The only exception.
Chapter 43
MOVE-ON.
Dalawang salita. Napaka-hirap gawin. Nakakamatay isabuhay.
Ito na yata ang pinakamatagal na dalawang taon na lumipas.
Dalawang taon na mula nang nagdesisyon akong umalis. I don't know if I did the right thing.
Basta ang alam ko lang nang mga panahon na iyon, kailangan kong lumayo.
Allan: Nasa Kennon na kami. Camp 6 na yata. Nag-start na ba set niyo? Ang bagal magpatakbo ng kinuhang driver ni Jaycee nakakaloka!
Nireplyan ko siya agad.
Ako: Okay lang. Nandito pa kami sa backstage. Diretso na kayong Concoctions ha? Malapit naman na yang Camp 6 e.
Paakyat sila ngayon dito sa Baguio para manuod ng gig ko kasama ang bago kong banda.
Nakakatawa mang isipin, pero iyong hilig din ng kinakalimutan kong tao ang pinagkaabalahan ko dito sa bundok.
Siguro paraan ko iyon dati para ma-immune na ako sa sakit at tuluyan siyang makalimutan.
Kaya lang... Wala, eh. Lalo lang siyang sumiksik sa bawat tissue ng katawan ko. Tinanggap ko nang hindi pa ako nakausad.
"A, tawag ka yata ni Onixx. Nasa entrance siya," ani Lheoj habang tinu-tono ang string ng bass guitar.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Hindi ko alam? Puntahan mo nalang. Alam mo naman 'yon," nag-kibit balikat siya.
Isang linggo pagka-tapak ko sa bulubundukin ng Benguet, Baguio ay agad akong naghanap ng outlet para makalimot sa lahat ng nangyari sa Alaminos.
Hindi naman na bago sa akin ang lugar. Dito ako nag-college kaya alam na alam ko lahat ng pasikot-sikot.
Nakilala ko si Onixx, Lheoj, Brye, at Asther nang minsang nagawi ako sa Upper General Luna.
Naghanap ako ng maa-applyan ng trabaho at maswerteng naghahanap sila noong mga panahong iyon ng bagong bokalista. March of the Rockers. That's the name of the band.
Inisip ko nalang na hindi ko dapat i-acknowledge ang sakit. Dahil lang sa pagbabanda din ang hilig ng kinakalimutan ko.
Inisip ko nalang na habang nandito ako sa Baguio, malayo ako sa kanya at eventually... Hindi ko na siya maiisip.
Nag-audition ako. Lima kaming pinagpilian noon at umayon sa akin ang lahat ng inimbitahang judges.
Bukod sa dalawa pang sikat na banda dito sa urban places sa Benguet, isa kami sa mga grupo na laging nagsi-set sa mga sikat na elite restaurants, bars, at hotels.
Ngayon, nandito kami sa Concoctions, isang sikat na elite bar. Mamayang alas dose naman ay may gig kami sa Ampersand. Bagong bukas na party house kaya hindi na kami tumanggi.
Nag-enjoy ako dito. Pero ni minsan... Kahit anong iwas ko... hindi ko siya nakalimutan.
Tinanggap ko nalang iyon kahit na alam kong walang kasiguraduhan itong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
Chick-LitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...