You will not.
Chapter 51
"Hello? Andro?" bati ko sa kanya. Tinawagan ko siya agad pagkatapos ng set.
"Oh, Aemy. Napatawag ka?" Sagot niya sa kabilang linya.
"Ah kasi itatanong ko lang iyong kotse ko. Saan ko pwedeng sunduin? Sabi kasi ni Stanley ikaw ang nagpa-tow, eh."
"Ah, oo! Sa Lacambra, Aemy. Pero..."
"Pero...?" Buong pagtataka kong tanong.
"Naihatid na rin namin kanina pa sa bahay niyo. Sabi kasi ni lover boy ihatid na namin agad pagkatapos maayos. Nag-overheat lang ang baterya. Okay na siya," sagot niya at saka bahagyang humalakhak.
Lover boy? Napangiwi ako. Ang corny ni Andro kahit kailan.
"A-Ah ganoon ba? Oh sige. S-Salamat ha? Kay Stanley ko nalang babayaran,"
"Babayaran? Nako, Aemy!" Humalakhak siya, "Huwag mo nang bayaran! Mamaya magbeastmode iyon uli. O siya sige, maraming customers dito sa Maxine's. Babye!"
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa pagbi-beastmode ni Stanley. Ano namang kinalaman no'n kung susubukan kong magbayad? Nakakahiya. Kotse ko pa rin iyon at hindi tamang ibang tao ang nagpa-tow at nagpa-ayos.
"Onixx. Lalabas lang ako," paalam ko sa kanya habang nag-aayos siya ng gamit sa quarters. Hindi ko na hinintay kung anong sasabihin niya.
Kailangan kong magmadali. Baka kasi umuwi na si Stanley at hindi ko maihabol man lang ang pasasalamat ko. Pati narin iyong bayad.
Dumiretso ako sa alley na nagkukunekta sa bar at sa quarters. Laking gulat ko nang maaninaw ang matangkad na lalaking nakahilig sa pader malapit sa back door ng bar. Si Stanley.
Bakit siya nandito? Wala namang washroom malapit dito kaya imposibleng may hinihintay siya.
Dahan-dahan akong naglakad. Iningatan kong hindi niya mapansin ang bawat hakbang ko.
I'm nervous. Again. Why? Well basically, the one I'm approaching is Stanley Montemayor. Wala akong ideya kung bakit napapakaba niya ako ng ganito katindi.
Bigla akong napatigil sa paghakbang nang lumingon siya. Umayos siya sa pagkakatayo nang makilalang ako ang paparating.
Nasa bulsa ng kanyang itim na pantalon ang kanyang dalawang kamay. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukhang nakatitig sa akin.
Lumunok ako ng isang beses at kumurap-kurap bago nagpatuloy sa paglalakad. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago nagsalita.
"A-Anong ginagawa mo dito? Hanap m-mo ba si Onixx? T-Tatawagin ko—"
"Hindi ko siya hinahanap," putol niya sa sinasabi ko. Bahagya pa ring nakaawang ang bibig ko. Itinikom ko iyon agad at lumunok.
"A-Ah ganoon ba. N-Nandito ka na rin lang... Gusto ko sanang magpasalamat sa pag-papatow ng kotse ko. At... Babayaran ko sana—"
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
Chick-LitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...