Chapter 12: Adrian

1.1K 58 1
                                    

Chapter 12: Adrian

“Uy. Kamusta?”

“Ang tagal kitang di nakita. “

“Eto hindi pa eh. Naghahanap pa din ako.”

“Oh? Talaga? Wow.”

“Oo, nakaalis na din si Yssa.”

Sa totoo lang hindi ko alam kung ilang oras na kong parang tangang nakatayo habang pinapanuod makipag-usap si Allison sa kakilala niyang multo na hindi ko naman nakikita. Para siyang nakikipag-usap sa hangin habang pinapanuod ko siya. Mga sagot lang niya ang naririnig ko. Hindi ako nagsasalita, nakasandal lang ako dito sa pader. Habang naglalakad kasi kami papunta sa ICU dahil gusto talagang makita ni Allison ang babaeng niligtas ko, biglang umi-stop si Allison para batiin ang kaibigan niyang gaya niya ay multo din.

Hindi din ako nagsasalita dahil may mga iilan na dumadaan. Siguro sa tingin nila para lang akong walang magawa na umistambay na lang sa gilid ng hallway.

“Ay siya nga pala...” tumingin sakin si Allison.

“Siya nga pala si Adrian. Tinutulungan niya ko.” Sabi ni Allison sa hangin este sa kaibigan niya. Dahil hindi ko naman nakikita ang kaibigan niya at wala akong balak makita pa, ay hindi ko alam kung anong reaksyon nito.

Napatawa si Allison sa hindi ko alam na dahilan at inihampas niya ang kamay niya na parang nakikipagbiruan. Para siyang humampas sa hangin.

Teka ganito ba ko ka-weird sa paningin ng mga nakakakita sakin sa pag-aakala nilang kinakausap ko mag-isa ang sarili ko? Pucha mukha pala talaga akong baliw.

Tumingin ulit siya sakin ng natatawa at pinagmasdan ang mukha ko. Kumunot ang noo ko sa kanya. Anong pinag-uusapan ng mga multong ‘to?

Tumango-tango siya sa kaibigan niya, “medyo” sabi niya rito.

Bigla namang lumaki ang parehong bilugang mata niya na parang gulat na gulat na nahihiya ang reaskyon niya sa hindi ko narinig na sinabi ng kaibigan niya.

“Ano? H-hindi. W-wala.” Putol-putol na sagot niya.

Alam kong hinampas si Allison ng kaibigan niya dahil napaiwas si Allison. Para akong nanunuod ng isang inside joke at talagang mababaliw na ko pag nagtagal pa kami dito.

“Pwede na ba tayong umalis?” mahinang tanong ko sa kanya.

Napatingin si Allison sakin pero agad niya ding iniwas ang tingin niya na parang nahihiya.

“A-ah. Oo.” Hindi nagba-bye na si Allison sa hangin. Hindi ko alam kung umalis na ang kaibigan niya, naglakad na kami palayo.

Hindi nagsasalita si Allison matapos makipag-usap sa kaibigan niya. Himala, nasaan ang madaldal na multo?

“Anong pinag-usapan niyo?” tanong ko sa kanya. Hindi sa tsimoso, curious lang.

“Ah... a-ano. W-wala naman. Nagkamustahan lang.” Simpleng sagot niya, wala na yung mga kasunod na hirit niya.

“Para atang umurong dila mo?” pagbibiro ko sa kanya.

Uh-oh.

Sa pagkakasabi ko nun tiningnan niya ko ng masama. “At anong gusto mong palabasin?”

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Ayoko talaga pag ganito ang reaksyon ng mukha niya. Natatakot talaga ako, seryoso. “Sabi ko nalunok ko dila ko.”

Napatawa siya, “sabi ni Faye ang duwag mo daw” sabi niya ng natatawa. Sinasabi ko na at may inside joke na nagaganap eh.

“Aba’t! Dapat nagpakita siya sakin para malaman natin kung sino ang sinasabihan niya na duwag!”

Hindi tumawa si Allison, seryoso ang mukha niya, “Actually, nasa tabi mo siya. Kasabay natin siyang naglalakad.” Sabi niya sabay turo sa kanang direksyon ko. Napa-i-stop kami parehas at tumingin sa bakanteng tabi ko.

Nagsitaasan ang mga balahibo sa katawan. Takte naman! Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit multo pa ang madalas lumapit sakin?

“Nag-jojoke ka lang diba?” umaasang tanong ko. Nakakaramdam na ko ng lamig sa paligid kaya malaki ang chance na may katabi nga akong multo.

Ilang saglit din siyang naka-serious face na halos binabalak ko ng tumakbo palayo at magtago sa pinakamalayong lugar na mapupuntahan ko pero unti-unting lumabas ang ngiti sa mukha niya at tuluyan na siyang humagalpak sa tawa, “Yung mukha mo Adrian... the best!”

Para naman akong nabunutan ng tinik sa pagtawa niya. Hindi ko alam kung magagalit ako sa kalokohan niya o tatawa na lang din ako.

“Hindi nakakatuwa yun.” Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

Nag-smile siya at nagpatuloy maglakad na sinundan ko naman agad. “Akala ko ba di ka duwag.” Natatawang sabi niya.

“Hindi naman talaga. Nakita mo na ba kong tumakbo nang makakita ng multo?” depensa ko.

“Hindi.... Nahimatay lang.” Lokong sagot niya.

Napatawa din ako ng maalala ko nung una ko siyang nakita. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa ginawa niya para patunayang multo siya?

“Involuntary reaction to overcome the shock.” Depensa ko ulit.

“Fine. Pero hindi nun mababago na katabi mo pa din si Faye ngayon. Actually nakakapit pa siya sa braso mo.” Sabi niya ng hindi tumitingin.

Biglang tumaas ang balahibo ko sa braso at agad na kinaskas na parang naghihilod.

“Tutoy malamok ba?” nagulat ako sa boses na nagtanong sakin. May matandang Janitor sa di kalayuan na nakatingin sakin.

“Ho? Hindi ho. Nilalamig lang.” Sagot ko at tumingin ako ng masama kay Allison, tumatawa lang siya sa tabi ko.

“Nilalamig ka pa sa lagay na iyan? Aba’y dalawa dalawa na ang katabi mong babae.” Natatawang sabi ni manong na nagpahinto sakin at kay Allison. “Mga kabataan nga naman ngayon oh, oh.” Nagpailing-iling pa ang ulo ni manong habang pinagpatuloy ang pagma-mop ng sahig.

“Na-nakikita niyo sila Manong?” di ko makapaniwalang tanong kay Manong.

Tumingin ulit si Manong sakin. “Aba’y oo naman. Anong akala mo ire sakin? Bulag? Aba tutoy kahit ako’y matanda na eh malinaw pa sa sikat ng araw ang mga mata ko.” Nakatawa si Manong habang sinasabi niya iyon.

Hindi na ko nakapagsalita. Hanggang sa natapos na ata ni Manong ang pag-ma-mop. “O siya ako’y mauuna na at may lilinisin pa ako. Aba’y mamili ka lang ng isa. Wag dalawa dalawa.” Payo ni manong at kinuha na niya ang mga panlinis niya at iniligay sa cart.

Bwinelo ni manong ang cart at nung nakaikot na siya ay parehas kaming nagulat ni Allison sa nakita namin sa likuran niya.

Duguan ang damit ni Manong at basag ang likurang ulo niya.

Napako na ko sa kinatatayuan ko.

Nanlamig ang buo kong katawan.

Hindi na ko nakapagsalita.

Narinig ko na lang ang boses ni Allison.

“Kamamatay lang niya at hindi niya pa alam.”

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon