Adrian's POV
“Adrian ang usapan natin. Wag na wag mong kakalimutan.” Paalala ni Tito Raul.
“oho.” Sagot ko sa kanya tapos pumasok na ko sa kotse. Nung nagpaalam ako sa kanya hindi ako pinayagan buti na lang kinausap ni Tita Meril si Tito Raul. Akalain mong malaki ang tiwala sakin ni Tita Meril kahit alam kong alam niya din ang dahilan kung bakit ako napatapon dito sa kanila.
“Mag-ingat ka Adrian.” May pag-aalalang sabi ni Tita Meril pero nakangiti pa din siya.
“Salamat Tita.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Alam kong hindi ako ganun kalapit sa kanya pero nararamdaman ko ang pag-aalala niya sakin. Pag-aalala ng isang ina.
Inistart ko na ang kotse. Napatingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa passenger seat habang nakatingin samin. Nakangiti siya
“Alis na ho ako.” Sabi ko kanila Tito Raul. Nagba-bye sila Junie at Julie.
Pinaandar ko na ang kotse habang nakangiti.
----------------------------------------
Matapos kong mai-park ang kotse naglakad kami papasok sa St. Mary Medical Hospital. Naghihintay si Mrs. Lacrosa sa may reception area para salubungin ako.
“Sino bang pupuntahan mo dito Adrian?” tanong ni Allison na kasabay kong maglakad.
Bago ako sumagot tumingin muna ako sa paligid baka kasi may nakatingin at sabihing nababaliw na ko at kinakausap kong mag-isa ang sarili ko. “Yung babaeng may-ari ng bracelet.”
Napatigil siya sabay sabing “talaga?” puno ng excitement yung reaksyon niya. Hindi ko alam kung bakit.
“Bakit parang ang saya saya mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya habang tumitingin ako sa paligid baka may makakita.
Ngumiti siya na parang nahihiya tapos naglakad ng dahan dahan. “Wala lang. May something kasi sa bracelet na yun. Parang...” nagkibit balikat siya bago ituloy ang sasabihin “....connected siya sakin.”
--------------
Lumapit kami sa babaeng nurse sa reception area. Magsasalita na sana ako ng may biglang lumapit sakin na isang babaeng na kung titingnan mo parang nasa 30 plus lang. Nakaformal na damit. Yung bang nakapalda at coat. Hanggang balikat lang yung buhok niya. Nakangiti siya sakin at pamilyar ang ngiti niya parang nakita ko na kung saan.
“Adrian Ramirez?” paniniguro niya.
“O-opo, Mrs. Lacrosa?” balik na paniniguro ko sa kanya.
“Yes.” Nilahad niya yung kamay niya para makipagshakehands. Inabot ko naman.
“Thank you for coming. My husband is waiting outside. Is it okay to talk to you somewhere else?” mahinahon na tanong niya.
Tumango lang ako bilang sagot at sumunod sa kanya palabas ng hospital. Lumingon ako para tingnan kung nasaan si Allison. Nasa tabi ko lang siya. Pinaglalaruan na naman niya yung mga daliri niya sa kamay habang nakatitig sa likod ng babaeng nasa unahan namin.
“Ayos ka lang?” pasimpleng bulong ko sa kanya.
Tumingin siya sakin na parang nagtataka. “A-ano. Ah. O-oo.” Tumingin ulit siya kay Mrs. Lacrosa habang nagkaron ng guhit sa may pagitan ng kilay niya. “Parang.. kilala ko siya.”
------------------
“We’re glad to finally meet you Adrian.” Sabi ni Mrs. Lacrosa.
BINABASA MO ANG
That girl is a Ghost
FantasiaThat Girl is a Ghost Copyright © 2013 imangelonearth All rights reserved. Makakita ng isang multong pagala-gala ang huling bagay na ine-expect na maranasan ni Adrian Ramirez ng pilit siyang ipatapon ng Daddy niya sa probinsya nila ng masangkot siya...