I have my ways.
Chapter 23
"Aems, we're here," Nagising ako sa tapik ni Allan.
Agad ko namang inayos ang pagkakaupo ko saka binuksan ang pinto. Dumungaw muna ako sa bintana nilang dalawa bago nagpaalam.
"Samalat sa paghatid. Diretso uwi ah?" Sabay beso kay Allan.
"You tell that to yourself, beng. Diretso ka ng uwi," sabi niya ng may halong panunuya. Kumunot ang noo ko.
"I'm already home you dumbass." sagot ko. Napangiwi ako.
"I know. Pero sa tingin ko hindi ka pa didiretso sa loob ng bahay," Bumaling siya sa likuran ko. He wiggled his eyebrows. Nilingon ko naman agad kung anong tinitingnan niya doon.
Laglag ang panga ko sa nakikita ko ngayon. Nakasandal siya sa gate ng bahay namin habang may hawak na nakasinding sigarilyo.
Stanley?
Pagbaling ko sa mga nasa harapan ko ay nakaandar na pala ang kanilang kotse at ang kaway nalang ni Allan ang naaninag ko. Lumingon ako ulit at napaatras sa gulat. Isang hakbang nalang ang pagitan namin.
"Goodness you scared me," Utas ko habang nakahawak sa dibdib ko.
"Sorry," He smirked. He smirked?!
"Right. You know it's a good thing you showed up tonight because I have loads to ask you and you need to an—"
"Hush," Napatigil ako sa sinabi niya. Ngumiwi ako at napakunot ang noo ko.
"I'll answer all of it, but first..." May kinuha siya sa kanyang likuran.
Itinapat niya iyon sa aking mga mata at muntik na akong naduling sa ginawa niya.
Isang malaking plastic bag na may lamang dalawang shawarma rice, at kung anu-ano pang pagkain.
Hinawi ko ang kamay niya.
"What are these for?" Tanong ko.
"Let's eat first. Midnight snack." Bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya.
"Kumain na ako," Naiiritang sagot ko. Inirapan ko siya.
"You did not. Don't lie to me."
"Look who's talking, huh? You were the one who lied to me. Bakit hindi mo sinabing pati ikaw ay kilala na ako dati p—"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa paghablot niya ng kamay ko. Hinihila niya ako ngayon patungo sa kanyang kotse.
"Hey! What are you doing?! Wala akong susi at hindi ako makakapasok pag lumampas na ng 12 midnight! Tulog na mamaya si manang! Stanley ano ba?" dire-diretso kong sabi.
Tumigil siya at bumaling sa akin pero hawak niya pa din ang kamay ko. Ano bang nakain ng kumag na 'to?
"Will you lower your voice? People are sleeping," sagot niya. Halos pabulong.
"Just let my hand go."
"I won't. I won't do that again."
Napatigil ako sa sinabi niya at sandaling napaawang ang aking bibig.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
ChickLitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...