Chapter 2: Allison

1.7K 71 2
                                    

Chapter 2: Allison

Allis’s POV

Naglakad ako papasok sa kwartong para na ring akin. Natigilan ako ng makita ko siyang binubuksan ang daan papunta sa basement. Sino siya? Ngayon ko lang siya nakita dito. Ang alam ko walang anak na binata ang pamilya nila Mr. Ramirez kaya sino siya?

Hindi kaya magnanakaw siya? Hala! Anong gagawin ko para matulungan sila Mr. Ramirez? Takutin ko kaya siya?

Lumapit ako sa may likuran niya at sinubukang magsalita.

“ Psst. Sino ka? “

Nakita kong napatigil siya sa kinaluluhuran niya. Narinig niya ko? Please. Sumagot ka kung naririnig mo ko.

Pero hindi siya sumagot. Nagstop lang siya dun ng ilang minuto then tumayo na din siya.

“ Hays. Hindi niya ko naririnig. Bakit ko pa kasi sinusubukan kausapin ang mga tao dito eh hindi naman nila ako sasagutin kasi hindi nila ako naririnig ni hindi nga nila ako nakikita eh. Bahala na! “

Hindi ko matutulungan sila Mr. Ramirez kung magnanakaw man tong lalaking to. Hays.

Nakita kong napatigil na naman yung lalaki. Naririnig niya ba ako? Ini-ignore niya lang siguro ako?

Dahan dahan siyang lumingon tapos biglang nanlaki yung mga mata niya sabay sigaw. Nagulat ako sa kanya pero napangiti ako.

Nakikita niya ko! Narinig niya din ako! Kahit magnanakaw siya o kung sino man siya. Wala na akong pakielam basta ang alam ko matutulungan niya ko kasi nakikita at naririnig niya ako!

“ Nakikita mo ko? “ natutuwang tanong ko sa kanya.

Binigyan niya ko ng itsurang ‘ anong-kala-mo-sakin-bulag?’

“ Hindi. Hindi kita nakikita. Kaya nga ako sumigaw. “

Di ko pinansin yung pagkapilosopo niya basta natutuwa akong nakikita niya ko. Pero bakit parang hindi siya takot sakin?

“ Hindi ka takot?”

Binigyan na naman niya ko ng itsurang ‘ako-matatakot-sayo?’

“ Bakit ako matatakot. Multo ka ba? “ tanong niya sakin.

Pinigil ko yung tawa ko. Hindi ba halatang multo ako? Umikot ako sa harap niya na parang ballerina na nakahawak sa dress ko sabay kindat ko sa kanya. “ Multo ako. Hindi ba halata? “

Umiling iling siya tapos tiningnan niya ko na parang nababaliw na ko o may sira ako sa ulo.

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon