Chapter 10: Adrian

1.1K 58 3
                                    

A/N: If you like the story please spread the word! :)) May gusto akong sabihin pero di pa kasi confirmed kaya wait wait muna :) Thank you!

Adrian’s POV

Pinarusahan na ata ako ng Diyos.

Aatakihin na ata ako sa puso.

Sabi nga nila ang isa tama na, pag dalawa sobra na. Pero bakit dinagdagan pa ko ng isang multo?

Babaeng bilugan ang mukha , may singkit na mga mata, maliit ang ilong at labi, meron siyang maikling buhok na hanggang balikat, nakasuot siya ng pang opisinang damit, gaya ni Allison ang tangkad niya. Ang pinagkaiba lang nila ay may sugat ito sa mukha, sa may bandang noo at may tuyong dugo. Bitak- bitak din ang labi nito na animo’y dehydrated at may natuyong dugo rin ito sa damit.

Gusto ko ng maihi sa takot ng bigla ko na lang siyang nakita. Pucha sabihan niyo na akong duwag o bakla pero kung kayo ang nasa kalagayan ko baka tumakbo na kayo at magtago sa ilalim ng palda ng mga nanay niyo. Ganun kasama.

Kahit ilang beses kong isara bukas ang mata ko at kuskusin ng paulit-ulit hanggang sa maramdaman kong konti na lang magdudugo na ang mata ko, nakikita ko pa rin siya.

Ang hindi ko lang maintindihan, sa pagkakasabi sakin ni Allison, sa pagkakatanda ko, ang makakatulong lang ang makakakita. Eh bakit pati tong kaibigan ni Allison nakikita ko na? Wag niyong sabihing----

Nagtaasan ang mga balahibo ko.

Kung ganito ang feeling ng bukas ang third eye.. t*ng na, BULAGIN NIYO NA LANG AKO.

“W-Wag kang lalapit! W-wag kang lalapit!” tinaas ko ang dalawang kamay ko ng pa-cross sa pag-aakalang meron akong shield na mabubuo sa ginawa ko. Nakita ko kasi siyang papalapit sakin.

Nakanuod na ba kayo ng horror na papalapit yung mga multo sa bida? Dati pinagtatawanan ko lang ang mga reaksyon ng mga bidang nilalapitan ng mga multo sa horror movies. Nakakatawa naman kasi talaga yung mga itsura nila pero ngayon, ngayong alam ko na ang pakiramdam at kung yun acting lang itong nararanasan ko totoo at para sa lahat ng pinagtawanan kong horror movies;

The grudge

The ring

Insidious

Coming soon

At marami pang iba... tropa pasensya na nakakatakot pala talaga ang feeling.

Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa. Aba kita mo nga naman, habang halos maihi na ko sa takot nagawa pa ko tawanan ng mga multo! Ibang klase.

“Hi Adrian, ako nga pala si Janine.” Pagpapakilala ng kaibigan ni Allison.

Umatras ako ng kaunti at binaba ang naka-cross sign kong mga kamay. Tinanguan ko lang siya at hindi na ko nagsalita. Kahit wala naman tao sa paligid hindi pa din ako sumagot, ano bang masasabi mo pag multo kaharap mo? Eh halos malunok ko na dila ko sa takot.

“Salamat in advance sa gagawin mo.” Sabi niya na nakangiti.

Natigilan ako saglit. Teka, anong sinabi niya?

“Adrian, ginusto mong tulungan si Janine kaya nakikita mo na siya.” Singit ni Allison. Nakita niya ata ang pagtataka sa mukha ko.

“Ahh. T-teka. Nabingi ata ako. Anong sinabi mo?”

Napatawa si Allison,”gusto mong tulungan si Janine kaya mo na siya nakikita.” Pagpapaliwanag niya.

Nakasinghot nga ata talaga ako ng masamang hangin. “Kelan? Pano? Wala akong sinabing tutulungan ko siya!” galit na sigaw ko.

Nagulat silang pareho sa pagkakasabi ko. Hindi ko na kasalanang madisappoint ang kaibigan ni Allison o pati din si Allison pero wala talaga akong sinabing tutulungan ko siya. Peksman, mamatay man. Binabawi ko na yung mamatay man. Peksman na lang pala. Hehe.

“Hindi mo sinabi Adrian. Ginusto mo.” Seryosong sagot ni Allison na biglang naging nakakatakot ang itsura niya.

Ginusto?

Nakaramdam ng awa para sa kaibigan niya OO, pero hindi ko ginustong tulungan siya. Kung si Allison nga hindi ko matulungan dinagdagan pa. Talaga namang buhay ‘to o.

Hinawakan ni Janine sa braso si Allison na parang pinipigilan niya ang kaibigan. “Okay lang Allison. May iba pa namang paraan... siguro.” Malungkot na saad ni Janine.

Para naman akong sinuntok sa tyan ng marinig ko ang sinabi ni Janine. Tumingin ako kay Allison, binibigyan niya ko ng itsurang ang-sama-sama-mo-Adrian. P*cha ang hirap nga maging mabait. Baka sa susunod magising na lang ako lahat na ng multo nakikita ko na.

“Sige na! Alisin niyo na yang nakakatakot na itsura sa mukha niyo. P*cha ano bang gagawin ko?” inis na tanong ko.

“Salamat Adrian! Salamat talaga!” nang susubukan ni Janine na lumapit sakin para yakapin ako na hindi naman talaga niya magagawa dahil tatagos lang siya sakin pinigilan ko pa din siya.

“Hep. Hep. 10 meters away sa inyong dalawa. Mahirap ng magmukang baliw.”

Natawa na naman silang dalawa.

Napatingin ako kay Allison. Nakangiti na siya sakin, yung ngiting parang nagsasabi na salamat Adrian, the best ka talaga.

Napahawak ako sa dibdib ko. Imagination ko lang ata pero parang tumalon puso ko.

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon