Lunar 21: Valediction

270 16 0
                                    

Sinundan namin ni Lua si Faust. Dinala kami ng aming mga paa sa isang napakalalim na lagusan sa isang tagong bahagi ng Atlantika. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Lua. Batid ko ang takot sa kaniyang mga mata. Hinawakan ko ang kaniyang kamay.

Lakas loob naming binaba ang walang hanggang kailaliman---Isang tagong na lugar na walang sino man ang may alam---isang lugar na itinago nang mga sinaunang tao sa loob ng ilang siglo.

Sa loob ng isang malawak na bulwagan, naroon si Faust. Balot ng negatibong ora ang kapaligiran na animo'y naghahatid ng pakiramdam ng kamatayan.

Doon, naabutan namin ang isang dambuhalang makina. Isang malaking espadang may dalawang malaking pakapak at malaking kanyon. Yari sa bakal ang kabuohan at nakagapos sa malalaking mga kadena. Isang nakakikilabot na sandata na animo'y naghihintay lamang sa aming pagdating.

Sandaling napako ang aming mga paa ni Lua sa aming kinatatayuan.

Sa harap ng makina, nakatayo si Faust.

Inilahad niya ang kaniyang mga palad at nagsalita. "Maraming siglo na ang lumipas, dahil sa mataas na bilang ng populasyon, binuo ng mga sinaunang tao ang Espada ni Zeus upang baguhin ang atmospera ng buwan at maging panibagong tahanan ng mga tao. Subalit, hati ang relihiyon at gobyerno sa usaping ito... Nagkaroon ng malaking pagtatalo at isang aksidente ang naganap. Winasak ng Espada ni Zeus ang buwan na kalaunan ay naging dahilan ng pagkawasak ng kanilang sibilisasyon."

Tahimik lamang kaming nakinig ni Lua.

"Nakita mo, Flint Axis? Ang pagiging hati ng paniniwala ng mga tao ang dahilan ng inyong pagbagsak. Ginagawa ko lamang ito upang magkarooon ng iisang paniniwala. Pamumunuan ko ang mga tao at upang magkaroon ng iisang adhikain at iisang mithiin. Ang magpatuloy sa buhay!"

"Itigil mo na ito, Faust!" ani Lua.

"Itigil?" sarkastiko niyang reaksyon. "Hindi n'yo ba nakikita? Ito ang magsasalba sa lahat!" Lumundag si Faust at dali-dali sumakay sa loob ng dambuhalang makina.

Nagsimulang yumanig ang buong Atlantika kasabay ng paggalaw ng dambuhalang makina. Dahan-dahang bumuka ang mga pakpak nito. Naglabas ng apoy ang malalaking tambutso at unti-unting itinilak ang sarili paangat. Naputol ang malalaking kadenang gapos nito kasabay ng dahan-dahan nitong paglipad.

"Tatakas siya!" inis kong sabi sabay habol sa umuusad na makina

Napasapo si Lua sa kaniyang dibdib. "Flint!"

"Susubukan ko siyang pigilan!" bulalas ko.

Dali-dali kong hinabol at nilundag ang isang naputol na kadenang nakakabit pa sa makina. Pilit kong hinila ang sarili ko para makaakyat sa mataas na bahagi ng makina kung saan naroroon si Faust.

Nagpagewang-gewang ang kinakapitan kong kadena sa lakas ng apoy mula sa kalapit na tambutso. Nagpaduyan-duyan ako't pilit ni inilalayo ang sarili mula sa nagngangalit na apoy.

"Flint!" pag-aalala ni Lua. Napapaling siya ng tingin sa malaking tarangkahan na nakabukas kung saan dadaan ang dambuhalang makina. Ibinaba ni Lua ang tarangkahan para harangan ang paglabas nito.

"Akala n'yo ba mapipigilan n'yo ako?!" singhal ni Faust.

Dahan-dahan gumalaw ang malaking kanyon ng Espada at tumutok sa tarangkahan. Nagliwanag ang malalaking tubo nito kasabay ng isang malakas na putok. Bumulwak ang malakas na enerhiya mula sa kanyon at bumulusok sa tarangkahan. Isang malakas na pagsabog ang naganap. Nawasak ang malaking tarangkahan.

"Walang hiya ka, Faust!" bulalas ko habang nakahawak sa malaking pakpak ng espada. "Bumaba ka d'yan!! You son of a vicks!!"

"Flint Axis!! Ang tigas ng ulo mo! Bakit hindi ka pa rin sumusuko?!"

Atlantika (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon