First of all, I'd like to mention some of my lovely readers. Na nagtityagang maghintay ng updates. Haha. Kay SamsaiSalip , JolibeeLagmay , and jhokeith . Kahit silent readers iyong iba at minsan votes lang, ayos pa rin! You inspire me a lot to finish this and make more stories in the future. :) Thank you!
Tequila shots.
Chapter 48
It's terrifying. Love is terrifying.
Because there will come a point in your life... that you will fall in that kind of love that takes a long time to get over.
I guess I'm at that point. Kaya ko ba? Kaya ko bang pakawalan ang lahat lahat ng tungkol sa kanya?
Kaya ko. Kaya mo, Aemy.
"Iba ka talaga, Fontelera," untag ng isang boses sa likuran ko. Umiiling siya habang paisa-isang pumapalakpak.
Nilingon ko siya at agad akong napangiti, "Hay nako, Onixx..." umirap ako saka tinuloy ang pagre-retouch.
"Sabihin mo, paano ka namin papalitan kung ganiyan ang pinapakita mo?" Naglakad siya palapit sa akin habang nakapamulsa.
Napangiwi ako at agad ding ngumisi. Nagpatuloy ako sa pag aayos. Ayaw kong mahalata niyang umiyak ako pagkatapos kong kantahin ang finale song sa stage. Oo... Hindi ko napigilan ang luha ko kanina sa nakita ko.
Dumiretso ako dito sa harap ng salamin pagkatapos na pagkatapos ng performance ko. Nandito kami ngayon sa maliit na quarters ng banda.
"Huwag ka nang mag-ayos. Lalo kang gaganda. Lalo kang mapapansin," dugtong niya. Lumingon ako saka umirap sa kawalan. Binalik ko ang make-up kit sa bag.
"Kung maganda ako edi sana may pumipila na para manligaw," pahalakhak kong sabi.
"Matagal na akong nakapila," sagot niya. Seryoso ang tono.
Napatigil ako dahil doon at nilingon siya. Ngumiti ako.
"Puro ka biro!" sagot ko. Like what I always say, I don't like awkward situations. Inagaw ko ang braso niya at iginiya sa exit.
"Tara na sa labas. Baka hinahanap na tayo nina Lheoj," dugtong ko. Umirap lang siya at nagpahila sa akin.
Nabigla ako nang kalasin niya ang pagkakahawak ko sa kanya. Hinila niya ako para akbayan. Tumingala ako habang nakadungaw siya sa akin.
"Oh, huwag kang magreklamo diyan. Akbay lang naman, eh," sabi niya habang nakangisi.
"Nagreklamo ba ako?" Sagot ko. Umiling ako at ngumiti. Naglakad kami nang sabay papasok sa bar kung saan naroon ang mga bisita ni Stanley.
He's the affectionate type. Kaya lang sa halos araw-araw ng pagpapakita niya ng pag-aalaga at espesyal na atensyon, hindi ako nakaramdam ng kahit ano. Kahit sa tingin ko naman... Hindi siya mahirap mahalin.
Kung kaya ko lang burahin lahat ng nararamdaman ko para sa taong dapat ay nasa nakaraan na. At kung kaya ko lang piliin kung kanino dapat makaramdam ng pagmamahal, siya na siguro ang pipiliin ko.
But love will never work that way. It will always suprise you with its own choices.
Kahit kailan, hindi mo hawak ang roleta ng pagibig. Kusa mo nalang malalaman kung saan ka tumapat. At wala kang magagawa, dahil kung saan titigil ang roleta... Doon ka.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
ChickLitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...