Chapter 2

5.5K 154 94
                                    

So, that's his name.

Chapter 2


I'm on my way to Jaycee's condo. Yes. The bestfriend's boyfriend.




Tinawagan ko kanina si Allan at sinabi niyang pwedeng do'n na muna ako magsleep over sakanila. Inaya narin kasi nila akong mag chill sa condo nilang dalawa.




Yes, again. Condo nga pala nilang dalawa 'yon. Technically, kay Jaycee. Pero dito naman na tumutuloy si Allan, so parang gano'n narin iyon.




Minsan naiinggit ako sa bestfriend ko. College palang kasi kami, sila na ni Jaycee. At sobrang sweet! Lalanggamin kahit sinong tumabi sakanila.




Wala pa akong naging matinong karelasyon, kung hindi ako nagsasawa agad, nagbe-break kami kasi ang daming pagkakaiba.



I guess relationships are always about working out differences. Iyon ata ang naging kulang.



Ngayon lang talaga ako naloko. Nakakainis mang isipin pero tapos na. Nangyari na.



Naisip ko tuloy, siguro hindi ko pa siya makikilala. Iyong sinasabi nilang Mr. Right. Nasa'n kaya siya?




Nakasalubong ko na kaya? O nakausap ko na kaya siya? Minsan iniisip ko, gusto ko na siyang makilala. Pero makakapaghintay pa naman ako.




Paakyat na ako ng condo unit nina Jaycee at Allan at habang nasa elevator ako, nagring 'yong cellphone ko. Nagflash sa screen ang pangalan ni mommy, sinagot ko agad.





"Hello mommy? Nandito po ako sa condo ni Allan nag—"





"Galing si Raunald dito." Pinutol niya agad 'yong sinasabi ko. She sounded serious. Holy shit. Raunald? What the hell?





"Anong ginawa niya dyan? Did he say anything?"





"He was crying. He said you broke up with him. Aemy what exactly happened? Umuwi ka muna dito."





"No! No mommy. I can't go home now. Magpapalamig muna ako dito kay Allan. I'll tell you everything when I get home tomorrow. Okay po?"





"Aemy! Aem—" Hindi ko na tinapos iyong sasabihin ni mommy.





If I did not end the call I will surely just go home and explain everything to her. Sigurado hindi ko matatanggihan 'yong nagging niya at uuwi nalang ako kaysa marinig siyang dumadada sa phone.



At ang kapal naman talaga ng pagmumukha ng Raunald Angelo Sy na 'yon! Ang sarap balatan!



Tumunog ang elevator. Hudyat na nasa tamang floor na ako. Nasa 8th floor 'yong unit ng lovers. Kumatok ako at two minutes na wala parin nagbubukas.




"What the hell? 6 PM-after-shift-ES? Really?" Bulong ko sa sarili ko.




Ewan ko kung naiinis ako dahil ang tagal magbukas ng pinto o naiingit ako sa dalawang bruha.




Bumukas din pagkatapos ng isang minuto. Bumungad sakin si Allan, half naked. Niyakap ako agad.



"Hi beng! Omg what happened? Did you kill the bitch? Did you burn the asshole alive?! Tell me!" Lukaret talaga 'tong bestfriend ko.




"No! Ofcourse I didn't. Pinahiya ko lang sila sa lahat ng tao. Why would I kill them? As mush as I want to. Ayoko makulong. I have so many plans. So many dreams to pursue. Killing worthless people and going to jail is not one of those dreams." Napangiwi ako at ngumisi din pagkatapos.





Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon