Chapter 14.5: Adrian

1K 49 3
                                    

Adrian's POV


Unti-unti siyang nawala sa paningin ko. Parang isang hangin na dumaan, binigyan ako ng chance na huminga pero agad ding umalis.

Ilang minuto din akong nakatayo sa kinatatayuan niya bago siya nawala. Hindi ako makapaniwalang wala na siya. Hindi ko man lang nalaman kung ano talaga ang rason niya. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng tuluyan sa kanya. HIndi ko man lang nasabi na.... gusto ko siya.

P*cha! Nagkagusto ako sa isang multo! Nakakatawang isipin pero yun ang totoo. Tuluyan na kong nahulog sa baliw na multong yun pero ngayon wala na siya.

Baliw na nga din siguro ako, naisip ko kasing baka.. kung sakali.. pwede kaming dalawa.

Anong akala mo Adrian? Pwedeng maging kayo? Buhay at isang kaluluwa? Isang malaking joke. Ang gusto mong mangyari ay kailangan ng isang malaking himala.

Pinagmasdan ko ang pamilya Lacrosa at ang anak nilang parang himala na nagising matapos mawala ni Allison. Hindi naman kaya si Allison ang anak nila? Pwede ba yun, magkaiba yung mukha? Ibang iba ang itsura ni Allison sa babaeng nakahiga sa kama. Kaya napakalabong ang kaluluwa ni Allison ang pumasok sa katawan ng babaeng ito.

Matapos tingnan ng doctor ang babae ay kinausap nila Mrs. Lacrosa ang doctor sa labas. Naiwan kami ng kambal niya sa loob. Kahit kambal ang dalawa ay malaki ang pagkakaiba nilang dalawa. Hindi sila yung identical twins na madalas pag kambal.

Lumapit sakin si Aliyah at hinila ako papalapit sa kapatid niyang nakatingin sakin.

"H-hi?" nagdadalawang isip na bati ko sa kanya.

"Ali siya ang nagligtas sayo." sabi niya sa kambal niya na nakatingin ng mabuti sakin. Napakunot ako ng noo. Anong itinawag niya sa kambal niya?

"T-thank you." sinubukan niyang magsalita kahit tunog yero ang boses niya. Hindi sa nanlalait ako pero ganun talaga siguro pag matagal kang walang malay.

Napakamot ako sa ulo, "walang anuman. Adrian Ramirez." pagpapakilala ko sa kanya.

Kahit nahihirapan siya ay pinilit pa din niyang ngumiti at inalahad ang kamay niya para makipag hand shake. "Allison Lacrosa. Nice meeting you." sabi niya.

Para akong napako sa kintatayuan ko ng marinig ko ang pangalan niya.

Allison....

Allison ang pangalan niya.

Pwede ba talaga mangyari ang ganito?

Siya ba si Allison? Siya ba ang Allison ko?

"Allison?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Napatawa siya. "Hindi ba bagay sakin ang pangalan ko?" tanong niya.

"H-hindi naman. Parang nakilala na kasi kita dati." sagot ko sa kanya.

Tinitigan ko siyang mabuti. Hindi naman pwedeng magkaiba ang mukha ng kaluluwa sa pisikal niyang katawan.

Napangiti siya, "ako din. Feeling ko nakasama na kita. Which is weird kasi wala akong kahit anong maalala."

Siya nga... siya nga si Allison ko.

That girl is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon