No other eyes
Chapter 35
"No. Change of plan... Yes, two villas. Wha— what? Tell her I'm not around. Until tomorrow afternoon. Dude I'm with Aemy. What the fuck? Yea just do it. Alright."
Nakatitig lang ako sa muscle niyang nagfi-flex habang nakaangat ang braso niya sa kanyang tenga.
Kahit medyo madilim na sa paligid, kitang kita ko iyon. Napasinghap nalang ako.
"Sino iyong kausap mo?" Tanong ko habang pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko. Iginigiya niya ako patungo sa isang rampa paakyat sa yacht na nasa harap namin.
"Andro. Just had to let him take note of some things."
"Okay," tumango ako, "eh sino iyong naghahanap na babae sa'yo?" Dugtong ko. Kahit may ideya ako kung sinong naghahanap sakanya.
"Sav," bumuntong hininga siya at sumulyap sa akin. Napaiwas ako ng tingin.
Oo nga pala. May Sav pa nga pala sa eksena at sinasampal ako ng katotohanang hindi gano'n kalaya ang relasyon namin ni Stanley.
Mag i-isang buwan na. Kahit gusto kong ipagsigawan kung gaano ako kasayang kami na, hindi ko alam kung paano.
"You know I can just tell her right away but you won't let me," pinagsiklop niya ang daliri namin at hinalikan niya iyon. Sinuklian ko lang siya ng mahinang ngiti.
Ni hindi ko pa nabanggit ang tungkol sa hindi pagkakaintindihan ng daddy ko at daddy niya. Should I tell him? I should right? Sasabihin ko iyon sakanya pero sa ngayon, ihahanda ko ang kung anong meron sa amin.
I will seal our relationship with strength. With trust. That whatever the future holds, it's still us. That there will still be us.
Mahina pa ako sa ngayon. Mahina pa ang relasyon namin sa ngayon.
Kung ano mang dahilan ng daddy ni Stanley at napaalis kami noon sa Mirant at kung ano mang galit nito sa daddy ko ay hindi ko alam.
Pinagdadasal ko nalang na sana, sa oras na malaman nila ay huwag kaming madamay.
Si Sav bilang pinsan ko ang tanging ginawa kong dahilan kung bakit ayaw kong ipagsabi kung anong mayroon sa amin. Stanley understands the situation but sometimes, his cocky attitude frights me.
Para bang kayang kaya niyang sirain ang kahit ano para sa relasyon namin. While me, I can't just do that.
Gusto kong pantayan ang lakas ng loob niya but I always chicken out. I'm so weak and it's so disgusting.
Nasa loob na kami ng yacht. Naaninag ko rin ang isang lalaking nakaunipormeng marino na pumasok. Nag-salute siya kay Stanley.
Suminghap ako at bumaling nalang sa dagat sa harapan. Ang kulay kahel na kalangitan ay bumawas sa kabang nararamdaman ko. Even the sea that mimics the sky's color. It keeps me calm.
Ipinatong ko ang kamay ko sa railings ng yacht. Narinig ko na ang makina hudyat na aandar na ito. Bahagya akong nagulat ng niyakap niya ako mula sa likod. Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
Chick-LitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...