideya. “ nagrepeat sa utak ko ang huling sinabi niya.
“ Wala din akong ideya... “ tanging nasambit ko na lang bago ako tuluyang nakabalik sa pagtulog.
*******
Yan XX
BINABASA MO ANG
That girl is a Ghost
FantasyThat Girl is a Ghost Copyright © 2013 imangelonearth All rights reserved. Makakita ng isang multong pagala-gala ang huling bagay na ine-expect na maranasan ni Adrian Ramirez ng pilit siyang ipatapon ng Daddy niya sa probinsya nila ng masangkot siya...