You're my favorite.
Chapter 33
"Let me see your phone," sabi niya habang pareho kaming nakatingala sa mga bituin. Nandito kami ngayon sa Lucap Wharf at nasa ibabaw kami ng Civic ko.
"Huh? Why? What for?" Sagot ko. Tinagilig ko ang ulo ko at nilingon siya.
Kakainis! Kahit naka-sideview, ang gwapo parin. Ugh.
"Don't ask. Come on, just give it."
"Aish," tumingala ako uli sa mga bituin.
"Di mo ibibigay? Huh? You sure with that?" Kiniliti niya ako kaya't napabalikwas ako sa pagkakahiga.
Asar akong tumingin sakanya at hinampas ko ang tuhod niya.
"Ibibigay naman bakit kailangan mangiliti!" Reklamo ko. Humahalakhak parin siya.
He gestured his hand like he's waiting for me to give him my phone. I lazily picked my phone from my pocket Tamad ko ring iniabot iyon sa kanya.
Hindi ko siya nilingon. Tumitig ako sa mga bangkang may munting pailaw at tila mga bituin na nakahilera sa dagat.
"Good girl," sabi niya. Napabaling ako.
Naaninag ko ang mukha niyang nasisinagan ng ilaw ng buwan habang nakangiti. Kinakalikot na niya ang cellphone ko.
Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. May kung anong bumabagabag sa akin. Hindi ko maintindihan.
Para bang kalakip ng pagkagusto ko sa kanya ang mga bagay na kailangan kong lampasan. Para bang kasama no'n, kailangan kong makaramdam ng sakit.
Ni hindi ako sigurado kung makakaya ko iyong pagdaanan. Ni hindi ko alam na ganito pala kalalim ang nararamdaman ko sa kanya, at hanggang ngayon, hindi ko masabi kung kakayanin ng puso kong ipaglaban siya hanggang huli.
Mahal ko siya, pero hindi katulad niya, hindi ko alam kung wala nga bang limitasyon iyong nararamdaman ko.
Ngayon palang, naninimbang na ako. Ngayon palang, iniisip ko na ang mga problema namin sa pamilya. At nasasaktan ako.
I'm not that equipped to fight for this. I feel so weak. I claimed him, I did. Dahil gusto kong iparamdam sa kanyang kahit masyadong mabilis ang mga nangyari ay mahal na mahal ko siya.
Pero hindi ko alam kung makakaya kong panindigan iyon. Lalo na kung usapang pamilya na.
Parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin ako sa kanya ngayon.
Mahal na mahal ko siya at ikamamatay ko kung dumating ang araw na kailangan kong mamili.
Sa loob ng dalawang linggong halos bente-kwatro oras sa araw araw kaming magkasama ay ramdam ko ang pagtutol ng ibang tao sa paligid namin.
Lalo na ang daddy niya. Wala kaming binanggit na kami na sa kahit kanino maliban sa malalapit na kaibigan.
Because of that, the urge of my cousin to get Stanley just got stronger. Kitang kita ko rin kung paano itulak ng daddy ni Stanley na magkaroon sila ng relasyon ni Sav.
Kailan lang din ay nalaman kong ang dahilan kung bakit kami umalis ng Mirant sampung taon na ang nakalipas ay dahil sa kay Mr. Montemayor.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
ChickLitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...