The only issues.
Chapter 53
I already made up my mind. Aalis ako ulit.
Sapat na sapat na lahat ng narinig ko. Sapat na iyon para masabi kong wala nang dapat pag-usapan.
I'm already closing this chapter. I'm leaving all the luggage I've been carrying for years.
Pinapakawalan ko na ang nararamdaman ko. Pinapakawalan ko na lahat ng ala-ala. Pinapakawalan ko na siya.
"Kung mag o-online work ka sa financial statements natin, mahihirapan ka. Hihintayin mo lahat ng entries hanggang matapos ang araw," untag ni Allan habang nakadungaw ako sa labas ng bintana ng office.
Nandito ako sa FG ngayon. Dinalaw ko sila bago man lang ako bumalik ng Baguio bukas.
"Okay lang. Wala pa naman akong gagawin sa Baguio. I accepted Kaffeklatsch's offer, though. Magsi-set ako nang mag-isa three times a week," sagot ko nang hindi nakatingin.
"Hindi mo na talaga kayang bitawan ang pag-kanta, 'no?" nilingon ko agad si Allan nang sabihin niya iyon.
"Well... Hangga't kaya ko pang tumugtog at kumanta," nagkibit balikat ako saka ngumiti. Umupo siya sa tabi ko.
"Gano'n talaga... May mga bagay na hangga't kaya mo pa, hindi ka muna bibitaw. At kung nakaramdam ka ng pagod, hindi mo din naman dapat bitawan agad. Magpahinga ka lang. Pero huwag ka munang bibitaw," nagtaas-baba ang kanyang mga kilay habang nakangiti.
Alam kong may gusto siyang iparating pero hindi ko na iyon pinansin. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan.
"Ma'am Aemy, may naghahanap po sa inyo sa ibaba. Miss Audrey Constanilla daw po," ani Joan.
Nagtinginan kami ni Allan. Bahagyang namilog ang mga mata ko. Si Allan naman ay umirap sa ere.
"T-Tell her I'll be there in a minute, Joan. Thanks," utos ko sa kanya. Tumango siya at saka sinara na ang pinto.
Nakaramdam ako agad ng kaba. Bakit? Hindi ko alam. Ano namang gagawin niya dito?
Kung dahil ito sa pag-alis ko ay imposible. That's not her concern anymore. She doesn't own the bar.
I even sent my lawyer regarding breach of contract issues. Mismong si Stanley ang nagsabi sa abogado kong hindi na kailangan. That I'm free to go.
So why is she here?
"Anong drama niya at nandito siya sa FG? Don't tell me friends na kayo ha? Nako Aemy. Masokista ka ba? Sasabunutan talaga kita," ilang beses siyang umirap sa akin.
"What? Anong friends? We don't even talk that much. Hindi ko alam bakit siya nandito," nagkibit balikat ako saka tumayo. "I'll just check her out," naglakad ako palabas ng pintuan.
Nang nasa ikatlong staircase na ako pababa ng lobby ay agad kong naaninaw ang matangkad na si Audrey.
Her pixie hair really suited her body built. Slender siya at maputi. Kahit nakatalikod siya ngayon ay masasabi mong maganda talaga siya.
No wonder... No wonder why he liked her.
Napabuntong hininga ako nang malalim bago naglakad uli pababa. Kahit naka-flat sandals lang ako ay ingat na ingat ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
Chick-LitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...