Chapter 4: Allison

1.5K 70 3
                                        

Chapter 4: Allison

Allison’s POV

2:55 am

Ang tagal ng oras. Bakit ang tagal sumikat ng araw? Ano bang oras gumigising si Adrian?

Kanina pa ko palakad lakad sa buong bahay. Ngayon lang ako nainip ng sobra. Kapag excited talaga biglang bumabagal ang oras. Wala naman akong ibang nagagawa kundi maglakad lakad. Hindi ako natutulog dahil hindi naman talaga kami natutulog. Ewan ko kung bakit ganun. Basta ang alam ko pagala gala lang kami.

Sa kwarto na lang ako ni Adrian magsta-stay. Hindi naman niya malalaman kasi tulog na siya.

Pumasok ako sa kwarto niya. Alam naman ng lahat na kapag multo nakakatagos kami kung saan saan kaya hindi ko na kailangan pang buksan ang pinto. Pero minsan ginagawa ko yun. Wala lang, maramdaman ko lang na tao ulit ako. Na kahit sa paghawak lang ng bagay ay maisip kong buhay ako.

Nakita kong nakadapa siya sa kama. Nasa lapag ang ilan sa mga unan niya. May isang unan lang na inuunan ng ulo niya, yung kumot niya nasa paanan niya lang.

Umupo ako sa sahig at sumandal sa kama niya.

3:10 am

Pumikit ako. Ilang beses ko ng sinubukang matulog. Pero wala. Dilim lang ang nakikita ko. Walang alaala o anumang bagay sa nakaraan ko ang naiisip ko. Ang tanging alam ko lang, dalawang linggo pa lang akong multo. Yun ang nabilang ko at ang sabi ng mga nakausap kong multo.

Tama. May iba pang multo ,hindi lang sa bahay na to kundi sa lahat ng parte ng mundo. Para rin kaming mga buhay na tao na kasabay naglalakad araw araw. Hindi totoo na hindi kami lumalabas kapag maliwanag. Bawat multo ay may isang bagay na hinahanap. Ang iba ay alam ang hinahanap ngunit meron ding iba na hindi nila alam kung ano pang ginagawa nila sa mundo ng mga buhay, katulad ko.

Malalaman sa kulay namin kung gaano na kami katagal na gumagala gala sa mundo ng mga buhay. Kapag puting puti na katulad ko. Ibig sabihin na wala ka pang isang taon na pagala gala. Kapag medyo maduming puti mga isang taon mahigit pero kapag brown na, matagal na silang gumagala.

Kung nag-iisip ba kayo kung may masasama ba talagang multo? Ahh. Hindi ko alam. sa dalawang linggo kong paggala, hindi pa ganun kadami ang nakikilala kong kaluluwa. Pero alam ko may tinatawag silang itim na kaluluwa, pero wala pa akong sapat na kaalaman tungkol sa kanila.

Kung tatanungin niyo ko kung patay na ba ako? Hindi ko alam ang sagot. Siguro? Oo?

Kapag multo na, patay na ba? Siguro? Oo?

Ang ilan sa mga multong nakausap ko alam ang ikinamatay nila. Kaya lang sila nananatiling pagala gala ay may hinahanap silang kasagutan o isang bagay bago sila magpahatol. Ang sabi ni Aling Muding, isa sa mga matatandang multong nakilala ko. Brown na ang kulay niya kaya alam kong matagal na siyang gumagala.

Parang puzzle na sasagutin ng isang kaluluwa ang rason kung bakit nandito pa siya. Meron daw inaabot ng taon sa paghahanap ng rason kung bakit nandito pa sila ang iba naman ay inaabot ng sobrang tagal na panahon katulad ni Aling Muding. Sabi din niya na kapag nahanap na daw ng isang multo ang kasagutan sa hinahanap niya tska lang siya mahahatulan. Kaya tinanong ko siya.

Aling Muding, kayo po? “

“ Hindi pa iha.”

“ eh Aling Muding, ano po bang hinahanap niyo? “

“ Hinihintay iha. Hinihintay. “

“ Po? “

Unti- unting ngumiti si aling Muding. “ Ang asawa ko iha. Hinihintay ko ang asawa ko. “

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon