Lunar I: Awakening

880 29 4
                                    

Napabalikwas ako ng upo mula sa matigas kong kinahihigaan nang marinig ko ang malakas na tunog ng sirena sa labas. Napakusot ako ng mga mata, iniunat ang mga braso at naghikab.

Umaga na pala...

Ang Atlantika--isang maliit na lungsod na may nasa halos limampung libo ang populasyon. Ang matataas na haligi at makakapal na salamin ang nagkukulong sa hangin upang maipagpatuloy ng tao ang buhay sa ilalim ng karagatan.

 Ang matataas na haligi at makakapal na salamin ang nagkukulong sa hangin upang maipagpatuloy ng tao ang buhay sa ilalim ng karagatan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nahahati ang Atlantika sa dalawang sektor.  Ang Itaas na Sektor, kung saan ganap ang kaayusan at karangyaan. Doon nakatira ang mga namumuno at mayayaman. At ang Ibabang Sektor, kung saan nakatira ang mga trabahador.

Magulo at salat sa karangyaan ang ibabang sektor. Laganap ang kahirapan, gutom at sakit.  Narito ang mahigit nobenta porsyento ng populasyon ng Atlantika.

Ako si Flint Axis. Nakatira ako sa isang lumang gusali, sa dulong bahagi ng ibabang sektor, at ang malakas na tunog ng serena na 'yon ang hudyat ng pagsisimula ng nakakatamad na araw sa trabaho.

Pumasok na naman yung mga insekto sa shorts ko. Kati ng singit ko. Hays.

***

Tahimik ang luma at sira-sirang pasilyo. Pati ang elevator kakaragkarag na kala mo bibigay na anumang oras.

"Sandali!" nagmamadaling pigil ng babae sa papasarang pinto ng elevator.

Halos magtama pa ang mga kamay namin nang natataranta kong pigilan ang pagsara ng mga pinto ng elevator -- Si Lua pala. Ohh, ang crush kong si Lua.

Dali-dali siyang pumasok, tumayo sa tabi ko at nagbuntunghininga.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Diretso lang ang tingin ko sa harap habang nasa tabi ko sya.

Katahimikan ang umiral sa bawat segundong lumipas sa loob ng maliit na espasyong kinatatayuan namin, kasabay ng mga pahapyaw kong tingin at panakaw na sulyap sa mala-anghel niyang mukha. Ang mapupulang niyang mga labi, ang maamo at kulay abo niyang mga mata. Ang unat niyang buhok na haggang balikat. Tila isang diwata ng karagatan. Ako naman ang prinsipe ng karagatan... wait, shokoy ba tawag don?

Araw-araw kong nakakasabay si Lua sa loob ng kakarag-karag na elevator na 'to. Isang paraiso ang bawat umaga kapag nasusulyapan ko si Lua, pero wala akong lakas ng loob para kausapin s'ya.

Sandaling huminto ang elavator sa kalapit na palapag, at doon sumakay ang isang matabang lalaki. Noon ko lamang nakita ang lalaking iyon.

Lumilipad pa ang diwa ko nang biglang umalingasaw sa buong paligid ang amoy ng bulok na chuvanes.

Napakunot ako ng noo at napatakip ng ilong. Bigla akong nakakita naman ng magandang pagkakataon para kausapin si Lua.

"Amoy utot. Umutot 'yata 'yong lalaki" nakangiti kong bulong sa kaniya na sinabayan ko pa ng malambing na ngiti. Teka, ang weird ayat ng sinabi ko. Shet.

Atlantika (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon