Lunar 16: Dilemma

208 16 0
                                    

Kinaumagahan, nilisan namin ang bayan ng mga Zargon. Ako, si Lua, Zee at Jeru. Nagtungo kami sa bahay ng isang kaibigan sa loob ng lungsod.

"Nababaliw ka na ba, Flint?! Anong ginagawa mo rito sa bahay ko?! At ano'ng nangyari sa braso mo?!" nakasapo pa sa mukhang reaksyon ni Glym.

"Mahabang kwento," ngisi ko.

"Hindi mo ba alam, mga tulisan na ang tingin sa inyo ng lahat!"

"Alam namin, Glym. Kaya kailangan namin ng tulong mo."

"Baliw ka na ba?!" sabunot niya sa sarili. Nagpaling siya ng tingin sa malaking kahon na aming dala. "At nagdala ka pa rito ng bomba!!"

"Glym! Makinig ka!" Isang malakas na sampal ang binitiwan ko sa malaki niyang mukha na agad gumising sa kaniyang lumulutang na diwa. "Nasa panganib tayong lahat! Kapag nagsimula nang kumilos ang kapitolyo! Balak nilang sakupin ang buong Atlantika!"

Agad siyang kumalma at tuluyan nang natahimik.

"Glym! Tulungan mo kaming makapuslit sa minahan!"

"P-p-pero---!"

"Glym! Magiging isa kang bayani!" yugyog ko sa magkabila niyang balikat. "Gusto ng mga tao ang bayani."

"T-talaga, Flint?"

"Oo," tango ko. "At kapag sinuwerte ka, mailalagay ka pa sa pera."

Napakunot siya ng noo. "Teka, may bayani bang nasa pera na nabubuhay pa?"

"Wala."

***

Kinagabihan, hindi ako makatulog kaya naglakad-lakad muna ako. Nakita ko si Glym sa labas ng kaniyang bahay na kausap ang pigura ng isang babae. Masyadong madilim para matukoy ko pa kung sino ang kausap niya.

Kinaumagahan, sinimulan na namin ang misyon.

"Flint, sigurado ka ba sa ginagawa natin?" aligaga't pabulong na tanong ni Glym habang nakasilip sa malaking karitelang hila-hila niya, kung saan kami naroroon nina Lua, Zee at Jeru.

"Shhh! May tao!"

Dali-dali kaming nagtago sa ilalim ng tolda.

"Ikaw!" masungit na sigaw ng isang guwardiya ng minahan. "Bakit ka naririto ng ganitong oras??"

"Ah--eh--ano??" kabadong tugon ni Glym.

"Huwag kang kabahan. Sundin mo lang plano!" bulong ko sa kaniya. "Huminga ka!"

Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Night shift," pilit na ngisi ni Glym.

Naningkit ang mga mata ng guwardiya ng minahan.

"'Yong ID mo!" bulong kong muli.

Dali-dali niyang inilabas ang kaniyang ID at inihambalang sa mukha ng guwardiya.

Napangiwi ang guwardiya at sandaling natahimik. Nabalot ng tensyon ang buong senaryo. Nagkapakiramdamanan na kaming lahat sa ilalim ng tolda, habang si Glym naman ay halos maihi na sa kaba. Lalo pang nabalot ng tensyon ang sitwasyon nang mapansin ng guwardiya ang tumutulong pawis sa noo ni Glym.

"Naghihinala siya! Magsalita ka!" bulong ni Jeru kay Glym.

"Ang inet," usap ni Glym sa guwardiya. "Sarap maghubad, 'no?"

Lalong naghinala ang guwardiya. Dahan-dahan niyang binubunot ang mahabang pamalo sa kaniyang baywang. Gusto naming apat na sakalin si Glym nang biglang...

"Oy!" sigaw ng isa pang guwardiya. "Ikaw ba 'yong night shift??"

Napalunok si Glym. "O-opo!"

Sinenyasan ng ikalawang guwardiya ang nauna. "Papasukin na 'yan!"

Atlantika (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon