Chapter 13: Allison?

1.1K 51 0
                                    

Chapter 13: Allison?

A/N: Two more chapters and this is done. xx

Allison’s POV?

Hindi pa din siguro maka-get over si Adrian kay Manong kanina. Sumasagot siya sa mga tanong ko pero hindi siya ganun ka-focus. Totoong kasabay namin maglakad si Faye kanina, yung kakilala kong multo. Pinakilala siya sakin ni Yssa, I mean Janine nung mga panahong ipinapaliwanag pa lang sakin ni Janine ang mga bagay bagay sa mundo ng mga kaluluwa.

Nagbabaka sakali si Faye dito sa ospital kaya siya nandito. Hindi pa din maalis sa isip ko yung itinanong niya sakin kanina.

“Sino siya?” tanong ni Faye.

“Siya nga pala si Adrian. Tinutulungan niya ko.” Sagot ko sa kanya.

“Infairness, gwapo siya. Diba?” sabi niya ng may pagpapa-cute.

Napatawa ako sa kanya. Malakas talaga sense of humor nitong si Faye kahit ganitong mga multo na kami nung mga times na kasama namin siya ni Janine hindi pwedeng hindi kami tatawa sa kanya. Napaka-jolly kasi niya.

Tumingin ako kay Adrian. Infairness... oo nga. Kahit hindi kaputian si Adrian, maganda ang pagka-kayumanggi niya. Matangos ang ilong, mahahaba ang pilikmata niya at pag ngumingiti siya may isang dimple na lumalabas sa pisngi niya. “Medyo.” Sagot ko.

“Medyo lang? Naku! Gusto mo na siya no? Aminin mo... may gusto ka na sa kanya noh?” pamimilit ni Faye.

Nahiya ako bigla sa tinanong niya. A-ako? May g-gusto na kay Adrian? Kahit naman siguro meron na hindi naman pwede lumagpas pa dun. Isang kaluluwa na lang ako, buhay pa siya.

“Ano? H-hindi. W-wala.” Putol-putol na sagot ko. Alam kong hindi naniwala si Faye sa sagot ko. Hinampas pa niya ko sa may balikat at sabay sabing,

“Ay naku Allison. Wala naman masama sa pagkagusto sa buhay basta lagi mo lang tandaan na hanggang gusto lang. Baka kasi masaktan ka lang din sa huli. Kahit naman multo tayo may pakiramdam pa din tayo.” Payo niya.

Tumatakbo pa din sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Faye. Siguro nga,oo nga, may gusto na ko kay Adrian. Nagugustuhan ko na siya. At hindi ko alam kung pwede ko ba talaga tong maramdaman o habang maaga pa alisin ko na ‘to.

“Adrian iho.”

Napatingin ako sa boses ng babae. Nandito na pala kami sa may ICU at nasa labas ng kwarto ang mga Lacrosa.

“I’m glad you changed your mind.” Sabi nito.

May nakita akong isang dalagang babaeng nakaupo sa waiting chairs katabi ni Mr. Lacrosa. Nakatingin din siya kay Adrian.

“Aliyah come here.” Tawag ni Mrs. Lacrosa sa babae.

Lumapit ito sa tabi niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya, parang nakita ko na sya. Bigla akong nakaramdam ng pagdidilim ng paligid. Napapikit ako at may mga blurred images na pumasok sa isip ko. Hindi ko makita puro shadowy images na hindi ko maintindihan.

Pinilit kong ibukas ang mata ko, umiikot ang buong paligid ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

“This is her twin sister Aliyah.” Narinig kong sabi ni Mrs. Lacrosa.

Gusto kong kumapit sa kahit anong bagay para maiwasan ang pagtumba dahil umiikot talaga ang buong paligid. Napakapit ako kay Adrian pero tumagos lang ang kamay ko sa kanya.

Naramdaman ata ni Adrian ang pagtangka kong pagkapit sa kanya dahil napatingin siya sa direksyon ko.

“Thank you for saving my little sister.” Malamig ang boses ng babae.

Pinapunta na si Adrian sa loob kaya hindi na niya ko natanong pa.

Pinili kong sundan si Adrian sa loob kahit halos umiikot na ang buong paligid.

Sinuot ni Adrian ang hospital dress at mask. Binuksan na niya ang isa pang pintuang magdadala samin sa loob. Isang pamilyar na amoy ang agad bumungad sakin.

Tiningnan ako ni Adrian ng tuluyan na kaming nakapasok sa loob.

Isang babaeng walang malay ang nakahiga sa hospital bed. Rinig sa loob ang oxygen at tunog ng heartbeat sa isang machine. Nakatakip ng oxygen mask ang bibig ng babae at may nakakabit na kung ano anong wire sa kanya.

Napako ako sa kintatayuan ko. Hindi na ako makagalaw.

Naramdaman ko na lang na para akong nahuhulog sa isang madilim na balon. Tuloy tuloy na nahuhulog habang bumabalik ang lahat ng alaala sa buhay ko.

At sa pagkakataong yun.....

Nalaman ko na kung anong rason ko.

-------------------- ------------------------ -----------------------

“Friday night out!” masayang sigaw ng dalawang magkaibigan.

“Be sure to be back before 11, okay?” paalala ng mommy ni Allison sa kanilang dalawa.

“Noted mom. Thank you. Love you.” Kiniss ni Allison ang mommy niya.

“Love you too darling. Don’t do something you’ll regret later on.” Sabi nito sa dalawa.

“Yes Tita.” Sagot ni Aubrey sa mommy ng bestfriend niya.

“Bye mom.”

“Bye Tita.”

“Okay. Don’t forget to call me!” pahabol na sigaw ng mommy ni Allison.

Napatawa ang dalawang magkaibigan at agad ng pumasok sa nakaabang na kotse sa harap ng bahay.

“Oh! Mothers!” nagroll eyes pa si Allison sa pagkakasabi pero natawa lang silang dalawa. Alam naman nilang maayos na kapakanan lang naman ang iniisip ng parents nila.

“I’m so lucky to have you as my BFF brie!” niyakap ni Allison si Aubrey.

“Stop it Ali babe. You’re so corny!” natatawang sabi ni Aubrey.

“No, I’m serious. You are my favorite person in the whole world! If I could just marry you.. i will!”

“Ewww! Ali you sounded like a lesbian right now!”

Napatawa si Allison. “If I die now-“

“Ali! You’re just broken hearted... you cannot die! Remember? Sabay tayo magpapakasal! And ipapakasal natin ang mga anak natin, right? Kaya nga natin gagawin ‘to para makalimutan mo siya. That douche bag doesn’t deserve someone lovely as you. You will meet someone better. Much, much better than him!”

Napangiti naman si Allison sa sinabi ng kaibigan at hindi mapigilang maiyak. Hindi man siya swerte sa lalaking minamahal, swerte naman siya sa bestfriend niyang handa siyang samahan kahit saan.

“Promise me, we will be bestfriend forever and if ever na magkahiwalay tayo.. you come searching for me.”

“Promise.” Nakangiting sagot ni Aubrey kay Allison.

Habang nagsasaya ang dalawang magkaibigan ng gabing yun may pangyayaring nagpabago sa buhay nilang dalawa.

Isang sunog ang naglagay sa kritikal na kondisyon ng isa sa kanila.

Allison is in coma for weeks while Aubrey went to find her bestfriend’s soul.

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon