Lunar 13: Collisions of Metals

227 16 0
                                    

Ipinakita ni Etheror ang isang kwintas na may simbolo ng bituin. "Ito ang simbolong pinangangalagaan naming mga Zargon," aniya.

Ayon kay Etheror, ang tatlong simbulo ang magsasalba sa lahi ng mga tao, subalit, hindi malinaw kung paano. Ang totoo, walang nakakaalam kung ano ang tunay na kakayahan ng mga simbolo. Isa pa, matagal na panahon nang nawawala ang isa sa mga ito. Tanging ang kwintas na lamang nina Lua at Etheror ang natitira.

Nagtungo kami ni Lua sa isang silid-pulungan, sa pangunguna si Etheror. Sa harap ng isang bilog na mesa kami naupo at naghintay.

"Lua," bulong ko sa kaniya. "Anong ginagawa natin dito?"

"Hinihintay natin si Jeru."

Si Jeru---ang taong sinasabi ni Lua na nagbigay sa akin ng bakal na braso. Ang sabi pa ni Lua, may sasabihin ang Jeru na 'yon tungkol sa kapitolyo. Grabe. Ang kati ng singit ko.

Pumasok ang isang lalaki sa loob ng silid-pulungan.

"Narito na siya," biglang usap ni Etheror.

Nagulat ako't napatayo. "J-Junel?!"

"Kumusta, Flint?"

"I-ikaw si Jeru?!"

Napakamot siya sa kaniyang batok. "Ah, oo." ngisi niya. "Ang tunay kong pangalan ay Jeru. Isa akong Biophysicist."

"Seryoso??"

"Oo. Nagtatrabaho ako sa kapitolyo, kapalit ng pagtira ko sa itaas na sektor---kapalit ng magandang buhay para sa pamilya ko."

Nagulat ako sa ibinunyag ni Junel--este, ni Jeru.

Ipinaliwanag ni Jeru ang tunay na plano ng kapitolyo na siya namang ikinabahala ng lahat.

"Ipinatapon ako ng kapitolyo sa labas ng siyudad nang malaman ko ang kanilang sikreto. Palihim na lumilikha ang kapitolyo ng mga Cyborg na kanilang gagamitin para makontrol ang buong Atlantika."

Nagulat ako sa mga sinabi ni Jeru. Si Mio at ang matandang babae sa unang bahagi ng paligsahan... Isa sila sa mga Cyborg na sinasabi ni Jeru.

"Flint," biglang usap ni Lua. "Napagpasyahan namin. Kailangang mapigilan ang kapitolyo. Tulungan mo kami."

Tumango lamang ako.

"Kailangan nating malaman ang kinaroroonan ng iba pang mga simbolo," biglang usap ni Etheror.

"Si Zee, ani ko. "Isa siyang lumang modelo na Android. Nabuhay siya bago pa man ang pagkakabuo sa kapitolyo. Maaaring may alam siya."

"Kung gayon, nasaan ang Zee na sinasabi mo?" tanong ng matanda.

"Bihag siya ng kapitol---" Naputol ang pagsasalita ko nang biglang may malakas na pagsabog na naganap na nagpayanig sa silid na kinaroroonan namin. Nagliparan ang malalaking tipak ng pader at nabalot ng makapal na usok ang paligid.

Napahandusay kaming apat nina Lua, Jeru at Etheror sa nagkadurog-durog na sahig.

Sandaling nabalot ng katahimikan ang lahat.

"A-ayos lang ba kayo?"

Gumapang ako sa sahig. Nakapa ko si Jeru.

"Flint..." hirap niyang sambit. Isang malaking tipak ng bato ang nakita kong nakadagan sa kaniyang kaliwang binti.

"J-Jeru!? A-ayos ka lang ba?!" yugyog ko sa kaniya.

Namilipit siya. "Anak ng dikya!! Mukha ba akong ayos?"

Iniikot ko ang mata ko sa paligid. Nakita ko sina Lua at Etheror na nasasamid-samid pa sa kapal ng alikabok sa paligid.

Nang bahagyang maglaho ang makapal na usok, tumambad sa aming harapan ang nakatayong si Zee.

Atlantika (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon