Chapter 3: Adrian

1.5K 70 0
                                    

Chapter 3: Adrian

 

Adrian’s POV

Nagising akong nasa paligid ko sila Tita Meril, Tito Raul, Julie at Junie, isang matandang may kakaibang suot at siya. Siya na nagpipigil ng tawa. Siya na ako lang ang nakakakita. Siya na ako lang ang nakakarinig. Siya na isang multo!

“ Adrian iho? Ayos ka lang ba? Gusto mong magpadala sa ospital? “ narinig kong tanong ni Tita Meril pero hindi ko siya tinitingnan. Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya.

Hindi siya totoo. Siguro gutom lang ako. Pagod. O kaya nakasinghot ako ng kung anumang nasa bahay na to. O kaya naman. . . nanaginip lang ako? Baka nakatulog ako habang nanonood ng T.V.

“ Adrian? Tinatanong ka ng Tita mo!” may irita sa boses ni Tito Raul pero hindi ko pa din sila initindi. Lumapit ako sa kanya. Alam kong lahat ng nasa kwartong to nakatingin sakin.

Dahan dahan akong umupo sa pinagbagsakan ko kanina. Tumigil na siya sa pagtawa at tumingin na lang din sakin. May dalawang guhit na nagform sa pagitan ng mga kilay niya ng dahan dahan kong ilapit ang kamay ko sa muka niya.

“ Anong ginagawa mo? “ nagtatakang tanong niya saken.

Hindi ko siya pinansin. Nilapit ko lang yung kamay ko sa muka niya. P*cha kung ano mang masaksihan ko sa gagawin kong to bahala na.

Pumikit ako ng malapit na ang mga kamay ko sa muka niya. Ngayon lang ulit ako kinabahan sa buong buhay ko. T*ng na! Mas kinakabahan pa ko ngayon kaysa sa gulong pinasok ko kaya ako napatapon dito.

“ Papa. Ano pong ginagawa ni Kuya Adrian? “ narinig kong tanong ni Julie kay Tito Raul.

“ Adrian! Ano bang ginagawa mo? “ sigaw ni Tito Raul.

Brown na mga matang malapit sa muka ko ang bumungad sakin pagkamulat ko. Napatitig lang ako sa kanya. Wala na siya sa kinauupuan niya kanina. Malapit na siya. Sobrang lapet sa muka ko.

“Ayaw mo pa ding maniwala no? “ nakangiting sabi niya sakin.

 Ngayon ko lang naramdaman ang lamig. Totoo ngang malamig sila. Biglang nagtaasan ang balahibo ko nung mas lumapit pa siya.

“ Tatang ano hong nangyayari sa pamangkin ko? “ rinig kong tanong ni Tito Raul.

“ Mukhang may nasisilayan siyang hindi natin nasisilayan. “

Napatingin ako sa matandang nagsalita. Alam niya? Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya na may pagtatanong.

“ Hindi niya ko nakikita o nararamdaman. Wag kang maniwala sa kanya. “ malungkot na sagot niya sa tahimik kong katanungan.

Lumayo na siya at tumayo. Biglang nawala ang lamig na nararamdaman ko.

“ Tumayo ka na dyan. Baka akalain nilang nababaliw ka na. “ nakangiting sabi niya pero nararamdaman kong may lungkot sa tono ng boses niya. Nalulungkot ba siya dahil ako lang ang nakakakita sa kanya?

Inabot niya sakin yung kamay niya pero agad niyang binawi. “ Sorry. Nakalimutan kong hindi mo pala ako mahahawakan. Ang engot ko. “ natatawang sabi niya.

Nginitian ko siya sabay tumayo na ko.

“ Adrian? “ tawag ni Tito Raul.

“ Ayos lang ho ako. “ matipid kong sagot sa kanila sabay sulyap ko sa kanya.

Nag thumbs up siya sabay kindat. Napangiti na lang ako sabay iling. Kung totoo man siya o hindi. Hindi ko alam. Basta ang alam ko. Kakaiba siya. Kakaibang multo.

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon