Lunar 9: Game of Death

227 17 0
                                    

"Pakawalan n'yo ako rito!!" halos mawalan na ako ng boses sa kasisigaw. "Ilabas n'yo ako rito!!" gasgas na ang lalamunan ko kakahiyaw.

"Lua!!" muli kong ngalngal, habang nakahalik sa bakal na rehas. "Pakawalan n'yo ako rito!!"

"Dude, huwag mo nang sayangin ang oras mo kakasigaw riyan," ngisi ng kasama kong bilanggo.

Nagbuntunghininga ako.

Nang magising ako, isang oras na ang makalipas, narito na ako sa seldang ito. Nakasuot ng damit na pang-alipin, kasama ang lalaking ito--si Junel. Hindi ko talaga siya kilala. Binihag lamang din daw siya ng mga Zargon nang minsan siyang ipatapon ni Mayor Quin sa labas ng tarangkahan.

Prente syang sumandal sa pader. "Chill ka lang, dude, walang magagawa ang kasisigaw mo," aniya.

Sandali akong napa-isip. "Teka. Bakit ba ang kalmado mo?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ka ba natatakot?"

Napangisi siya. "Natatakot? Tss. Bakit ako matatakot?"

Muli akong napa-isip. Kalmado lamang siya kung kumilos at kampante sa sitwasyon namin. Marahil ay may plano siya para makatakas.

"May binabalak ka ano?" pabulong kong usap sa kaniya.

Nagulat siya sa sinabi ko. "Paano mong alam??"

Na-excite ako at ngumiti ng malaki. "Nararamdaman ko, pareho tayo ng iniisip."

"T-talaga?"

"Oo. Mabuti pa, umpisahan mo na para matapos na," buyo ko sa kaniya.

Tumango siya. Naglabas siya ng isang libro at pumunit ng isang pahina.

"Mapa ba 'yan ng daan palabas?" tanong ko.

"Hindi, dude."

Bigla niyang ibinaba ang kaniyang salawal at naupo sa isang sulok.

Napakunot ako ng noo. "Oy! Anong ginagawa mo?!"

"Tatae."

"Bakit ka tata--urrhhh?!" Napasuntok-suntok ko pa sa hangin. "Akala ko ba may plano ka?!"

"Oo nga. May plano talaga akong tumae, nahihiya lang ako sa 'yo. Pero, sabi mo gawin ko na."

"Waat?! Susmaryosep!" Hinila ko siya patayo at itinaas ang kaniyang salawal. "'Mamaya na 'yan!! Kailangan nating makatakas dito bago pa tayo gawing hapunan ng mga Zargon!" himutok ko.

"Malabo 'yon, dude," sagot niya.

"Bakit?"

"Maya-maya lang, magsisimula na ang palaro."

"Palaro?"

"Oo," tango niya. Ibinaba niyang muli ang kaniyang salawal at naupo.

"Oy! Huwag kang--!" Itinayo ko siyang muli at itinaas ang salawal. "Sabihin mo, anong palaro 'yon?"

Napalitan ng pagkaseryoso ang kaniyang mukha. "Isang paligsahan na lalahukan ng mga bihag."

"M-mga bihag? Tayo??"

"Oo," tango niya. "Ang palaro ng kamatayan."

Ang palaro ng kamatayan... ayon kay Junel, ay isang palaro ng mga Zargon na sapilitang lalahukan ng lahat ng bihag. Sabi pa niya, ito ang palarong kinatatakutan ng lahat. Kamatayan ang maghihintay sa mga magiging talunan.

"Ang palaro lang ang tanging paraan para makalabas tayo rito ng buhay," aniya.

Nanginginig ako sa takot nang mga sandaling iyon. Ang ideya ng kamatayan ay isang bagay na kinatatakutan ng kahit-sino, pero, kung ito na lamang ang nalalabing paraan para makaalis dito ng buhay at mailigtas si Lua... gagawin ko.

Atlantika (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon