A/N: This chapter is just a filler. :)
Adrian’s POV
Nagising ako sa katok sa pinto ng kwartong pinagtutulugan ko.
“ Kuya Adrian, gising na daw ho sabi ni Papa. “ malumanay na sabi ni Julie malapit sa pintuan.
Talagang naturuan ng magandang pag uugali ang mga anak ni Tito Raul. Hindi man lang tinangkang buksan ni Julie ang pinto ng kwartong to kahit na hindi naman nakalock.
Hinayaan ko lang munang kumatok ng kumatok si Julie bago ako tumayo sa kama.
“Kuya? Gising ka na po ba? Sabi po kasi ni Papa bawal akong umalis dito hangga’t hindi ka po kasama bumaba. Eh kuya gut----“ pinutol ko na ang pagsasalita ni Julie ng buksan ko ang pintuan ng kwarto. Halatang nagulat siya saglit pero ngumiti pa din.
“Goodmorning Kuya.” Bati sakin ni Julie. Kahit hindi ako masyadong nakikihalubilo sa kanila ni Junie maayos pa din ang pakikitungo ng kambal sakin. Nginingitian at binabati pa din nila ako. Mababait na bata talaga.
Tinanguan ko lang siya tska dumiretsong naglakad papunta sa banyo. Nang matapos na ako sa banyo, bumalik agad ako sa kwarto.
“Kuya? Tara na?” biglang tayo ni Julie pagkapasok ko sa kwarto. Nakaupo siya kung saan nakaupo si ... Allison.
Nasaan na nga ba yung multong yun? Parang hindi ko siya nakikita. Wala ba siya ngayon dito? Umalis ba siya? Masama kaya loob niya? Baki—
“Kuya??” tawag ulit ni Julie.
“Oh? Ah. Sige. Sige. Susunod na lang ako.” Sagot ko sa kanya.
“Pero Kuya. Sabi kasi ni Pap—“
Ang kulet -___-. “Maliligo pa ko. Gutom ka na. Sabihin mo na lang.” Matipid na sagot ko habang nangangalkal ako sa sports bag na dala dala ko nung pumunta ako dito.
“Eh kuy—“
Napapikit na lang ako para pigilin ang inis na nagbabadya sakin. Mababait nga sila, napakulet naman, parang siya.
Teka nga. Bakit ba kanina ko pa siya sinasali sa usapan. Parang g*go lang Adrian.
“Akong bahala. Ayos na ba? Sabihin mo lang na susunod na lang ako. Alam na yon.” Kumuha na ko ng damit tapos naglakad papalabas. Inintay ko si Julie sa pinto para ipakitang isasara ko na ang kwarto ko, kahit hindi talaga sakin.
“Sige po Kuya.” Mahinang sagot niya tska siya lumabas at bumaba.
Tss, makaligo na nga lang. Baka magpakita din siya maya-maya.
Eh bakit ko hinahanap? Tss. -_____-
Buong araw ko siyang di nakita. Nasaan na yung multong yon? Namasyal?
Tinuon ko na lang ang buong araw ko sa pagtulong kay Tito Raul sa garahe para mag-ayos ng sira nyang kotse.
“Adrian, paki-abot nga ang plais.” Sigaw ni Tito Raul galing sa ilalim ng sasakyan niya.
Yumuko ako para iabot sa kanya.
“Samahan mo na ng ilang turnilyo yung malalaki.” Dagdag ni Tito Raul.
Hindi pa niya kinukuha ang plais kaya bumalik ulit ako sa pinaglalagyan ng mga gamit niya at kumuha ng ilang turnilyo.
“’to.”
Lumabas si Tito Raul galing sa ilalim ng sasakyan. “Ayos ka lang ba Adrian?” tanong niya sakin matapos niyang abutin ang inutos niya sakin.
Nagulat ako sa tanong niya pero sumagot pa din ako. “ho? Ako? Ayos lang.”
“Mukha kasing hindi. Kanina ka pa hindi nagsasalita. Magmula ng umagahan hanggang mag tanghalian. Adrian iho, kung galit ka dahil sa napag-usapan natin kagabi.. hindi ko gus—“
“Ayos lang ho ako. Wala lang akong sasabihin. “ matipid na sagot ko sa kanya.
Bakit nga ba parang lutang ako. Hindi naman ako gumagamit ng drugs. Yun ang isang bagay na hinding hindi ko gagawin kahit tarantado ako. Alam kong lalong masisira ang buhay ko kapag pinasok ko ang bagay na yun.
Hindi ko pa nga pinapasok sira na buhay ko.
Bumalik na sa ilalim ng sasakyan si Tito Raul matapos akong sumagot.
Umupo muna ako sa bakanteng upuan malapit sa mga gamit ni Tito Raul. Wala din naman akong balak tumulong.
Biglang nagvibrate yung cellphone sa may bulsa ko. P*cha nakalimutan kong magpapalit nga pala ako ng simcard. Habang nandito ako sa probinsya gusto ko munang kalimutan ang gulong nasangkutan ko sa Maynila, kahit panandalian lang.
Tiningnan ko ang caller I.D. Ineexpect ko ng si Felix ang tumatawag para lang badtripin ako. Kayalang, himala ata ‘to.
Hindi Felix ang pangalan ng tumatawag. Sa totoo lang hindi ko alam. Unknown number.
“Hello?”
“Uhm....hello.” narinig kong sagot ng kabilang linya. Babae.
“Sino to?”
“Is this Adrian Ramirez?” malumanay na tanong ng babae sa kabilang linya.
“a—oo. Ako nga. Sino to?” tiningnan ko ulit yung no. Sa phone ko baka sakaling marecognize ko, pero hindi kaya binalik ko na lang ulit sa tenga ko.
“Uh, this is Amelia Lacrosa. I am the mother of the girl you saved.” natigilan ako ng marinig ko yung sinabi niya.
“ Can we see you? Uh.. if you’re not busy, my husband just want to say thank you in person. “ dagdag na sabi ng babae sa kabilang linya. Parang hindi lang thank you ang gustong sabihin, parang may gusto pa silang malaman na ang akala nila sakin nila makukuha.
“uh..w-wala po kasi ako sa Maynila.” Tanging nasagot ko na lang.
Paano nalaman ng mga taong to ang numero ko?
“Ow, It’s ok. Kami na lang ang pupunta sayo. Nasaan ka ba iho?” sa sobrang lumanay ng boses ng babae sa kabilang linya hindi ko magawang sagutin siya ng pabalang.
“N-nasa probinsya ho. Malayong probinsya.” Ewan ko na lang kung pupuntahan pa nila ako.
“ahh..” parang mas lalong lumungkot yung boses kaya naguilty agad ako.
Takteng buhay naman. Ang hirap talaga makipag-usap sa mga magulang! -_-
“A-ako na lang po ang pupunta. Saan ho ba?” yari ako nito. Siguradong di ako papayagan ni Tito Raul bumalik sa Maynila.
“Talaga? Akala ko nasa malayong probinsya ka? Ayos lang ba iho? “ medyo sumigla ang boses niya.
“Ayos lang po. Pero hindi din po ako magtatagal. “
“Maraming salamat iho. Sa St. Mary Medical Hospital. Doon mo na lang kami puntahan.”
“Sa ospital po?” nagtataka kong tanong. Bakit sa ospital?
“Oo iho. Nakaconfine pa kasi ang anak namin.”
“oh. Sorry ho.”
“It’s ok. Atleast she’s still here. Just text me when are you coming here. Thank you Adrian. “ may ngiti sa boses ng babae sa kabilang linya kahit halatang punong puno ng lungkot ang boses niya.
“Ok po.” Tanging nasagot ko na lang tsaka naputol ang linya.
“Adrian.” Tawag ng isang malamig na tinig.
Biglang may pumintig sa dibdib ko at tumaas ang balahibo ko.
“Nandito ka na....” sagot ko sa kanya habang nakangiti.

BINABASA MO ANG
That girl is a Ghost
FantasiThat Girl is a Ghost Copyright © 2013 imangelonearth All rights reserved. Makakita ng isang multong pagala-gala ang huling bagay na ine-expect na maranasan ni Adrian Ramirez ng pilit siyang ipatapon ng Daddy niya sa probinsya nila ng masangkot siya...