Chapter 7: Allison

1.2K 63 0
                                    

Allison’s POV

“Allison.” Tawag sakin ni Yssa.

“Ui.” Tanging  nasagot ko sa kanya ng makalapit na siya. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na ‘ui.kamusta buhay?’. Ang awkward naman kasing itanong yun sa gaya naming mga multo. Alangan namang ‘kamusta patay?”. Diba mas awkward.

“ May good news ako!” excited na sabi sakin ni Yssa.

Hindi naman porket multo kami, bawal na kami maging close sa isa’t isa. Si Yssa ang una sa mga nakilala kong multo nung bigla na lang akong nagising ng ganito.

Kung ang kulay ko puting-puti, si Yssa puti na lang. Hindi siya puting-puti hindi rin siya brown. Sabi niya sakin mga apat na buwan na daw siyang gumagala.

Kung titingnan para lang kaming magkasing edad ni Yssa. Pero dahil nga wala kaming maalala nung buhay pa kami hindi talaga namin matiyak kung magkasing edad nga kami.

“Ano yun?” tanong ko habang pinaglalaruan yung lapis na hawak-hawak ko.

Nandito kasi kami sa kwartong naging tambakan na ng pamilyang Ramirez. Sa kwartong nakilala ko ang akala kong makakatulong sakin. Pero.. hindi pala.

Gusto ko mang maging excited sa ibabalita ni Yssa dahil mukha ngang good news dahil nakikita ko si Yssa na abot tenga ang ngiti pero hindi ko magawa.

Ilang oras pa lang ang nakakalipas nung huli naming pag-uusap ni Adrian at pag-alis ko sa kwarto niya. Kitang –kita ko sa mukha niya yung pagkalito.

Hindi niya ko matutulungan. Walang makakatulong sakin. Aabutin ako ng taon sa pagga-gala dito.

“Allison. Ok ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Yssa. Umupo siya sa tabi ko.

“Huh? Ok lang ako Yssa. Ano ka ba, ano yung ibabalita mo?” pinilit kong ngumiti sa kanya.

Huminga ng malalim si Yssa bago magsalita.

Don’t worry. Ang mga multong gaya namin humihinga din. Kaya nga may malamig na hangin kayong nararamdaman kapag malapit kami.

“May naalala ako... nung buhay pa ko.” Napatingin ako kay Yssa pagkasabi niya.

“Alaala?” hindi ko makapaniwalang tanong.

Tumango tango si Yssa habang nakangiti. “Sa isang park..gabi.. umuulan. Wala akong payong. Nakatayo lang ako sa tabi ng isang fountain. Hindi ko alam kung bakit ako nandon. Basta nakatayo lang ako.. nakayuko. “ kinuha ni Yssa yung hawak kong lapis at nagdrawing sa sahig kahit wala namang tasa yung lapis.

“Yung mga taong dumadaan tinitingnan lang ako tapos aalis na din.. nagtataka nga ako kung bakit walang humihinto para pasilungin ako. Wala bang mabuting loob nung mga oras na yun?” napatawa si Yssa sa tinanong nya.

Teka. Kung may naalala siya. Pwede rin kayang may maalala ako?

“Akala ko walang kwenta yung naalala ko pero hindi pala.. may lumapit sakin Allison. Isang lalaki. May dala siyang payong. Hindi masyado malinaw ang pagkaalala ko sa mukha niya pero isa lang ang sigurado ko, mahalaga siya sakin kasi pagkadating niya bigla ko siyang niyakap... Inabot niya yung kamay ko at sabay kaming naglakad paalis sa lugar na yun.” Nakangiting kwento ni Yssa.

“Pero Yssa...” gusto ko sanang itanong kung anong goodnews sa naalala niya. Eh parang wala naman.

“Janine.”

“Huh?” nagtataka kong tanong sa kanya. Sino si Janine?

“Janine ang pangalan ko Allison. Tinawag niya kong Janine.” Nakangiting sagot sakin ni Yssa.. hindi..ni Janine.

“Saan ka nagpunta?” tanong niya sakin nung kami na lang dalawa sa garahe. Pumasok kasi  sa loob ng bahay si Mr. Ramirez para kumuha ng maiinom.

Hinahanap niya ba ko?

“ahh. Naglakad-lakad lang.” Mahinang sagot ko kahit wala namang ibang makakarinig sakin kahit sumigaw pa ko.

“A-allison. Yung tungkol sa---“

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. “Naku! Ayos lang Adrian. Baka may iba pang makatu---.”

“Tutulungan kita.”

“Huh?”

“Pupunta tayo ng Maynila.” Tanging sinagot lang ni Adrian kasabay nang pagbalik ni Mr. Ramirez sa garahe.

******************************

A/N:

I know, I know. Ang ikli nito. Babawi ako next update. Promise. ;)

I'm currently working on something. Hope you guys can understand! Enjoy!

Yan XX

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon