Chapter 9: Allison

1.2K 62 1
                                        

A/N: It's been a long time! Thank you for pushing me to update! <3

Allison’s POV

Tahimik lang akong nakaupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Adrian. Nasa harapan namin ang mag-asawang Lacrosa. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin sa kanilang dalawa. Kahit anong gawin kong pag-iisip may isang bagay talagang hindi ko mapagtagpi-tagpi sa isipan ko.

Parang nakita ko na sila.

Parang kilala ko sila.

Parang...

“Sorry Adrian. We need to go back to the hospital. Do you want to go? You can see her.”

Napatingin ako kay Adrian ng marinig ko ang tanong ni Mrs. Lacrosa formal ang itsura niya. Maputi, maganda, sopistikada.

“Hindi ko po alam.” Ang sagot ni Adrian sa kanila.

Gusto ko sanang batukan si Adrian. Ano ba naman kasing klaseng sagot yun! Pero dahil nga hindi ko siya nahahawakan humawak ako ng isang bagay na nasa table para makuha ang atensyon niya. Yung kutsara na nasa tabi ng platong nasa harap ko ginalaw ko papunta sa direksyon ni Adrian.

Agad naman niyang napansin, lumaki pa nga yung mata niya sa takot siguro na makita ng mag-asawang Lacrosa yung ginawa ko. Hindi siya tumingin sa kinauupuan ko tanging sa mag-asawa lang na papatayo na para umalis.

Tumayo na din ako at pumunta sa tabi ng mga Lacrosa, dun lang siya tumingin sakin.

“So, mauna na kami sa’yo Adrian. It’s been a pleasure to meet you. Thank you.” Pahayag ni Mrs. Lacrosa at nagsimula na silang maglakad paalis.

“Kung ayaw mong sumama sa kanila. Ako na lang ang sasama. Bahala ka!” nag-crossed arms pa ko at pagalit na umalis para sundan ang mag-asawa.

“Teka Allison!” sigaw niya. Lumingon ako, yung mga ibang tao sa restaurant nagsitinginan sa kanya. Mga reaksyon na nagtataka kung sino yung tinatawag ni Adrian.

Napakamot sa ulo si Adrian dahil siguro na-realize niya na nagmukhang siyang baliw sa ginawa niya. Tawagin ba naman niya ako na siya lang ang tanging nakakakita.

Hinintay ko siyang makalapit bago ako tumawa ng nakakaloko. Tiningnan niya ko ng masama tapos nagdire-diretso na siya palabas ng restaurant. Tumagos ako sa glass door ng restaurant pagkadaan ko.

“Walang nakakatuwa.” Inis na sabi niya ng nakasunod na ko sa may likuran niya.

Pinigil ko ang tawa ko, “oops, sorry. Nakakatuwa lang kasing isipin na minsan nakakalimutan mong multo ako at ikaw lang ang tanging nakakakita sakin.”

“Ewan ko sayo.” Galit na sabi niya at binilisan niya ang paglakad para iwanan ako.

“Uy Adrian! Eto naman di na mabiro.” Humabol ako sa kanya.

Hindi na niya ko sinagot. Naka-smug face lang siya. Sinubukan kong hawakan siya sa may braso at as usual tumagos lang un pero bigla siyang kinilabutan. Atleast nararamdaman niya ko kahit papaano.

Hindi pa din siya tumingin sakin. Ni-rub lang niya yung braso niya na tri-ny kong hawakan para maalis yung lamig na naramdaman niya. Nakasalubong pa din yung dalawa niyang kilay na nagsasabi na galit talaga siya.

Napabuntong- hininga ako. Ayoko sana gawin ‘to pero ang drama kasi ni Adrian. Malayo na ang agwat ko kay Adrian pero ilang saglit lang nasa harapan na niya ko, napasigaw siya sa gulat at huminto. Yung kamay niya nasa dibdib na parang inaalalayan niya yung puso niya para hindi malaglag.

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon