Aubrey's POV
Ako si Aubrey Javier. Best friend ko si Allison Lacrosa at siya ang rason ko...
"Allison! Saan ka pupunta?!" gulat na sabi ni Adrian nang agad akong lumabas ng kwartong iyon.
Kailangan ko siyang hanapin. Kailangan ko siyang mapabalik sa katawan niya. Kailangan na niyang malaman ang daan pauwi.
Matapos kong makita ang mukha ng bestfriend ko na nakahiga sa hospital bed. Lahat ng alaala ay parang isang pelikulang nag flash back sa isipan ko.
Ang mga pangyayari ng gabing iyon. Lahat. At kung paano ako napunta sa mundo ng kaluluwa.
Inisip kong mabuti ang lugar kung saan naganap ang sunog at ipinikit ang mga mata ko. Kailangan kong makapunta dun ng mas mabilis dahil alam kong naghihintay lang siya dun. Sana.
Pag mulat ng mata ko ay nasa tapat na ako ng isang sunog na establishment na may " police line do not cross" na nakalagay sa paligid.
Naglakad ako palapit sa building. Pumasok ako sa loob at hindi nga ako nagkakamali, nandito siya. Napalingon siya sa direksyon ko pero walang kung ano mang reaksyon sa mukha niya.
"Ali..." tawag ko sa kanya.
Naglakad ako palapit sa kanya. "Kailangan mo nang bumalik Ali... marami kaming naghihintay sa pagbalik mo." sabi ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Brie?"tanong niya sakin.
"Yes Allison. Ako nga." naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko.
Agad niya kong niyakap.
"Matagal na kong nandito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta." sagot niya na para talagang wala siyang alam sa mga nangyayari.
"Halika na Ali. Uuwi na tayo." inabot ko ang kamay niya at inaya siyang maglakad palabas.
Ilang sandali lang ay nakabalik na kami sa ospital. Sa kwarto kung nasaan ang katawan nya. Kaming dalawa na lang ang nasa loob. Hindi ko alam kung nasaan si Adrian.
Tiningnan ni Ali ang sarili niya. Nasa tabi niya lang ako magkahawak kami ng kamay.
"Bumalik ka na Ali. Marami ng nakakamiss sayo." sabi ko sa kanya.
Napangiti siya sakin. "Paano ka?"
"Pag nakabalik ka na... siguradong makakabalik din ako." paniniguro ko sa kanya.
Hindi pa ako patay. Alam kong nasa maayos na kalagayan ang katawan ko. Alam kong napakadesperado at delikado ng ginawa kong to pero gusto kong matulungan si Ali. Gusto kong makabalik na siya kaya lumapit ako sa isang soul expert. Pwede niya akong tulungan makapunta sa mundo ng mga kaluluwa para mahanap ang kaluluwa ng kaibigan ko at matulungan siyang mapabalik sa katawan niya. Pag nagtagumpay ako dun lang ako makakabalik sa sarili kong katawan pero kung sakaling di ko natagpuan si Ali panghabang buhay na kong magiging ligaw na kaluluwa.
Walang kasiguraduhan ang pinasok ko pero alam ko na kung ako ang nasa kalagayan ni Ali, siguradong gagawin niya din ang lahat makabalik lang ako.
"See you Brie." paalam niya sakin ng maka upo na siya sa ibabaw ng sarili niyang katawan.
"See you." sagot ko.
Pwinesto na niya ang sarili niya at unti unting humiga. Pinikit niya ang mga mata niya at nag concentrate sa pag-iisa ng kaluluwa niya at katawang pisikal.
Unti-unti ng gumalaw ang mga daliri sa kamay ni Ali. Tumunog ang warning sa loob ng kwarto niya at dali daling may mga pumasok na nurses at doctor kasunod ang pamilya ni Ali.
Nararamdaman ko na ang unti unting pwersa na humihila pabalik sakin.
Nahanap ko siya. Makakabalik na ko.
Bago ako tuluyang pumikit at maglaho ay nakita ko si Adrian. Gulat na may kasamang takot ang nakita ko sa mukha niya. Tumakbo siya palapit sakin at tinawag ng paulit ulit ang pangalan ko.
"Thank you Adrian..." bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Masaya akong makakabalik na ko at si Ali pero parang nabasag ang puso ko dahil alam kong sa pagbabalik ko lahat ng 'to.. ay parang isang magandang panaginip na hindi ko na maaalala pag gising ko.
"Allison!!" ang boses niya ang huling narinig ko bago ako tuluyang nahulog pabalik sa kawalan..
BINABASA MO ANG
That girl is a Ghost
FantasyThat Girl is a Ghost Copyright © 2013 imangelonearth All rights reserved. Makakita ng isang multong pagala-gala ang huling bagay na ine-expect na maranasan ni Adrian Ramirez ng pilit siyang ipatapon ng Daddy niya sa probinsya nila ng masangkot siya...