Chapter 5

4.3K 114 94
                                    

Are you still there?

Chapter 5


I need every detail to sink down into my system.



So single 'yon.
Single si Vince Earl?
Single siya?!


That means,



Wait. Ano ba tong iniisip ko? Bakit ko iyon iniisip? Ang landi landi mo, Aemy!



Tumayo ako at kumuha ng tubig sa dispenser. Halos hindi ko na malunok iyong mga sinubo ko dahil sa mga narinig ko. Ininom ko iyong isang basong tubig na parang walang bukas.



Ayan, Aemy! Nanghusga ka kasi agad ng tao! Ni hindi ka nagtatanong!



Pero paano kung hindi niya naman ate iyong kasama niya sa building? Paano kung hindi na siya single at nahuli lang sa balita si Jaycee?




Ewan! Eh ano naman kasi sa'kin ngayon 'di ba?



"Uy beng!" Niyugyog ako ni Allan. "Okay ka lang ba? Bakit tulala ka dyan? Don't tell me you're thinking about Raunald again ha? Move on na beng, okay?" Seryoso niyang sabi sakin habang nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko.




Saka lang ata ako nakabalik sa senses ko no'ng sinabi niya 'yon.



"What? Are you serious? Why will I think about him?? Of course not!" Parang diring diri ako pero totoo naman kasi.



Why will I think about him? Ni hindi na nga siya nagparamdam mula no'ng gabing sinabi sakin ni mommy na pumunta siya sa bahay e. Bakit ko siya iisipin?



Pumasok na ako sa office ko. I just made myself busy doing reports and financial statements.



Blurry thoughts are bothering me.




Hindi ko alam kung ang iniisip ko pa ba e si Raunald o iyong mga inisip kong kagagahan tungkol sa Vince Earl na iyon.




Ano ba Aemy! Will you get your stuff together now? Will you?

....

9 PM na ako nakauwi galing opisina. I called for an urgent meeting before going home. Spell STRESS.



Paano ba naman kasi tong si Cherry, isa sa mga empleyado. She approved reservations. Guess what? Hindi pa bayad.



Kinailangan tuloy namin ayusin iyong mga 'yon. Sinermonan narin sila ni Allan tungkol do'n. Hindi na ako nakialam kasi sasakit lang lalo ang ulo ko.



Nag aya sila ng dinner ni Jaycee pero hindi na ako sumama. I don't really feel like eating dinner tonight. I don't know, maybe I just ate too much. Wala nang kalalagyan iyong kakainin ko pag nagdinner pa ako.



I immediately went inside my room. Humiga ako agad at kinuha ko 'yong laptop ko. Mag fi-facebook nalang ako or magtu-twitter para mawala 'tong stress ko.



Nag log in ako sa facebook, sa kabilang tab nag log in din ako sa twitter.



Facebook: 20 notifications. 6 friend requests. 5messages.



I clicked for notifs. Kung hindi tagged photos ng mga college friends ko from our Palawan trip, eh puro game requests. Ano ba yan. Kaya ayaw ko nag fi-facebook e.



I checked my messages. Puro requests for reservations or follow up para sa mga tickets. Mamaya ko na rereplyan. I don't even entertain messages like these on facebook. Dapat sa email ad ko sila magmessage e. Tsk.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon