Am I too fast?
Chapter 9
Smile. You'll never know who's falling for it.
Says the internet ad. Ad yata ng isang brand ng toothpaste.
Nagba-browse ako ng messages ko sa yahoo. And out of nowhere... that suddenly popped out. Napangiwi ako.
How can I fucking smile right now? Second week na ng July at feeling ko hindi na matatapos mga dapat gawin sa office.
From tickets down to new brochures for travel packages. How can I flash my fucking smile right now? You tell me.
Dapat ngayon nasa bakasyon na ako. Dapat ngayon may tan lines na ako.
Dapat ngayon nagpapasungkit ako ng buko sa mga pinsan ko sa Tambobong. Dapat ngayon, syinusyota ko na ang dagat pero hindi.
I'm stuck here. With all these paper works.
Tinignan ko iyong sarili ko sa salamin, "Lalo ata akong pumayat." Bulong ko.
"BULAGA!"
"OH MY GOD!"
ALLAN GARCIA TENG. YOU STUPID MONKEY!
"What is wrong with you beng?! Jeezzz. You scared the shit out me," bulalas ko. Tawa nang tawa ang bruha.
I leaned into my table while holding my chest. Leche mamamatay ako sa kakagulat sa'kin ng baklitang 'to.
"Ano bang binubulong bulong mo dyan? Para kang tanga, eh," Umupo siya sa couch at nagbasa ng magazine.
Seriously? Ako lang ba ang busy sa opisinang ito? Bakit halos lahat sila petiks? Bakit ako lang ang mukang haggard at nasi-stress?
"Why are you here? Tapos mo na ba iyong balance sheet na binigay ko? You need to record the initial statements tapos ipasok mo na sa ledger," Untag ko habang bumalik ako sa ginagawa kong brochure.
"I'm done with everything madame," Sabi niya nang wala sa sarili. He's reading a Cosmo Mag for God's sake.
"What? As in everything?" Gulat kong banggit.
"Yes. Y.E.S. Everything. All reservations are paid. Trial balance sheets are finalized. Talked to Mr. Reyes for the tickets. And I fired Julie already."
"What?! Why did you— are you serious?!" Napatayo pa ako sa sobrang gulat.
"Of course not! Why will I fire her. Imbyerna lang ako sa kanya kasi ang kinis niya. Buti nalang hindi ganoon kaganda makinis lang talaga." He stood up and reached for my cellphone.
"Ilang buwan mo nang hindi chinacharge itong iphone mo? Sabihin mo lang girl ha? Ipahingi mo nalang sa akin kung hindi mo na trip mag cellphone."
"Three weeks palang naman grabe ka."
Three weeks ko na pala hindi ginagalaw iyang cellphone ko. Bitbit ko lagi pero hindi ko alam wala na palang battery life.
'Ba yan. Ang bilis ng araw pero bakit kapag nasa opisina ako parang one day is equivalent to 400 working hours?
Ang hirap kumita ng pera. Gusto ko na talaga magbakasyon.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
ChickLitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...