Chapter 56

2.3K 59 30
                                    

A kiss will do.

Chapter 56


"You're my peace of mind...
In this crazy world. You're everything
I tried to find... Your love is a pearl...
You're my Monalisa, You're my rainbow sky.
And my only prayer is that you realize...
You'll always be beautiful, in my eyes..."



Naiinis ako dahil hindi ko magawang hindi tumitig. Kahit gusto ko pa sanang hindi ipakitang gusto ko nang bumalik, tinatraydor ako ng katawan ko. Ng mga mata ko... Ng mga ngiti ko...



Sa akin nakatuon ang mga mata niya. Iyang mga matang 'yan... I never knew second chances are still on fleek nowadays. I always believed that it's such a lame thing to believe in.



But two years... Two years already past but no one has ever came close to him. He's still the very same picture of my first morning and the last evening thought.



This feeling is irrevocable. Tanggap na tangaap ko na sa sarili kong hinding hindi na ako magmamahal pa ulit ng ganito katindi. Ng ganito katagal.



I loved him when he was mine. I loved him even more when I lost him. Now that he's finally here again, nabaliw na naman ang walang yang organ sa dibdib ko.



"You will always be...
Beautiful in my eyes. And the passing years will show...
That you will always grow,
Ever more beautiful... In my eyes."


Natapos ang kanta ay agad akong yumuko para patakasin ang tubig sa gilid ng kanang mata ko. Pinalis ko iyon agad at bumaling muli sa kanya. His smile is contagious. Napangiti din ako.



Pumalakpak ang buong coffee shop. Ganoon din ang ginawa ko.


"Miss! Sagutin mo na! Baka agawin iyan sa Session Road, sige ka!" sigaw ng isang babae galing sa grupo ng mga kolehiyala sa itaas.


Nginisian ko lang sila. Bumaling ako kay Stanley at naabutan ang mapupungay niyang mga mata na nakatitig sa akin. Mahina akong ngumiti.



"You heard them?" nginuso niya ang second floor, "Someone might steal me kung hindi mo pa ako sasagutin," pinaalon niya ang kilay niya.



Hinampas ko siya at inirapan, "Bakit? Magpapanakaw ka ba?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.



"'Course not," ngumiti siya, "You've marked me years ago. Stealing me has no use."



May kung anong gumapang sa kabuuan ko nang sinabi niya iyon. Gustong gusto ng tenga ko. Pakiramdam ko iyon ang pinakamagandang soundwave na dumaloy doon.



10:30PM natapos ang set. Pinilit ko siyang ako nalang ang mag-gitara pero napag-alaman kong nag-apply pala talaga ang sira-ulo kay Miss Setty. Wala akong masabi sa determinasyon niya.



Nandito na ako sa backstage para kunin ang mga gamit ko. Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin at naalala ko na namang pareho kami ng suot.



Naisip ko kung destiny pa ba ang gumagalaw dito o sinuhulan niya ang mga bugaw kong kaibigan para magtanong tungkol sa damit na susuotin ko.



Napailing nalang ako habang inilalagay sa balikat ko ang sling bag na tanging dala ko.



Pagkapasok ko uli sa coffee shop ay nagpaalam na ako kay Miss Setty. Tumango siya.


Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon