Chapter 11: Allison
Allison’s POV
Umiiyak si Janine sa tabi ko habang nakatayo kami sa sulok pinapanuod si Adrian habang pinapaliwanag kay Joshua ang lahat. Si Joshua ang boyfriend ni Janine. Isang aksidente ang bumawi ng buhay ni Janine. Isang gabing hindi siya nasundo ni Joshua sa pinagtratrabahuhan niya dahil sa may away ang magkasintahan. Mag li-limang buwan na din ng mamatay si Janine pero hanggang ngayon hindi pa din kayang i-let go ni Joshua si Janine. Para sa kanya, malaki ang parte niya sa pagkawala ng pinakamamahal niya.
Sinubukang magpakamatay ni Joshua kaya nandito siya ngayon sa ospital. Dumating rin ang nanay ni Joshua pero umalis lang saglit.
Nagpakilala si Adrian bilang kaklase nung highschool kaya pinayagan siya ng nanay ni Joshua na mag-stay sa kwarto at tingnan muna si Joshua habang wala pa siya. Ilang minuto lang din pagkaalis ng nanay ni Joshua ay nagising siya.
Nung una ay nagtataka siya kung bakit siya nasa ospital pero ilang saglit lang din at nagsimula na itong umiyak at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Janine. Sinubukan pa nitong tanggalin ang dextross na nakaturok sa kanya buti na lang at napigilan siya ni Adrian.
Wala ng sinayang na oras si Adrian at sinimulan na niyang ipaliwanag kay Joshua ang lahat ng dapat niyang malaman. Hindi naniniwala si Joshua sa kanya nung una pero ng magbanggit na si Adrian ng ilang bagay na sinabi ni Janine sa kanya na ang tanging nakakaalam lang ay si Janine at Joshua ay nagsimula na itong maniwala.
“Kaylangan mo na siyang i-let go pre.” Mahinahon na payo ni Adrian matapos niyang maipaliwanag ang mga bagay-bagay kay Joshua.
Nakayuko si Joshua habang iniiling-iling ang ulo niya. Nakita kong may luhang tumutulo sa kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan niya.
“Gusto ko siyang makita... kahit isang beses lang... kahit isang minuto... isang segundo... gusto ko siyang makita ulit.” Halos pabulong na sambit nito na halos magpadurog ng puso ko.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kay Janine. Buong buo.
Napatakip sa bibig si Adrian na parang nagpipigil sa pwede niyang masabi. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Takot ba siyang hindi maging successful ang pagtulong niya kay Janine?
Lumingon siya sa pinagkakatayuan namin na parang nanghihingi ng tulong.
“Ang totoo niyan... nakatayo siya dun.” Turo ni Adrian sa direksyon ni Janine sa tabi ko.
Napataas agad ng ulo si Joshua at sinundan ang direksyon ng kamay ni Adrian. Pilit niyang tiningnan ang tinatayuan namin ni Janine, nagbabaka sakaling maaninag niya.
Unti-unting lumapit si Janine sa kama. Tumayo si Adrian sa kinauupuan niya kanina.
Ng tuluyan ng makalapit si Janine kay Joshua, sinubukan niyang hawakan ang mukha ni Joshua at hindi ko alam pero napapikit si Joshua na parang pinapakiramdaman ang haplos ng kamay ni Janine.
Parang huminto ang oras. Nakatayo kami ni Adrian, pinapanuod ang mga susunod na mangyayari.
“I miss you.” Sambit ni Joshua at itinaas niya ang kamay niya para ilagay sa kamay ni Janine na nakahaplos sa gilid na mukha niya.
Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil umiiyak na din ako sa nakikita ko. Hindi man nakikita ni Joshua si Janine... alam niya. Ramdam niya. Nasa tabi niya si Janine.
Halos mapahagulgol na si Janine sa narinig niya. Nilapit niya ang mukha niya kay Joshua at idinampi ang labi niya sa labi ni Joshua na akala mo ay magkakadikit.
“It’s time Josh. It’s time.” Bulong na sabi ni Janine na akala mo maririnig ni Joshua.
Nakapikit pa din si Joshua habang may luhang tumutulo galing sa mga mata niya. “I’m sorry. I’m sorry.” Paulit- ulit na banggit niya.
Umiling-iling si Janine, “It’s not your fault. Please... do not blame yourself anymore.”
“I love you. I’ll forever love you...”
“Forever.” Mahinang sagot ni Janine na akala mo ay may nangyari talagang pag-uusap sa pagitan nilang dalawa.
Lumayo na si Janine kay Joshua at lumingon saming dalawa ni Adrian. May kung anong liwanag ang biglang nagpakita malapit sa kinatatayuan ni Janine. Nakangiti siya.
“Salamat.” Ang huling salitang narinig ko bago tuluyang mawala si Janine sa liwanag.
Hindi ko sigurado kung nakita ni Adrian ang pangyayaring ‘yon pero alam ko alam niyang nakaalis na si Janine dahil may ngiti sa labi niya.
Tska lang dumilat si Joshua at ilang segundo din siyang nakatulala sa kawalan. Lumapit ulit si Adrian sa kama ni Joshua.
“Masaya na siya pre. Sana ganun ka din.” Tinapik ni Adrian sa balikat si Joshua na akala mo close na close ang dalawa.
Mas lalo akong natuwa ng makita kong nakangiti na ang mga mata ni Joshua, kanina kasi parang malulunod na ko sa kalungkutang makikita sa mukha niya pero ngayon makikita na ang bakas ng kasiyahan.
“Nakausap ko siya.” Sagot nito kay Adrian.
“Maganda yan.” Tipid na sagot ni Adrian habang nakangiti.
“Sabi niya dadalawin ka daw niya minsan para magpasalamat.” Sabi ni Joshua ng natatawa.
Napatawa ako sa narinig ko. May sinabi bang ganun si Janine?
Halos lumaki naman ang mata ni Adrian sa narinig at agad nitong binanggit, “Psh. K-kahit w-wag na. D-dun na lang siya k-kung nasaan man siya.”
At pare-pareho na kaming napatawa.
-------------------- -------------------------- ----------------------------------
“Salamat Adrian ah.” Nakangiting sabi ko kay Adrian ng makapagpaalam na siya kay Joshua para umalis. Nangako din siyang co-contact-in si Joshua para makapag-usap naman sila minsan at makapagpasalamat na din si Joshua kay Adrian.
Naglalakad kami sa mahabang hallway ng ospital. Walang tao sa paligid kaya pwede niya kong sagutin.
Napakamot si Adrian sa ulo na akala mo nahihiya sa pagtulong niya. “Wala yun.” Maikling sagot nito. Hindi siya tumitingin sakin.
“Ang galing mo kanina.” Pagdadagdag ko.
“Sus. Hindi naman. Ginawa ko lang ang mga sinabi ng kaibigan mo.”
“Kahit na. Na-handle mo pa din ng maayos ang lahat. Pwede ka ng maging Ghost messenger.” Pagbibiro ko.
“G-ghost messenger?” hindi makapaniwalang tanong ni Adrian. Sa pagkakataong ‘to napahinto kami sa gitna ng hallway.
“Oo. Yung mga nagdedeliver ng mga mensahe ng kaluluwa sa mga kamag-anakan nilang buhay pa.” Natatawang sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya ko ng ‘nagbibiro-ka-ba-look’.
“Gusto mo na ba kong atakihin sa puso?”
Tumawa ako, “ang OA mo naman. Takot ka pa din ba sa multo?”
“Hindi. Hindi halata.” Pilosopong sagot niya.
“Ibig sabihin takot ka sakin?” nag-pout ako para kunwari nasasaktan ako. Kasi multo din naman ako ibig sabihin takot din siya sakin.
Parang nagseryoso ang mukha niya at umiwas ulit ng tingin sakin.
“Pwera sayo.” Halos mabilis ang pagkakasabi niya at agad ng tumalikod para maglakad palayo.
Teka. Nag-imagine lang ba ko o talagang namula si Adrian? May sakit ba siya?
BINABASA MO ANG
That girl is a Ghost
FantasyThat Girl is a Ghost Copyright © 2013 imangelonearth All rights reserved. Makakita ng isang multong pagala-gala ang huling bagay na ine-expect na maranasan ni Adrian Ramirez ng pilit siyang ipatapon ng Daddy niya sa probinsya nila ng masangkot siya...
