I'll fix this.
Chapter 37
Sinabi ni Stanley kina daddy na isinama niya ako sa Borneo at nag-stay kami sa resort kahapon hanggang ngayong gabi.
Sinabi din niyang kasama namin ang ilang empleyado ko at mga babaeng kaibigan niya. Tumango-tango nalang ako at palihim na napapakuyom ng kamay.
I lied to my parents. Indirect iyon dahil pagtango lang ang ginawa ko. But still!
"I can see that you're interested to my daughter," pambasag ni daddy sa katahimikan nang naging abala kami sa pag-kain. Hindi siya nag-angat ng tingin. Patuloy niyang hinihiwa ang steak sa kanyang harap.
Agad akong napatigil at bahagyang lumaki ang mga mata ko. Nilipat-lipat ko ang tingin kay mommy, papunta kay daddy at kay Stanley habang naghihintay ng sagot.
"I'm afraid I'm beyond interested," kinagat niya ang pang-ibabang labi niya saka bumaling sa akin. Napalunok ako. Agad nag-init ang pisngi ko.
"If I have to court her parents to prove my sincerity... Then I would, sir," lumingon si Stanley kay daddy na ngayon ay nakapatong ang dalawang braso sa mesa. Pinagsiklop niya ang mga ito.
Goodness. Laking pasalamat ko nalang talaga at hindi niya inaming kami na at siguradong mas lalo siyang gigisain.
Kinakabahan ako sa mga linyang lumabas sa mga bibig nila. Tumango-tango lamang si daddy sa narinig at suminghap nang malalim bago nagsalita.
"So what do you do, Stanley?" Tanong ni daddy. Pang-limang tanong na niya ito. Hindi ko na maalala kung ano pa iyong ibang tanong dahil sa sobrang kaba.
"I'm managing a bar, sir," sagot nito. Mataman siyang tumingin kay daddy.
Dad is still wearing a poker face. Sinusuri niyang mabuti ang bawat galaw ni Stanley at masasabi ko namang maayos ang pakikitungo nito sakanya.
Nakakapagtaka namang si mommy ay tahimik lang na nakikinig sa usapan at nakayuko lang habang kumakain. Nangingiti lang siya sa tuwing may nakakatawang sasabihin si Stan.
"That's good," tumango-tango si daddy, "nag-invest ka ba para doon?" Nagpunas siya ng labi gamit ang dining hanky sa kanyang lap.
"Well, sir. Me and my brother inherited the business. It's originally a restaurant but we expanded it and added a bar extension. I manage the bar. My twin manages the restaurant," sagot ni Stan. Nagpunas din siya ng labi at bumaling sa akin. Ngumiti siya kaya't sinuklian ko rin siya ng ngiti.
"Brother? Maganda iyan. Engaged kayong dalawa sa business..." Nag-kibit balikat si dad. Nagpatuloy siya sa pag-kain.
"Thank you, sir." sagot ni Stan. He sipped on his glass of wine.
Ilang sandali pang napaisip si daddy nang bigla uli siyang nagsalita.
"Twin? You have a twin brother?" Medyo kumunot ang noo nito at matamang nakatingin kay Stanley.
"Yes, sir. I have a twin—" hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Dinukot niya iyon sa kanyang bulsa at sinilip ito. Bumaling siya sa akin, saka nilingon si dad.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
ChickLitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...