Chapter 15: Last chapter

1.3K 57 0
                                    

Chapter 15: Last chapter

Every story has its own ending but I think the real story is just about to start.

Ilang buwan din bago tuluyang makalabas sa ospital si Allison ay araw-araw na siyang dinadalaw ni Adrian. Pursigidong pursigido si Adrian mapatunayan kay Allison na gusto niya talaga ang dalaga. Pinakiusapan pa ni Adrian ang Tito Raul niya na kung pwede ay makabalik na siya ng Maynila upang mas maging malapit siya sa dalaga. Ipinangako niya pa dito na tuluyan niya ng aayusin ang buhay niya basta kumbinsihin lang ng Tiyo Raul niya ang Daddy niya na payagan na siyang makabalik sa kanya.

Isang buwan din ang hinintay ni Adrian makabalik lang sa Maynila.

Napalapit na din silang dalawa ni Allison sa isa't isa. Pero may pilit pa ding hinahanap si Adrian sa dalaga. Parang may kulang... parang may nawawala.

Nag-search niya din siya sa mga kaso ng mga kaluluwang ligaw. May nabasa siya na kapag nakabalik ang kaluluwa sa pisikal na katawan nito ay ang lahat ng alaala nito nung kaluluwang ligaw pa siya ay hindi na niya maalala. Para lang itong isang mahabang panaginip sa kanya na bigla na lang mawawala na parang bula.

Kaya kahit gusto mang sabihin ni Adrian ang mga araw na magkasama sila ni Allison nung kaluluwang ligaw pa lang ito ay hindi pwede. Hindi naman kasi kapani-paniwala kung sasabihin man niya.

Ang nasa isip na lang niya ngayon ay gumawa ng panibagong alaala kasama ang dalaga pero ngayon sisiguraduhin niyang makatotohanan at malapit sa realidad.

Halos tatlong buwan din siyang nagpabalik balik sa ospital para dalawin si Allison at sa bawat pagdalaw niya ay ipinapaalam niya sa dalaga ang intensyon niya. Dinadalhan niya lagi si Allison ng bulaklak. May naalala kasi siyang nasabi ni Allison nung magkasama pa sila ng mga araw na kaluluwang ligaw pa lang ito. Paborito niya ang amoy ng mga rosas.

Nagugustuhan naman ni Allison ang palagiang pagdalaw ni Adrian sa kanya. Halos abangan na nga niya ito araw-araw.

Nagsimula na din ang pasukan pero ganun pa man ay dumadalaw pa din si Adrian matapos ang klase niya.

Nung makalabas na si Allison ng opsital ay nandun din siya at dun na tuluyang nahulog ang loob ng dalaga sa kanya.

"Adrian... hindi mo pa ba ko tatanungin?" tanong ni Allison sa kanya.

Napalunok si Adrian. "A-ah.."

"Do you like me Adrian?" nakangiting tanong ni Allison. Nakaupo sila sa sala ng bahay nila Allison.

Naghihintay si Allison ng isasagot ni Adrian. Alam niyang gusto siya ni Adrian at gusto na din niya ito. Dahil na din kay Adrian ay agad niyang nakalimutan ang tungkol sa ex boyfriend niya na sinaktan lang siya.

Inipon lahat ni Adrian ang lahat ng lakas ng loob, "Can you be my girlfriend Allison?" sabi niya sa dalaga.

Masayang niyakap ni Allison si Adrian, "Yes, Adrian." sagot niya habang nakayakap pa din sa binata.

Matutuwa ang best friend niya sa ibabalita niya. Hindi na siya makapaghintay ikwento sa kaibigan ang masayang balita niya.

Naramdaman ni Allison ang pagyakap ni Adrian sa kanya. "I love you." bulong niya kay Adrian.

Hindi nakasagot si Adrian. Parang bigla siyang nakaramdam na parang may mali. Agad niyang binura ang pag-iisip na yun at piniling maging masaya sa oras na iyon.

Umalis na sa pagkakayakap si Allison at masayang nakangiti kay Adrian. Makikita sa mukha ng niya na talagang masaya siya sa mga nangyayari.

"Mom enrolled me at your school. I also invite my best friend to transfer, I'm so excited na mag-meet kayo. Hindi kasi kayo magkasabay ng pagdalaw nung nasa hospital pa ako."

"That's good. I'm excited to meet her too." nakangiting sagot ni Adrian.

"Aubrey is kinda' shy... but when you meet her she's crazy and lovely. Oh! Wait! Don't go home yet, I know she will be here any minute. She promised, she will visit me when I got home."

Tumango-tango si Adrian sa girlfriend. "That's fine."

"Great! Wait here! I'll call her." sabi ni Allison at agad kinuha ang phone niya at dinial ang number ng best friend niya.

Lumabas sa may garden si Allison habang hinihintay ang pagsagot ng kabilang linya.

"Bessie! Where na you?" masayang sigaw ni Allison sa kabilang linya.

"Ali babe. Nandito na ko. Kaka-baba ko lang ng kotse. Excited much?"

"Of course! I miss my bessie! Ok bye!" binaba na ni Allison ang phone at dali daling pumasok papunta sa sala nila.

Pagkapasok ni Aubrey sa bahay nila Allison ay may nakita siyang lalaki na nakaupo sa sofa. Napatingin ito sa kanya at agad na napatayo sa kinauupan. Parang nakakita ng multo ang lalaki pagkakita sa kanya.

Teka lang? Mukha ba kong multo?

Tinitigan ni Aubrey ang mukha ng lalaki at parang nakita na niya ito kung saan. Pero dahil nga araw araw na nagkwekwento si Allison tungkol sa isang lalaking laging dumadalaw sa kanya ay hindi malabong itong lalaki sa harap niya ang tinutukoy ng kaibigan.

"Brie!" masayang sigaw ni Allison pagkakita sa best friend. Agad niya itong hinila palapit kay Adrian.

Para namang tangang napako sa kinatatayuan niya si Adrian. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Nanaginip lang ba siya? Hindi 'to totoo diba? Nililinlang lang siya ng mga mata niya.

"Brie.. siya nga pala si Adrian. Boyfriend ko." pagpapakilala ni Allison.

"Adrian?..." nag-isip pa ng ilang saglit si Aubrey. Adrian? Adrian? Saan ko nga ba narinig ang pangalan na yun? Hindi naman kay Allison dahil ayaw niya namang sabihin sakin ang pangalan ng lalaking kinukwento niya at baka daw i-search ko na sa Facebook at wala na daw excitement.

"Aubrey?" tanging salitang lumabas sa bibig ni Adrian. Ang babaeng nasa harap niya ay si Allison.. hindi si Allison na girlfriend niya. Si Allison na multo. Si Allison niya.

Hindi na nakapagsalita si Adrian dahil hindi niya napigilan ang sariling yakapin ang babaeng tunay na nagmamay-ari ng puso niya.

****************************** END ***********************************

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon